“Akala ko hindi na kita makikita. Kay tagal kitang hinanap. I thought I lost you. Patawad kung hindi kita nasamahan dito Caroline.” Nakangiting mukha ni Alfred ang nakita ni Caroline nang siya’y lumingon. Papalapit sa kaniya ngayon ang binata. Nginitian lang niya ito. “Paano mo ako natunton dito?” maang niyang tanong nang makalapit na ito. Nakita niyang tumingin ito sa lapida na naroon. “Pagmahal mo ang isang tao, hahanapin mo siya kahit saan.” anito at binalingan siya. “Sayang hindi ko na siya nakita sa huling pagkakataon.” wika ni Caroline na nagsimula na naman ang pagtulo ng luha. Mabilis na sinapo ni Alfred ang kaniyang mga pisngi at pinahid ang mga butil na nananalaytay doon gamit ang palad. “Tutulungan kita…” masuyong bulong nito sa dalaga. “I

