KANINA pa ako naghihintay sa labas ng bahay nila Jolene. Friday ngayon, at nakasanayan na namin na tuwing week end sa akin silang mag-ina mag-stay. Simula noong officially naging kami na rin sa wakas ni Jolene which is three months ago. Pero mukhang wala yatang balak na lumabas ang mag-ina ko, lumalalim na ang gabi pero wala pa ring Jolene at Violet ang lumalabas. Hindi na kasi ako bumaba nang sasakyan kasi alam ko naman na wala ang mga magulang ni Jolene ngayon sa bahay nila. Umuwi na naman ng probinsya ng Nanay ni Jolene ang mga ito. Isa pa maayos naman ang usapan namin kanina ni Jolene, na ten minutes na lang darating na ako kaya lumabas na sila Jolene sa loob ng bahay nito. Pero mag-aalas otso na nang gabi, mahigpit isang oras na ako sa labas nang bahay nila hindi pa rin lumalabas an

