Episode 2

1207 Words
Late na ako nagising, dapat diez kami ng umaga aalis para magenroll kaso kakagising ko lang, buti nalang at wala pa si Thirdy. Tiningnan ko ang cellphone ko. 9:30 pqlang at may 30 minutes pa ako para ayusin ang sarili. *** [NOTE! You can skip this part if you already know how to count to ten in Spanish. 1 - uno 2 - dos 3 - tres 4 - cuatro 5 - cinco 6 - seis 7 - siete 8 - otcho 9 - nueve 10 - diez Keep safe always! Thank you!] *** Bumaba agad ako pagkatapos ko maligo, nagsuot lang ako ng light green wide leg high waist joggers at white long sleeve crop top, hindi naman masyadong mainit at hindi rin masyadong malamig. Kumuha ako ng white na sapatos at binilisan ang pagsisintas, binilisan ko rin ang pag aayos sa sarili dahil nakakahiya naman kay Thirdy kung magpapaantay ako. Nahagip ng mata ko ang table ko kung saan nakapatong ang Ipad na ibinigay sa akin ni Daddy. Dali dali akong bumaba at pumunta kung nasaan nakalagay ang wifi. Ikinonek ko sa iyon at nagayos na ng apple id. Nagdownload ako ng educational apps dahil yun naman ang purpose kung bakit ko kailangan ang Ipad na ito. Naglagay din ako ng ig, sss at twitter dahil iyon lamang ang libangan ko kapag wala akong ginagawa, doon ko rin inuubos ang oras ko kapag tapos na akong magaral. Napagisipan kong gumawa ng bagong social media accounts dahil gusto kong magsimula ng panibago at tahimik na buhay. "Nandito na po ako Lola! Lolo! Hello po Tita Rhianne." Kumakaway na ani ni Thirdy. Uminom ako ng tubig bago kunin ang lahat ng requirements na dapat dalhin para mag enroll. "Hmm, aalis na ba kayo? Kumain ka muna Thirdy." anyaya ni Mommy pero agad itong tumanggi. "Rye, aalis na kayo, eto ang mga kailangan mo. Tawagan mo ako kung mayroon pang kulang d'yan ha." Tumango ako at humalik sa kanya. Iniwan ko rin ang Ipad sa kanya dahil wala akong balak dalhin yon, alam ko rin namang wala s'yang balak galawin yon dahil kay Daddy galing, alam kong galit pa s'ya. Sino ba namang hindi magagalit, eh, may asawa na sila't lahat nakikipagkita pa sa ibang babae, hindi lang nakipagkita, natulog pa silang magkasama kaya nabuo yung baby na karga n'ya bago umalis! "Lola! Alis na po kami!" Sumigaw ako dahil naglilibot na s'ya sa farm, tinitingnan ang mga bunga doon. Kagaya nga ng sinabi ni Lolo, pinahatid n'ya kami sa school, gusto ko pang maggala pagkatapos nito dahil wala namang gagawin sa bahay. What if bumili na ako ng gamit ko? "Tara na, sa court tayo. Ang alam ko'y nandoon si mrs. Alcaraz." May mga estudyante sa loob, ang iba ay naglilinis at ang iba naman ay kagaya ko ring nag eenroll. Ibinigay ko lahat ng kailangan ko at nagfill up ng ibang forms. Si Thirdy ay kasama ang iba n'yang kakilala habang ako ay hindi pa tapos dito. "Pinsan ka ba ni Thirdy, Ryeanne?" Nagulat ako ng magsalita si mrs. Alcaraz. "Ah, hindi po. Magkakilala po ang Lola ko at nanay n'ya." Nakita kong ngumiti s'ya. "Teka, 96? Ang average mo?" Halatang gulat na sabi n'ya. Nahihiyang ngumiti ako at tumango. "Abay sandali, wala ng slot sa section A pero doon kita ilalagay, ngayon lang ako nakakita ng ganyang kataas na grade. Ang pinakamataas na ibinigay namin noong nakaraang taon ay 94!" Natapos ang pagtatanong n'ya sa akin kaya nagpaalam na ako na aalis. "Thank you po ulit, mrs. Alcaraz." Ani ko bago umalis at unti unting naglakad kung nasaan si Thirdy. "Hmm? Tapos ka na?" "Yup, matagal ba? Pasensya na." Hindi ko alam kung nainip s'ya o hindi kaya nag sorry pa din ako. "Ay! Oo nga pala. Teammates ko." Ipinakilala n'ya lahat ng nandoon, kasama n'ya daw maglaro sa intrums. "Ahm, I'm Ryeanne Razon, nice to meet y'all." "Buti dito ka pumasok." Sabi nung matangkad na makulit, si Kurt. "Hmm, no choice eh. Need namin lumipat ng bahay." Nagulat ako ng hawakan ako sa pulso ni Thirdy. "Ooooop! Tama na tanong, aalis na kami at mainit na." Naramdaman n'ya siguro na magtatanong pa ang mga kasama n'ya. Kasalanan naman n'ya, pinakilala pa kasi ako. "Ingat tol! Ingat Ryeanne!" Kumaway ako sa kanila bago tuluyang lumabas sa Gate ng School nila. Agad na hinanap ng mata ko ay ang sasakyan namin. "Si kuya arthur? Nasan?" Tanong ko kay Thirdy. Pero medyo malayo na s'ya sakin, nakita ko s'ya sa fishballan at nagsisimula nang tumuhog. "Ang sabi ni Lolo at Lola Sabrina, igala raw kita dahil nababagot ka sa bahay. Halika, nakain ka ba nito?" Iiling sana ako kaso nakatingin na sakin yung tindero, baka pag tinanggihan ko ay kung ano pa ang isipin n'ya. Ugh! Kakainis talaga itong si Thirdy. Inobserbahan ko muna si Thirdy sa kan'yang ginagawa dahil hindi naman ako marunong kumain nito. "Kuya paluto po ng isaw, anim." Kumuha s'ya ng anim ng stick ng chicken intestine at ibinigay kay kuya para ilagay sa apoy. "Wag mo sabihing hindi ka marunong kumain?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi n'ya. "Hoy! Hindi!" Agad akong kumuha ng stick at kumuha ng fishball. Iyon lang ang alam ko. Kumuha ako ng dalawa at inilubog sa chili sauce tsaka kinain. "Try mo 'to, dahan dahan lang kasi mainit." Itinuro n'ya ang orange na bilog. "Nope. I'm ok with fish balls." Umiling s'ya at kumuha ng baso para maglagay ng orange na bilog. "Kuya, pag nasunod ang isaw ko… ikaw ang liletchonin ko!" Tatawa tawang tiningnan ng tindero ang luto nito. "Stop it! I already told you! I'm ok with fish balls! I don't like orange na bilog bilog!" Inis na bulong ko sa kanya. "Ano? Anong tawag mo sa kwek kwek? Orange na bilog bilog?" Nagumpisa s'yang tumawa kaya lalo akong nainis. "Thirdy! What's wrong with you! Ugh kainis!" Lumayo ako sa kanya at tumusok ulit ng fish balls. Aba'y malay ko naman kasing kwek kwek ang tawag doon? "Itry mo lang, oh. Itong tatlong maliliit na orange na bilog, kwek kwek ang tawag dyan. Ito namang brown ang tawag dito kikiam." Hindi ko iyon tinanggap,ayaw ko ng mga iyon. Kumuha s'ya ng mas malaking baso at pinuno iyon ng fishball at kikiam, hindi ko nga tinanggap ang binigay n'ya sa akin tapos kumuha pa s'ya ng panibago? Aba kaya n'ya ba ilulon lahat ng binili n'ya? "Kuya, palagay lahat sa plastic ah, eto bayad." Iniwan ko s'ya sa habang nagbabayad dahil nakakita ako ng bilihan ng juice. "Magkano po dito?" Turo ko sa Four Season na juice. "Twenty Five." Tumango ako. "Isa pong Four Season at Isang Chocolate. Tsaka magkano po yung cotton Candy na nasa Large Container?" "100 ang isa, hija." "Isa po." Kinuna ko ang wallet ko at naglabas ng 200. Nakota ko naman na papalapit na sa akin si Thirdy. Kinuha ko ang dalawang Juice at tiningnan si Thirdy. "Can you get my cotton candy? Hindi na kasya sa kamay ko eh." Tumango s'ya at agad namang kinuha iyon pati na rin ang aking sukli. Naghanap kami ng pwedeng upuan malapit sa mga puno, ipinatong ko sa upuang bato ang lahat ng aming dala tsaka umupo para simulan ang aming pagkain. >.<
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD