Nagstart na ang bik eskwela, kinuha ko ang aking gamit para makaalis na. Suot ko ang Uniform na aming pinagawa noong nakaraang araw.
Simpleng Drak blue palda lang ito at white na pangitaas, pinatungan lamang nila ito ng necktie na may nakaburdang logo ng school.
[12thirdyreyes]: rye, papunta na 'ko school. Intayin kita sa gate para di ka na maligaw sa room natin or kaya mo na?
dryeanne (me): pwedeng oo, pwede din na hindi. Ikaw bahala.
Agad na akong pumunta sa kusina para kunin ang baon ko. May trabaho na rin si Mommy, doon s'ya nagtatrabaho sa restaurant nila Thirdy, pansamantala.
"Baunan mo, eto ang ulam at ang kanin. Nakabukod kung saan nakalagay ang prutas." tumango ako at humalik sa kaniyang pisngi.
"Bye, mommy. Thank you, love you."
"Ingat ha, i love you." tumango ako bago tuluyang lumabaa ng bahay at nagtungo sa sasakyan. Ihahatid ako ni kuya Arthur tapos susundo ulit mamayang hapon.
"Marami po bang eatudyante doon, kuya Arthur?" tanong ko habang nagdadrive sya.
"Oo naman, doon nagaaral ang anak ko. Kung gusto mo'y papuntahin ko saiyo pag may libre syang oras para hindi ka maburyo." offer nya.
"Hindi na po kuya! Kaklase ko naman po si Thirdy, may makakausap naman po ako."
Ibinaba ako ni Kuya Arthur sa tapat ng gate, malawak ang pagkakabukas noon kaya kitang kita ko ang lawak ng paaralan, maraming tao sa covered court pari narin sa mga building.
"Rye!" napalingon ako sa tawag ni Thirdy. Lumapit s'ya sa akin kasama ang mga kaibigan niya. Ang iba ay nakilala ko na ang iba naman ay hindi.
Nakipagkilala sila sa akin pero hindi ko naman maalala ang mga pangqlan nila kaya ngumiti at nagpakilala nalang rin ako.
Hanggang pagpapakilala lang naman ako kaya ko, hindi ko pa kayang magtiwala. Sa panahon ngayon hindi mo alam kung sino ang pagkakatiwalaan mo, minsan nga pati pamilya mo marami ng tinatago sa iyo.
Nakarating kami sa room ng late,nagsi sitting arrangement lang sila, hinintay naming tawagin ang pangalan namin at sa kasamaang palad, ugh! Kainis! Katabi ko si Thirdy. Alternate kase ang ginawa nila tapos alphabetically. Hindi namna ganito sa amin dati pero wala naman akong magagawa, hindi naman ako batas.
Nagumpisahan silang magbotohan, matagal pa iyon kaya kinuha ko ang libro ko para magbasa ng topic.
Unang subject namin ay Esp at math pagkatapos ay recess, sumunod doon ay science at mapeh tapos lunch na, pagkabalik namin galing.lunch maguumpisa na ulit ang klase at filipino, ap, at English nalang ang magkakasunod na subject bago kami maguwian
Natapos ang 1st Period namin dahil sa pagbobotohan ng class officers. Sumunid naman ay math, nagpakilala lang ang teacher at wala ng pinagawa, pag first day yata puro introduction lang.
Mabilis na lumipas ang oras kaya nagkaingay ang mga estudyante, recess na.
"Rye, tara canteen." nagaya si carlos, tropa ni Thirdy.
"I'll eat here nalang." ngumiti ng malawak.
"Sure ka? Maraming snacks don! Libre ko." isa pang tropa ni Thirdy, si alex, sila yata yung pinakilala sakin nung nagenroll ako.
"Tss, bumili nalang kayo sa canteen tapos bumalik kayo agad dito kung gusto niyo daldalin si Ryeanne." sumingit si Thirdy, may dalang ilang snacks.
"Ay wow! Pre binabakuran." pangaasar ni Alex, inasar pa nila si Thirdy bago tuluyang umalis.
Binuksan ko ang container kung saan naglagay ng prutas si mommy. Nasa loob non ay ang kiwi, sliced banana and sliced apple.
Inilapit ko ang container sa tabi ni Thirdy.
"Hoy, tangina mo. Gusto mo ba?"
"Ayaw ko, galing sayo eh." tinaasan ko s'ya ng kilay.
"Luh, bobo, edi wag." inilayo ko agad ang container pero kumuha na siya ng toothpick. Tumusok sya ng apple at isinubo agad sa kanya.
"Ayaw daw pero mas nauna siya kumuha kesa sa may ari."
"Syempre, tangina, blessing yan. Bawal tanggihan ang biyaya." dumating ang dalawang kaibigan ni Thirdy kaya binigyan ko rin sila, napapatingin tuloy sakin ang ibang estudyante sa loob ng classroom.
Ang kinakain lang nila ay saging at apple, ako tuloy ang kumakain ng kiwi dahil hindi daw nila gusto nang lasa non.
"Malayo ba library dito?" tanong ko kay alex dahil pinakamadaldal siya sa amin, madaling maging close ang mga madadaldal.
"Bakit hindi ka sakin magtanong? Hindi yan nagbabasa! Walang alam yan sa libro." humarap ako kay Thirdy.
"Bakit? Ikaw lang ba pwede kong kausapin dito? Tss, alubayan mo ko ha, nagsasawa na ko sa mukha mo." nagumpisang maghagalpakan si Laex at Carlos.
"Oh, bobo. Ok lang yan, hindi naman masakit yan, malayo sa bituka pare." pangaasar pa lalo ni Carlos.
Dahil sa bilis ng oras sila na rin ang kasama ko sa lunch, pati ulam ko ay kahari ko sila, may nadagdag lang sa amin na tatlong babae. Kaibigan din ni Alex at Carlos pero tingin ko, hindi sila close ni Thirdy.
"Ay si Casaandra pala, pag kailangan mo ng kasama sa library pwedeng pwede mo 'tong kaladkarin, tapos Ellie pinsan ko, minsan mabait tas minsan hindi, tas si Ashley wag ka sasama d'yan kase bad influence, hilig maginom mas malakas pa maginom saming mga lalaki!" pagde-describe ni Alex.
"Hoy hindi ako nagiinom, natatakam lang ako sa kdrama kaya nagtry ako ng soju!" depensa ni Ashley.
"Natakam pero tinuloy tuloy? Luh lakas ng amats mo." si ellie naman ang nagsalita.
"tigilan mo 'ko ellie, ikaw nga tinungga mo gin kase broken hearted ka? Maya maya umiiyak ka na. Banat pabalik ni Ashley kay Ellie.
Natapos ang lwentuhan namin ng bumalik na ang lahat para sa tatlong sunod sunod na subject.
Tingin ko wala pa naman kaming papagaralan kaya kumuha nalang ulit ako ng libro para magbasa. Habang nakikinig sa pagpapakilala ng mga guro ay nagbabasa ako ng libro.
At dahil nga wala kaming ginagawa, pinayagan kaming maglibot sa buong paaralan.
At syempre hindi naman ako maglilibot magisa. Kasama ko na si Cassandra, ellie, at ashley, nakasunod naman sa amin si thirdy, carlos at alex.
Tatlo lang naman ang pwede naming libufin, ang music room, court at canteen. Ipinasilip din nila sa akin sa bintana ang ict at science lab, sarado pa iyon ngayon dahil hindi pa kailangan dahil kakabalik eskwela palang.
Tahimik kami ng tumambay sa library. Kagaya ng binili ni Thirdy noong umalis kami, kumuha s'ya ng librong babasahin at Pop-fic ulit iyon.
"Mahilig ka rin palang magbasa?" tanong ko sa kan'ya.
"Wag mo kong kausapin, nagsasawa na rin ako sa pagmumukha mo." pambabara niya, gaya ng sinabi niya, hindi ko talaga siya kinausap. Bahala ka sa buhay mo. Lumapit ako kay na cassandra at alex para sa kanila makipagusap.
May mga tinatanong sila sa akin, minsan ay nasasagot ko at minsan ay hindi.
Masyadong personal ang iba nilang tanong kaya iniiwas ko doon ang usapan.
"Coffee shop tauyo mamaya, sino g?" pagsisimula nanaman ni Ashley.
"Sama kami ni Alex." desisyon ni Ellie, hindi man lang tinanong ang pinsan niya, desisyon yarn.
"Ako rin. Pati ikaw cass hatid ka nalang nila ellie, manlilibre ako kape. kayo Rye? thirdy?" tanong ni carlos.
"Di ako pwede eh." yun nalang ang sinabi ko dahil wala akong madahilan.
"Madami tao sa resto mamaya, may vip eh. Need ko tumulong don." sumangayon naman sila kaagad, sa ngayon talaga ay hindi nila ako mapipilit dahil hindi pa naman kami masyadong magkakaclose.
Pero sana wag dumating yung oras na sa sobrang close ko sa kanila, mabuksan ko ang libro kung saan nakasulat ang aking buhay at hindi mapigilan ang sariling mapabasa sa kanila iyon.