HAROLD Hindi maitago ang saya at ang nararamdamang excitement ni Clara habang sakay ng kotse ko. Nakabihis siya ng pormal, ganoon din ang anak naming si Claire dahil pinasama sila sa akin ni Anika. Ayaw ko sana silang pasamahin dahil bata pa si Claire at hindi magandang isama ang bata sa isang importanteng event, pero hindi ako tumutol dahil ito ang suhestyon ng asawa ko. Ginawa ko kung ano ang makabubuti, lalo na't mahalaga raw kay Mr. Kazimir ang pakikipag-deal sa taong may pamilya dahil mas malaki ang tiwala niya sa taong responsable na magiging maganda umano ang patakbo nito sa negosyo dahil may malaking responsibilidad sa buhay, bagay na nauunawaan ko naman. “Makinig kayong dalawa,” sabi ko kina Clara at Claire. “Mahalaga para sa akin ang deal na ito, kaya huwag kayong gagawa ng

