"Anong nangyayari rito?" Mabilis akong napatingin kay Aling Lolita na may dalang dustpan at walis tingting. Mukhang katatapos lang niyang magwalis sa labas, sa may likod ng bahay. "Siya po!" Tinuro ko si Keaton at sinamaan ng tingin. "Tingnan niyo po ang itsura niya. Akala mo maganda ang katawan." Pero ang totoo, maganda talaga ang katawan niya. Iyong tipong sakto tapos may balahibo pababa doon sa pinakatatago niya. "Hindi ba? Halos maglaway ka nga, eh." Natatawang sabat niya. Malaki-laki ang mga mata kong pumihit paharap sa kanya. "Kapal din ng mukha mo 'no? Ako maglalaway dyan? Payat mo nga, eh." Sinamaan ko siya ng tingin at humalukipkip na bumaling kay Nay Lolita. "Pagsabihan niyo nga po 'yan. Akala mo nasa pamamahay kung makapagsuot ng boxer." "May abs naman ako. May maipagmamalak

