"Good evening Mr. Jimenez." Napatayo si Alfred nang makita ang bumabati sa kaniya. Kinamayan niya ito at inalok na maupo. Naroon sila ngayon sa isang restaurant sa global city at kanina pa niya hinihintay ang panauhin na ito. The man named Daniel Bokingo, ang punong director ng PDEA Headquarters. "I am really glad that you come Mr. Bokingo." Ngumiti ang binata. "Alam kong importante ito kaya ako pumunta. By the way, ano nga pala ang pag-uusapan natin?" Kaswal na wika ng lalaki. Hindi sumagot si Alfred bagkus ay kinuha ang dalang sobre sa kaniyang bag. Nakangiti siyang iniabot iyon sa kausap. Tinanggap naman ito ng lalaki at binuksan iyon. Napangisi ang binata nang makita ang reaksiyon nito. Sino ba naman ang hindi magugulat sa lilibuhing pera kapag inabot sayo? "What's this?" Gumuhit s

