CHAPTER ONE

1127 Words
GRACIOUS ANN DELA CRUZ I was married to a man of my dreams. I'm just a simple woman with a high standards when it comes to men, I always dream of a man, with six feet tall and above, a good looking man, have a very muscular body, especially, a blue eyes but it's optional dahil nasa Pilipinas naman tayo at lahat naman sa kulay ng mga mata natin ay brown pwera nalang kung may dugong banyaga. _ Hi, I'am Gracious Ann Dela Cruz Madrigal. I was married to Enzo Madrigal. I'am 26 and he is 32. Like i said i have a high standard when it comes to men at si Enzo lang ang nakitaan ko ng ganun. I mean lagpas pa sa standard ko si Enzo dahil sa mga mata ko ay napaka perpekto niya, para siyang greek god na inukit ng pinakamagaling na sculptor. _ Pero sa aming dalawa - - - Ako lang ang masaya at nagpapahalaga sa kasal namin. Dahil para sa kanya ay isa lamang akong pagkakamali. Parang tinutusok ng libo-libong karayom ang puso ko sa tuwing pinapamukha niya sa aking wala akong silbi sa buhay niya, nung una ay nasasaktan pa ako sa tuwing pinapamukha niya sa akin iyon pero sa paglipas ng panahon ay unti-unti na rin akong nasanay. Ang tanging pinanghahawakan ko lang ay ang marriage certificate namin. Dahil alam kung hanggat kasal kami ay hindi siya makakawala at umaasa pa rin ako hanggang ngayon na matututunan niya rin akong mahalin, kahit alam kung malabo ay umaasa pa rin ako. _ Nakilala ko siya ng magpunta siya sa Hacienda noon para makipag partnership kay papa at kunin kaming supplier ng kape at Tubo para gawing asukal. Unang kita ko pa lang sa kanya noon ay agad na akong nahulog. Lalo pa ng magkasalubong ang mga tingin namin noon. Sabi ko noon, Siya na ang lalaking iniintay ko, at nangako ako sa aking sarili na kahit anong mangyari ay sisiguraduhin kung mapapasaakin siya. _ Mula nun ay para na akong asong ulul kakasunod sa kanya. Naging stalker niya ako ng halos isang taon... Lahat ng tungkol sa kanya ay inalam ko, mula sa paborito niyang timpla ng kape, paborito niyang dessert, Gusto niyang kulay, Pati na ang tungkol sa pamilya niya. Inalam ko kung may kapatid ba siya, pero nag-iisa lang siyang anak. Inalam ko rin ang tungkol sa negosyo niya, kung ilang branch ng wine at kape na ang napatayo niya nationwide. Alam ko rin kung ilang hotels, bars, condominiums, apartments, ang pinatayo niya. Even a small details about him ay hindi ko pinalagpas. _ Alam ko rin ang tungkol sa - - - Alam ko rin ang tungkol kay Therressa. Si Therressa ang girlfriend niya siya dapat ang papakasalan niua at hindi ako, siya dapat ang may hawak ng apelyidong Madrigal at hindi ako. Nasa akin nga ang apelyido pero nasa iba naman ang puso niya. Umuuwi si Enzo kay Therressa tuwing weekdays, at uuwi lang siya sa akin tuwing weekends at kung minsan pa ay lasing siyang uuwi sa akin. _ Wala siyang alam na alam ko ang tungkol kay Therressa. Sa halos apat na taon na naming kasal ay hindi pa kami nagkakaroon ng anak dahil ni isang beses ay hindi niya ako nagalaw. He was disgusted, para sa kanya ay madumi akong babae. Buong akala niya ay marami nang lalaki ang humawak sa akin pero nagkakamali siya dahil kahit ni isang beses ay wala pa akong experience sa pakikipagtalik. Gusto kong isigaw sa kanya iyon pero wala akong lakas na sabihin iyon sa kanya. Iniisip ko na lang na paniwalaan niya ang gusto niyang paniwalaan. _ "Good Afternoon ma'am, ihahatiran niyo ba ulit ng ng tanghalian ang asawa niyo." Wika ni Mang Ador na siyang guard dito sa kompanya ng asawa ko. "Magandang tanghali rin ho sa inyo Mang Ador. Oho ihahatiran ko po ng tanghalian ang asawa ko." Ngiting sagot at pagbati ko rin kay Mang Ador. "Napakaswerte namam talaga ng asawa mo ma'am sa'yo dahil talagang hinahatiran mo pa siya ng pagkain." Tipid na lang akong napa ngiti sa sinabi ni Mang Ador. Sana ay ganun lang kadaling isipin iyon pero hindi eh. "Sige ho Mang Ador, una na ako." Wika ko na lang at umalis na sa harap nito. "Sige madam." _ Walang nakaka-alam na ang asawa ko ay walang iba kundi ang boss nila. Walang may alam na ikinasal si Enzo dahil ang kasal nami ay pribado. Tanging ang mga pamilya lang namin ang nakakaalam. Pumayag si Enzo na maikasal sa akin dahil hindi niya magawang sumuway sa kanyang ina, pero sa isang kundisyon. Iyon ay ang gawing pribado ang kasal naming dalawa. _ Nagmadali akong maglakad patungo sa elevator pero ng makita kung magsasarado na iyon ay napatakbo na ako. "Wait!! Wait!!" Sigaw ko para sana pigilan ng lalaking nakasakay sa loob ng elevator ang pagsara ng pinto Pero ng makalapit na ako ay tuluyan ng sumara ang elevator. Napahinga na lang ako ng malalim at tatalikod na sana para sumakay sa isang elevator ng maramdaman kung bumukas ang elevator sa likod ko. Pinindot pala ng lalaki ang button para hindi tuluyang sumara ang elevator. Pumasok ako sa loob ng elevator. "Thank you." Ngiting pasalamat ko doon sa lalaki. _ Puno ng nakakabinging katahimikan ang loob ng elevator ng marinig kung magsalita ang lalaki. "Dadalhan mo ba ng lunch ang asawa mo." Akala ko nung una ay may kausap siya sa cellphone pero ng lumingon ako ay sa akin siya nakatingin. "Huh, Ako ba ang kausap mo?" Alanganing tanong ko sabay turo sa sarili ko. "Hmm." Tumango pa ito. "Ahh.. Oo." Nahihiyang sagot ko. Hindi kasi ako sanay na nakikipag usap sa iba lalo na pag hindu ko kilala. "Saang Department naka assign ang husband mo?" Hindi ko naman alam ang isasagot ko kaya napapakamot na lang ako sa aking batok at the same time ay nahihiya. "Sa Finance Department ba? Sa Marketing? O sa Accounting? Sa Management ba?" Nahalata niya atang naiilang ako at nahihiya kaya tumigil siya sa pagtatanong. "Don't get me wrong. Hindi mo kasi pinindot kung saang flor ka hihinto." Nang marealize ko kung anong pinupunto niya ay agad kung pinindot ang 12 floor. "Ahh Ganun ba.." "Harrison nga pala." Pakilala niya at itinaas pa niya ang kanyang kamay para makipag kamay sa akin. "Gracious Ann." Nahihiyang inabot ko ang kamay niya at agad ko ring binitawan iyon. Actually, gwapo naman si Harrison pero mas gwapo pa rin si Enzo sa paningin ko. Maaliwalas ang mukha niya at hindi makikitaan ng kahit na anong bahid ng pagkalungkot. Sakto namang bumukas ang elevator at hindi na ako nakapagpaalam kay Harrison basta na lang akong umalis. TYPO ERROR/ SPELLING ERROR/ GRAMMATICAL ERROR IS EXPECTED IN THIS STORY.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD