Malamig ang simoy ng hangin habang naglalakad ako sa kalsada, basang-basa ng pawis at luha. Hindi ko alam kung saan pupunta habang paulit-ulit lang sa isip ko ‘yung boses ni Keaton. "Enough, Mari. Get out." Pang ilang ulit ko na sigurong pinunasan ang pisngi ko pero wala rin, tuloy-tuloy pa rin ang pagpatak ng mga luha ko. Hanggang sa makarating ako sa isang lugar nang hindi ko na namalayan, sa lumang tindahan kung saan ko unang nakilala si Aling Lolita. Doon ako naupo sa gilid, yakap ang sarili. Wala na akong pakialam kung may makakita. Wala na akong pakialam kung gaano ako ka-dungis tingnan. Gusto ko lang umiyak para kahit papaano maibsan ang sakit na dinadala ko. Ilang minuto akong ganon, nakatungo at nanginginig, hanggang sa may biglang tumigil na kotse sa harap ko. Narinig ko ang

