Chapter 3

1327 Words
Sa huli s'ya pa rin ang nasunod, naubos namin ang lahat ng binili namin. Hindi naman talaga ako nakain ng isaw, kwek kwek, at kikiam pero napakain n'ya ko! Napaka kulit n'ya kasi pero masarap naman. Well, hindi naman kasi ako maarte sa pagkain, hindi lang ako pamilyar. "Punta kong Mall, pwede kaya akong magpasama kay kuya Arthur?" tanong ko kay Thirdy. "Samahan kita, daan lang tayo samin… kuha ko pera." umiling ako, agad na tinanggihan ang kaniyang sinabi. "Wala rin naman akong gagawin sa bahay, tawagan mo si Lola, sabihin mo sasamahan kita." tumango nalang ako at tumawag kay mommy. "Mommy? Sa mall ako, bili ako gamit." [Hindi mo na ba ako hihintayin sa pagbili? Baka maligaw ka?] "I'm with Thirdy naman, mommy." [oh, really? Ok, ingat ha. Umuwi kayo agad ha.] "Ok, love you, mommy." ibinaba ko ang cellphone at pumunta na kung saan nakatayo si Thirdy, naghanap na ng sasakyan namin. Tricycle ang sinakyan namin tsaka kami lumipat sa jeep. "Dalawang Ayala Malls Serin po." iniabot n'ya ang bayad sa katabi namin hanggang makarating iyon sa unahan kung nasaan ang driver. Naka long sleeve ako kaya medyo naiinitan na ako, may ilang pawis na nabubuo sa baba ng aking ilong pati na rin sa aking noo. Agad kaming bumaba ng higitin na n'ya ako palabas, maraming tao kaya para akong may bodyguard sa sobrang ingat niya. "Thirdy, national bookstore tayo pero magw-withdraw muna ko, san may atm machine?" "Second floor tayo." Sinundan ko lang siya habang naglalakad dahil hindi ko saulo ang mga daan dito. Itinuro niya sakin kung saan ako pwede magwithdraw. My Daddy transfer some money to my account, for me lang daw, ayaw na tumanggap ni Mommy ng pera galing sa kaniya. Mabuti nalang at may Credit Card ako, hindi sa akin nakapangalan dahil hindi pa naman ako 18 years old. Nag withdraw ako ng 25k, kalahati ng ibinigay ni Daddy. Masasabi kong maganda ang trabaho ni Daddy at Mommy kaya hindi kami masyadong nahihirapan pag dating sa pera, pero ngayon? Magtitipid na ko, hindi lahat ng pangangailangan ko ay mahihingi ko kay Daddy. May bago na s'yang pamilya,hindi naman ako ganoong kadesperada para makisiksik pa sa pamilya nila. Nakita ko si Thirdy na hawak ang cellphone niya habang ako ay hinihintay sa may pinto ng National Bookstore. "Hoy! Tara na." Inirapan ko s'ya bago pumunta sa loob. Agad kong hinanap kung nasaan ang mga notebook, naghanap ako ng high quality na notebook, malinis kasi iyon at makapal bawat pages kaya hindi nabakat sa likod lalo na pag magaan lang ang kamay mo. Kumuha ako ng 12 pcs. non, 8 lang naman ang subject pero mahilig ako mag take down notes kaya dinagdagan ko na, para may stock ako sa bahay. "Let me help you, ako na magdadala ng basket. Maraming tao sa loob eh, pati bag mo." Binigay ko ang basket at ang bag ko para na rin makapamili ako ng maayos. Isinunod ko ay ang mga ballpen, set of pencil, eraser, sharpener at isang set rin ng pang paint. Tinulungan ako ni Thirdy na kumuha ng ibang school supplies na kakailanganin namin, iba't ibang klase ng papers, clips, pens at iba pa. "I think that's enough." Sabi ko lay thirdy habang tinitingnan ang punong puno na baslet na hawak niya. "Hmm, may bilihan naman sa loob ng school kung may kulang pa dito so i think pwede na nga 'to." Hindi ako nakasagot sa kanya ng makita ang shelf kung saan may nakahalerang mga libro. Magkakahalo ang mga nandoon, w*****d books, educational books, at iba pa. Tumingin ako ng educational books, kumuha ako ng math dictionary at dalawang book na related sa science. May tinitingnan si Thirdy na Pop-fic na book at balak niya yata iyong bilhin. "Ah, miss. Excuse me. May isang set po ba kayo nito?" Tanong niya sa babaeng naglilibot at tumutulong din sa ibang nabili. "Yes, sir. Eto po." Kumuha ang babae sa pinakalikod ng book shelf at ibinigay kay Thirdy ang isang set ng libro na hinanap niya, naka sealed pa iyon. "You done?" Lumapit siya sa akin kaya inilapag ko ang tatlong educational books na napili ko. "Yep, pinapawisan na 'ko! Ang init. Mahilig ka pala sa Pop-fic?" Tumango siya at ngumiti. "Libangan pag walang ginagawa." Nagpunta kami sa counter para pumila at magbayad na. Itinext ko rin ang driver ni Lolo, si Kuya artur na pwede na n'ya kami puntahan. "Ma'am 9, 708 pesos po." Inilabas ko ang wallet ko para kumuha ng pera. "Kasama na po ba yung libro niya?" "Ay kasama po ba yan Sir?" Kukuhanin na sana ang libro niya pero agad niyang inagaw. "Ako na magbabayad nito, ryeanne." Umiling ako at ako na mismo ang kumuha ng libro sa kaniya kaya wala na syang nagawa. "10, 908 pesos po ma'am." Naglabas ako ng 11k at agad na ibinayad sa kanila para makalabas na dahil sobrang init na. Kinuha ko ang resibo at ang aking sukli bago namin kinuha ang mga pinamili. "Thirdy, san tayo? S&R o starbucks?" "Ewan ko sa'yo, san mo ba gusto?" Inirapan ko siya. "Ikaw nga tinatanong ko eh." Naglakad nalang ako papalapit sa S&R dahil iyon na ang aking nakita. Sa labas na kami umupo dahil puno na sa loob. "I'll order, stay here. Pawis na pawis na noo mo." Tinawanan niya pa ako, wala akong dalang panyo kaya kinuha ko nalang polbo ko at pinasadahan ng lunas ang aking mukha. Kumuha di ako ng blush on at liptin para iretouch ang sariling mukha. "Ano gusto mo? Libre ko na ha? 1200 yung libro ko eh." Aangal sana ako kaso hindi naman ako mananalo, kagaya ng sabi niya… ako nga ang nagbayad ng libro niya kaya alam kong sasagutin na niya ang aming pagkain. "Chicken caesar Salad lang ang akin--" sabi ko. "Yun lang? Ano pa?" Umiling ako. "Wala na, busog na ko doon." Napahinga siya ng malalim bago umalis. Mabait naman pala si Thirdy, hindi ko lang alam kung bakit naaasar ako sa presensya n'ya. Hindi ko naman siguro kasalanan na natakot akong magkakaibigan ulit. Nagsimulang manubig ang mga mata ko. Kung isa lang rin si Thirdy sa sisira ng pagmatao ko… ilayo n'yo po siya sakin Lord, please, kahit hindi na po ako magkaroon ng kaibigan… ok lang po sakin. Agad kong pinunasan ang luha ko ng naramdaman kong tumulo ito, nasa public ako! Bakit ako napaiyak! Napatingin ako kay Thirdy na nagaantay ng order namin sa loob. Sana kung magiging kaibigan ko man ito, sana hindi ako masaktan, sana tunay, sana pag may problema ako malalapitan ko siya kase kung wala akong malalapitan, unti unti akong lalamunin ng kalungkutan at kadiliman. Maya maya ay dumating na si Thirdy,sa loob na niya pala hinintay ang order namin kahit matagal pa ang process ng foods dito. Itinapat niya sakin ang Salad ko, naglapag din siya ng dalawang nestea para sa aming dalawa. May isang Savory Fries, isang slice ng pepperoni at isang slice din ng garlic shrimp. Isang chicken at rice lang din para sa kaniya. "Andami mong inorder, Thirdy!" Reklamo ko. "For your information lang po, Madam Ryeanne. Tanghali na po. Btw, what's your ig username? I'll post this pic on my story, i'll tag you." "Dryeanne," nakita kong hindi niya alam kung paano niya iyon itatype ako nag spell ako sa kanya. "d-r-y-e-a-n-n-e." "Followback mo 'ko, wag ka na umangal, isusubo ko ng buo yang pizza sayo." Napatawa ako, the nerve of this guy! Nagsimula kami kumain, we're happy. Kung ano anong napapagkwentuhan namin. I feel comfortable. I think I'm safe here, I mean, I'm safe with Thirdy. Marami s'yang naoopen sakin which is hindi nagagawa ng mga kaibigan ko dati. Marami silang tinatago sa akin. Habang kausap ko si thirdy,ingat na ingat ako sa apagsasalita, hindi ako naglalabas ng kahit anong kwentong tungkol sa pamilya namin at yung tungkol sa kaibigan kong walang ginawang mabuti sa akin kahit na marami naman akong nagawang mabuti sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD