Tahimik ako habang nag-aayos ng mga basag na vase sa may sulok ng sala. Naiwan kasi ‘yon matapos ang kaguluhan kanina, matapos mag-walk out si Yumi. Wala sina Keaton at Khalil. Sila na ang sumunod sa kanya sa labas, baka para masigurong maayos ang lagay ng babae kahit na ganoon ang nangyari. Ako, naiwan mag-isa. Habang pinupulot ko ang ilang piraso ng basag na ceramic, biglang may kumatok sa pintuan. Kumunot ang noo ko. Sino naman kaya ‘yon? Pagbukas ko, bumungad sa akin ang pamilyar na mukha. "Mari?" “S-Shaun?” Bahagya akong nagulat. “Anong ginagawa mo rito?” Nginitian niya ako, pero halata sa itsura niya ang pagod. “I heard nagsakit ka. So pumunta ako. Sorry kung hindi ako nakabisita agad. Daming ganap sa kumpanya. Kamusta ka naman?” Medyo nahihiya akong tumango. “Okay na naman

