Chapter 4

1537 Words
DJ's POV "Anong masasabi mo, pare? Maganda si Astrid, hindi ba?" tanong ko kay Jethro pero nagkibit balikat lang siya. What? Alam kong pihikan siya pagdating sa babae pero alam kong ang tipo ni Astrid ang mga nakakakuha sa atensyon niya. Hindi ko na siya pinilit sa kung ano ang totoong tingin niya kay Astrid dahil wala rin naman siyang magagawa. Hindi rin naman siya nangingialam pagdating sa mga babae ko. Sanay na siya na kung sinu-sino lang ang mga nakakalandian ko. Nagpatuloy na lamang kami sa pakikipag-inuman sa mga kasama namin sa gang. Dahil sa epekto ng alak ay nakaisip ako ng paraan kung paano mapapansin at mapapalapit kay Astrid. Masyado siyang mailap, kaya kay Meredith muna ako makikipagkaibigan. Mas madaling kaibiganin ang mga tulad niya. Tutal bakla ang tingin sa akin ni Meredith, hindi niya maiisip na maaari ko siyang gamitin. Pero hindi ko naman siya totally gagamitin. Mukha namang masaya siyang maging kaibigan kaya gusto ko rin subukan. Wala rin kasi ako masyadong kaibigang babae. It's like hitting two birds in one stone. May girlfriend na ako, may bago pa akong kaibigan. "Ano, pare, ready ka na ba sa opening ng klase next week?" biglang naitanong ni Jethro. "Oo naman. Paniguradong paghaharian na naman natin ang bago nating school," pagyayabang ko. Well, I know it would definitely happen. Wala pang eskwelahan ang hindi namin nasakop. "Kailan ba tayo nasapawan?" sabi niya at ngumisi. Hindi kami nagyayabang, we're stating facts. And nothing but the facts. Yes, kahit nga hindi pa namin napapasukang school ay kilala pa rin kami, e. That's the power of Dark Core. Kinatatakutan. Pinangingilagan. And I, Diether Jack Villafuerte, senior high student of different school—but now claiming Wellington High as my temporary school. Alam kong hindi rin kami magtatagal sa eskwelahang iyon. Sana ay maraming magagandang estudyante sa school na iyon para ma-enjoy ko ang ilang buwan—o linggong pag-aaral doon. Nasa kalagitnaan kami ng pag-iinom at pagkukwentuhan nang maistorbo kami dahil sa narinig naming pagkabasag ng bote. Nilingon namin ang pinanggalingan ng ingay at mayroon palang nagkakagulo rito sa bar. Hindi namin iyon pinansin. Wala kaming pakialam sa away ng may away kaya nagpatuloy kami sa pag-inom at kuwentuhan. "Aray! Pvtcha!" daing ko dala ng pagkabigla. Someone elbowed me at my back. Nagkatinginan kami ni Jethro at sabay na napatayo. Lumapit kami sa nagkakagulo at sabay kaming kumilos. Hinila ko sa kwelyo ang lalaking sa tingin ko'y nakasiko sa akin. "Ikaw ba ’yon?" I ask nonchalantly. "H-hindi ako...  s-siya." Itinuro niya ang kanyang kasama na tila alam na ang aking pinatutungkulan. Binitawan ko siya at lumapit sa lalaking itinuro niya. "Ikaw ba?" Hindi siya nakasagot kaya sinikmuraan ko na. Silence means yes. Napangiwi siya sa sakit. "Pare , huwag ka nang mangialam," sabi nung isa nilang kasama dahil may nagbabalak pa yatang sumugod sa akin. Little did they know that attacking us is a suicide? "Bakit? kung kayo natatakot sa kanila, puwes ako hindi!" Matapang na sabi niya. "Gago, pare, gusto mo na bang ma-ospital? Hindi mo ba sila nakikilala? Leader ng Dark Core ang dalawang ’yan." A guy from their group warned them. Napaatras ang lalaking kanina ay nagtatapang-tapangan at tila nabahag ang buntot. Sabay-sabay silang nagtakbuhan palabas ng bar. "Mga duwag!" Jethro shouted. Napailing na lang kami at bumalik sa puwesto namin. "Kala ko pa naman pagpapawisan tayo roon," sabi ni Kai na isa sa mga member namin. "Just by looking at them, I know they are weak," komento naman ni Arjon. Ilang minuto pa kaming nag-stay sa bar bago namin napagdesisyunang umuwi na muna. Kaya ko pa namang mag-drive kaya hindi na ako nagpa-book ng grabe. "Kuya..." Salubong sa akin ng kapatid ko at mahigpit na yumakap sa akin. "Bakit  gising ka pa?" tanong ko. "Where's my dress?" Halos makalimutan ko na ang ni-request niya sa aking dress. "Utang muna, Sammy. Nagkaproblema lang si kuya kanina," I said and she pouted. "Promise, next week, Kuya will buy you a new dress." Nagliwanag naman ang mukha niya.  Mabuti na lamang at madaling suyuin si Sammy. "Promise?" "Yea. But for now, go to your room and sleep," I tell her at tumango siya. Hinalikan niya ako sa pisngi ag umakyat na sa kanyang kuwarto. Sorry kapatid ko, naunahan kasi ako sa dress kanina, e. Ayoko namang makipag-agawan pa para lang sa dress. So I gave it to Meredith. Oh, crap! Wala nga pala akong contact kay Meredith. Stupid DJ! Bakit ngayon ko lang naisip na dapat ay kinuha ko ang number niya. How would I be able to get close to Astrid. Magkkikita pa kaya ulit kami ni Meredith? I hope so. I go to my room and took a half bath. Hanggang sa makahiga ako sa kama ko. Nakatingin lang ako sa kisame. A random thought came across my mind. Wellington High? I don't know why pero tila bigla na lang akong na-excite pumasok sa school na ’yon. Kilala ang eskwelahang iyon pero wala akong gaanong idea sa kung ano ang sasalubong sa amin doon. Ang tanging pakiramdam ko  lang ay may bagong mangyayari sa pagtapak na pagtapak pa lang namin sa school na iyon. Hindi kaya may mga malalakas na gang doon at kakalabanin kami? Well, mas okay ’yon para naman magkaroon ng thrill ang bago naming school. Sa mga pinanggalingan kasi namin ay medyo boring na dahil mabilis naming napaghaharian. Nawawalan na ng thrill. Kaya kung may magtatangka mang kumalaban sa gang namin, sana ay hindi na lang basta-basta gang. How about mafias? That would be surely fun. — Astrid's POV Nakakaasar! Nakakainis talaga ang lalaking ’yon. Dude, I didn't even know that it's him I would be kissing. Akala ba niya gusto ko ang nangyari? It was just a dare and I don't even know why I accepted Meredith's crazy dare. She really knows how to provoke me. And she got me there. Isang linggo na ang nakakalipas mula nang mangyari ang insidenteng iyon pero hindi ko pa rin nakakalimutan ang nangyari. It's lika a permanent scar na gustuhin ko mang mawala ay nagmarka na. "Earth to Astrid!" Meredith snaps in front of me to get my attention. Saka ko lang na-realize na nagda-drive nga pala ako at umandar na ang sasakyan sa harapan ko. "Are you okay, Astrid? Ang lalim yata ng iniisip mo?" usisa  ni Meredith. "Yea, I'm okay." Nagpatuloy ako sa pagmamaneho. It's the first day of school year and I need to compose myself. Nag-park ako at bumaba na kami ng sasakyan. Sabay kaming naglakad ni Meredith papunta sa building namin. Nagkatinginan kami ni Meredith nang mapansin ang kumpulan ng mga estudyante sa quadrangle. I look at my watch and see that it's almost seven in the morning. Hindi ba alam ng mga estudyanteng ito ang oras ng dating namin? Ilang gulo at pagbabanta pa ang kailangan ng eskwelahang ito para magtanda na ayaw naming may paharang-harang sa dinaraanan namin. Hindi na sila natuto. "Anong mayroon?" tanong ko. "I don't know and I dont care," sambit ni Meredith habang naglalaro sa kanyang cellphone. Nakalapit na kami sa kumpulan ng mg estudyante ngunit tila wala silang nakikita. Meredith clears her throat to get their attention. But they didn't even bother to move. They're still making a commotion. "Tatabi ba kayo o tatabi kayo?" Lahat sila ay nagulat nang makita kami kaya naman mabilis silang nagsitabi para mabigyan ng daan. Akala ko ay ayos na ang lahat. Na makakaraan na kami. Pero may isang grupo ng mga lalaki ang ayaw tumabi sa daraanan namin. Hindi ko sila makilala dahil nakatalikod sila sa amin. "Ayos pare, ah? Sikat na agad tayo rito. Binibigyan pa tayo ng daan." Natatawang sabi ng isang lalaki. Mga nakatanaw sila sa building namin na marahil ay building din nila. So, they're senior high, huh? "Mukhang mapapasunod natin mga estudyante rito, pare." Naliligayahan namang sambit pa ng isa. "OMG! Anu bang pinagsasabi nila?" sabi ng isang babae mula sa kumpol ng mga tao. "Sana hindi sila naririnig," sabi naman ng kasama niyang babae. Hindi nila alam kung maaawa ba sila o matatawa sa mga lalaking nagfe-feeling sikat sa gitna "Excuse me? You're blocking our way," sabi ko. We don't have much time to their blabbering and I just want sit already. So they better get the f**k out of our way. Pero tila wala silang narinig. "Huy, tumabi na kayo," sabing muli ng babae sa mga lalaki ngunit hindi pa rin sila pinansin. Huminga ako nang malalim dahil sa labis ba inip. "I said move! You're blocking our way!" sigaw ko na sa wakas ay nakapagpaharap sa kanila. And for the nth time, I was so surprise. Akala ko ay nakawala na ako sa sumpa ng lalaking ito pero hanggang ngayon ay narito siya. "Meredith? Astrid?"A boy named DJ exclaimed. Yea, that's what Meredith told, right? He's DJ. Her so-called friend. "Sister, dito rin kayo nag-aaral?" Tiningnan ko si nang tila ay may balaka pa siyang makipagkuwentuhan kay DJ. Lumapit sa akin si Meredith at bumulong. "Si DJ ’yan, remember? Then beside him is Jethro, his boyfriend."Tiningnan ko ’yong Jethro mula ulo hanggang paa. For real? He's gay? "Huy, Meredith, anong sinabi mo? Bakit siya natatawa?" I'm sorry but I can't help but laugh. "Nothing..." Ako na ang sumagot. I got too mad with that accidental kiss e bakla naman pala ang nahalikan ko. But are they really gays? They're too manly to be gays. Whatever! Gay or straight, hindi kami magkakasundo. But I really enjoyed that news so I would let this one slide. Kakalimutan kong humarang sila sa dinaraanan namin. Naglakad na kami ni Meredith at nilagpasan ang mga bakla. —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD