Nakatanaw lang si Caroline sa labas ng bintana ng eroplano. Katulad ng malawak na himpapawid na walang laman kundi ang asul na kalangitan, ganoon rin ang nararamdaman ng kaniyang hungkag na damdamin ngayon. Samu't saring emosyon ang namayani sa kaniyang kaaloban at hindi na niya alam kung ano ang unang susundin. Kaninang umaga balisang balisa siya nang harapin niya si ALfred. Puro si Onyx lang kasi ang nasa isip niya hanggang sa mga sandaling ito. Ngunit hindi katulad noon, may tapang na siyang ipagtapat sa binata ang lahat. She will tell him the moment they reach the Philippine Airport. May kaba rin siyang naramdaman para sa kaniyang kaligtasan ngunit nagawa niyang magdisguise ng konti para hindi mamukhaan. Nagpasalamat rin naman siya dahil hindi na nagtanong pa ang bina

