chapter 6

1431 Words
Tiningnan ko ang suot ko bago ako bumaba sa sasakyan, mahaba din kasi ang aming byahe kaya't sigurado akong nagulo ang suot ko pati narin ang buhok ko. Gamit ko ang bigay sa akin ni Mommy na dress. Binili n'ya ito online dahil wala kaming oras lumabas… parehas silang may trabaho. Isang Button Front Plunge Ruffle Dress ang aking suot. Beige ang kulay nito, bagay lamang sa balat ko. Iniwan ko muna ang gamit ko sa sasakyan dahil naghanda daw si Lola ng kakainin namin. Kinuha ko lang ang cellphone ko bago ako tuluyang umalis ng sasakyan. Agad kong sinalubong si lola at lolo na ngayon ay binabati rin ang aking ina. "Lola… Lolo," agad akong yumakap. "kumusta po?" nagmano rin ako sa kanila. "Hay! Salamat at kayo'y nakabalik na rito! Ilang taon na rin ng tayo'y nagkita." si Lolo, malayo kasi ang Zambales dito sa tagaytay kaya't hindi namin nagawang bumisita. "Kumain na tayo, kakausapin ko pa ang nanay mo." napatawa ako, hindi ko pa nakikitang sermonan ni Lola si Mommy. "Tumigil ka nga, Sabrina. Kailangan ng pahinga ng anak mo. Pagod yan, wag na wag mong sisisihin dahil naghiwalay sila noong lalaking iyon!" napangiti ako sa sinabi ni lolo. Safe kami dito, naiintindihan nila kami, walang manghuhusga, may kakampi kami laban sa magulo at maingay na mundo. May nakahandang malaking lamesa at upuan sa labas ng bahay nila Lola kung saan matatanaw ang kanilang malawak na mango farm. Napangiti ako, pahinga. Kinuha ko ang cellhone ko at kinuhanan ang magandang tanawin, inilagag kk iyon sa myday ko sa i********:. 'Peace' Agad na nakita iyon ng aking mga kakilala---dating kaibigan, nagchat din sila pero hindi ko nalang pinansin. Bakit ako makikipagplastican sa kanila, eh, alam ko namang sinisiraan lang nila ako at pinaguusapan pag nakatalikod ako? What a trash. Naglabas na sila ng Plato at mga ulam, akma akong tutulong pero hindi nila ako hinayaan. Maya maya'y pa ay may dumating namang isang lalaki na may dala ring ulam, ibinaba nito ang dala n'ya sa lamesa kung saan nakalatag na ang mga pagkain. "Hijo! Nag-abala ka pa! Umupo ka muna at kakain tayo!" Anyaya ni Lola. "Nako, hindi na po. Ipinadala lang ho iyan ng aking nanay para daw ho sa anak n'yo." Ngumiti lang s'ya at nagmano sa dalawang matanda. "Ay, eto pala ang anak ko si Rhianne." Pagpapakilala ni Lola kay mommy. "Sa kanila ang restaurant na pwede mong pagtrabahohan. Noong nakaraang araw ay nakausap ko na sila at pwede ka raw namang magtrabaho doon, kausapin mo nalang daw sila kung may tanong ka sa sweldo at kung kailan ka pwedeng magsimula." "Glad to meet you po, Ma'am Rhianne." "Glad to meet you too, hijo." Sagot ni mommy. "At si Ryeanne, apo ko." Agad ko s'yang nginitian, ganon din s'ya. "Thirdy, nice meeting you." pagpapakilala niya, ngumiti nalang ako at tiningnan ang puno ng mga mangga. Gusto kong umakyat! Sa huli ay nakasama rin naming kumain si Thirdy, naguusap sila tungkol sa pwedeng pasukan na trabaho ni Mommy sa restaurant nila, s'ya na ang nagpaliwanag kung ano ang gagawin ni mommy at kung magkano ang sweldo na makukuha ni Mommy kung tutuloy sya sa trabaho. Dahil nga umalis kami sa bahay ni Daddy, naiwan doon ang trabaho na pinagkukunan namin ng pang gastos sa araw araw. "Anong balak mo sa Rhianne? malapit na ang pasukan, dalawang linggo nalang ay sigurado akong magsisimula na iyon." Napatingin ako kay mommy ng tanungin s'ya ni Lolo tungkol sa paaralang aking papasukan. Kung si Mommy at Lola ang tatanungin, ok lang sa kanila kahit na hindi masyadong mataas ang grade mo pero kung si lolo na ang nagsalita… mapipilitan kang magaral ng mabuti dahil mahalaga ang pagaaral sa kaniya, kung magkakaroon ka ng line of 8 sa card para na iyong isang kahihiyan para sa kanya. "Maghahanap pa ko, Ma. Siguro sa public nalang para hindi na kami tumanggap ng pera sa ama nyan." Halatang inis na sabi ni Mommy, ama ko nalang, hindi na n'ya asawa. Napangiti ako ng mapait, sira na talaga ang aming pamilya. "Maganda rin naman ang aral dito kahit public pero kaya kong paaralin ang apo ko kung ipapasok n'yo sa private." Pagsasalita ni lolo. "Para pong may nakita akong paaralan kanina, kung public po iyon… kaya ko ng ienroll ang aking sarili." pagsabat ko. Last year ko na naman ako sa Highschool, siguro'y dito na rin ako sa papasok sa Senior High. "Papasamahan kita sa driver namin kung ganon. Isang taon ka nalang sa Highschool ano?" Tumango ako kay Lolo. "Ipapasok ko s'ya sa Public, d'yan na lang rin muna sa malapit." Desisyon ni Mommy, sumangayon naman ako. Hindi naman mahalaga sa akin ang school na papasukan, ang mahalaga ang grade ko. "Aba'y pwede ka pala sumabay kay thirdy? Tutal parehas naman kayo ng papasukan, last year ka na rin sa Highschool hijo, ano?" "Opo, kailangan na nga pong magisip ng Strand sa Senior High." Nakita kong nawiwili si lolo kay Thirdy, kung titingnan mo nga parang apo na ang turing n'ya dito. Hindi ako sumagot sa gusto nila na sumama ako kay Thirdy sa pagenroll, hanggang maaari nga, eh, gusto kong mapag isa. Gusto kong masanay na magisa. Gusto kong matutong tumayo sa sarili kong mga paa. Ayokong umasa sa ibang tao. Natapos ang pagkain namin at nagsimula na silang magbaba ng aming mga gamit. Nagpaalam naman ako kay Lola na maglilibot muna ako sa farm, hindi na din naman masyadong mainit dahil hapon na. May mga hinog na manggang nahuhulog sa damuhan at may iba din na nakasabit sa puno, ang iba ay hilaw pa. Gustohin ko mang umakyat sa puno ay di ko magawa, nakadress ako. Sinubukan kong kumuha ng mangga, nagsimula akong tumalon at pilit na kinuha ang isang hilaw na mangga. "Gusto mo ba ng mangga?" Nagulat ako ng may sumulpot sa likod ko. "Ay, putangina!" Napatakip ako sa bibig ko dahil sa hindi inaasahang salita. "Tangina mo rin." Sinamaan ko ng tingin si Thirdy na tinatawanan ako at ginagaya kung pano ako nagulat. "Pinasundan ka sakin ni Lola Sab at Lolo Amiel, kumuha raw tayo ng mangga kung gusto nating kumain." Inirapan ko lang s'ya at umalis na doon. "Oh, mangga. Busangot mukha mo. Taray." Si thirdy nanaman. Nakakairita ang presensya n'ya! Nakita ko s'yang tumalon pababa ng puno. "Ay, mag eenroll na pala ako bukas, kung sasama ka sakin sabihin mo, dadaanan kita rito." Hindi ako sumagot at tiningnan lang ang mga puno. Kung alam ko lang na malawak pala ang mapapagpahingahan ko rito… matagal na kong umuwi dito sa Tagaytay. It's really hard na magkaroon ng pamilyang parang tinuturing na laro ang buhay nila. Laro na kala mo masaya, laro na kala mo matutulungan kang makatakas sa realidad pero hindi, ang buhay ay hindi isang laro at lalong hindi isang laro ang pagbuo ng pamilya. Sa pamilya kailangan ng respeto, tiyaga, at pagmamahal. Pero ang pamilya namin? Kahit isa siguro ay wala na ng tatlong iyon. Gagawa ako ng sariling pamilya kapag maayos na ang lahat, may sariling bahay, pera, kotse at pang araw araw na gastusin. Gagawa ako ng sariling pamilya na hindi pilit ang pagmamahal, na sa pagmamahal na iyon… hindi kayo mapapaghiwalay at matutupad n'yo ang ipinangako n'yo sa isa't isa sa harap ng Diyos, kung saan kayo nangako at nagisang dibdib. "Ang lalim naman ng iniisip mo, pasisid nga." Natauhan nanaman ako sa tinig na iyon. Si Thirdy na naman. "Kailangan ko ng pahinga, iwanan mo ako rito." Halatang nagulat s'ya sa aking sinabi pero sa halip na umalis ay tumabi pa sa akin! "Eh,anong gagawin mo kung ayaw ko umalis?" Nangaasar na sabi pa n'ya. "Kung ayaw mo," agad akong tumayo. "Ako ang aalis." Binilisan ko ang lakad ko hanggang sa madating ko ang lugar kung saan naguusap sila Mommy, Lolo, at Lola pero hindi rin ako nakalapit dahil naguusap sila. Seryoso ang mga mukha nila, kung si Daddy man ang pinaguusapan nila, nalulungkot na agad ako para kay Mommy. Sa relasyon nila ni Daddy, nakita ko ang paghihirap n'ya. Nakikita ko s'yang umiiyak sa gabi dahil nahuhuli n'ya si Daddy na may babae pero pag tinatanong n'ya ito biglang tumataas ang boses ni Daddy. Kung naiisip nga ni Lolo na bugbugin si Daddy ay papayag ako. Sa lahat ng sakit na dinanas ni Mommy sa tingin ko, deserve ngang mabugbog si Daddy pero joke lang. Pero alam kong hindi ganon kasama ang pamilyang ito kaya alam kong ang mamumutawi parin sa huli ay pagpapatawaran. i will update soon, sa ngayon jnulit ko muna yung chapters :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD