PROLOGUE

360 Words
PROLOGUE Tinakpan ko ang aking bibig at pilit na pinipigilan ang luha na kumakawala sa aking mga mata. Pero tila itong baha na tuluyang umaagos sa aking mga mata. Masaya at excited akong pumunta rito pero ito lang pala madadatnan ko. Nakikita ko ngayon ang lalaking pinakasalan kong nakiipaghalikan sa isang babae at halos hubo't hubad na magkapatong sa kama. Noong nakaraang linggo. Hind ko akalaing magagawa niya sa akin ito. Pumikit ako, kinuyom ko ang aking kamao. Para akong sasabog dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko na kaya pang makita ang lalaking mahal habang naghahalikan at nakapatong sa isang babae. Malaya ko silang nakikita dahil nakaawang ang pintuan ng silid na kinaroroonan nilang dalawa. Lumuwas ako ng Manila para puntahan si Massimo at kamustahin siya dito pero hindi ko akalaing ito pala ang madadatnan ko. Ito ang condo ni Massimo, nagpaalam siya sa akin na lumuwas ng Manila para asikasuhin kung ano man ang dapat niyang asikasuhin pagkatapos nun, Muli kong ipinikit ang aking mga mata. Paano nagawa sa akin ito ng lalaking pinakasalan at minahal ko ng sobra? Tumakbo na ako palabas para doon ilabas ang sakit na naramdaman ko. Tumakbo ako palabas ng condo. Nang makalabas, bumubuhos naman ang malakas na ulan. Mukhang umaayon naman sa akin ang langit. Bakit ngayon pa umulan ng malakas ngayong umiiyak ako. Para ba hindi nila makitang umiiyak ako? Para ba mapagtakpan ang sakit na nararamdaman ko ngayon? Para ba hindi nila mahalatang umiiyak ako. Wala sa sariling sumakay ako ng jeep para pabalik sa bus station. Babalik ako sa probinsya na parang walang nangyari at wala akong nakita. Ayaw kong mawala sa akin si Massimo. Mahal na mahal ko si Massimo at kahit masakit titiisin ko dahil mahal ko siya. Mahal na mahal. Sa gabi din na iyon ay umuwi ako. Hindi na ako nagpakita pa sa mga maid namin baka magtaka pa ang mga ito. Ayaw kong malaman ni Massimo na pumunta akong Manila para sundan siya. ayaw kong malaman niyang nakita ko siyang may ka-s*x na iba. A/N : Pasensya na po. Huwag niyo po ito basahin hanggang chapter 3 lang po kasi ito dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD