“IS THIS MISTER Juarez? Husband of Miss Jolene Juarez?” Napatingin ako sa cell phone ko, number naman ito ni Jolene na tumawag sa akin. Nasa opisina pa ako, pero kalahating oras na lang lalabas na rin ako para umuwi nang makatanggap ako ng tawag. Tawag mula sa number ng asawa ko pero lalaki ang kausap ko ngayon. “Yes, this is Apolonio Juarez speaking? Why did you have my wife’s cell phone?” takang tanong ko. Maingay ang back ground, para nasa palengke sa dami nang tao na nagsasalita sa back ground nang kausap ko. Kinabahan naman ako, kaninang umaga bago ako umalis nakita kong tulala ang asawa ko. Hindi niya ako kinausap o tinignan man lang. Ganito siya mula pa noong isang araw na galing kami sa isang OB-GYN para ikunsulta ang pagbubuntis niya. Sad to say, post alarm ang lahat. Na

