“BAKIT ba para ka namang baby kung makayakap sa akin?” puna ni Jolene. Hindi ako humihiwalay sa kaniya kahit na anong gawin niya nasa tabi niya lang ako. Mula pa kaninang umaga nakabuntot na ako sa kaniya ultimo sa banyo hindi ko siya hinihiwalayan. “Kung kalabisan pa nga hihilingin kong huwag ka na kayang matulog,” dapat sa isip ko lang sasabihin iyon pero mukhang nasabi ko nang malakas base na rin sa itsura ng asawa ko. Nanghahaba ang nguso niya na nilingon ako at itinigil ang tinitiklop na damit naming mag-asawa. “Ganoon na ba ako katagal na hindi nakakapaglambing sa ‘yo? O ganoon na ako katagal na baliw na naman?” tanong niya na may halong lungkot ang boses niya. Mas niyakap ko siya nang mahigpit, isiniksik ko na nga ang mukha ko sa dibdib niya. nang hindi pa ako nakuntento inihi

