Pagkalipas ng taon… “Welcome back to the club, Mr. Onyx del Querro!” ani Mr. Saavedra, ang director ng PDEA sa rehiyon na iyon. Kasunod ng sinabi nito ay ang isang masigabong palakpakan. Naroon silang lahat sa multi-purpose hall ng compound na iyon at nagdiwang sa muling pagka-install ng binata sa serbisyo. Sa puntong iyon ay naluklok na siya sa mas mataas na ranggo. “Salamat po chief. Salamat sa inyong lahat na naniniwala pa rin sa akin.” nakangiting wika niya habang nasa entablado ng mga sandaling iyon. “You’re welcome Onyx. But I just want to remind you that the higher the position, the greater the accountabilities and responsibilities.” wika ni Mr. Saavedra nang maupo sila pagkatapos ng picture taking. “Alam ko po yon. This time mas pag-iigihan ko pa at paghusayan ang aking trabaho

