IT IS already seven in the evening pero napansin ko na wala pang ilaw sa bahay namin. I bought a house and lot a month after our wedding. At iyon ang tinutuluyan namin ngayon. Kaya pagdating ko, nagulat akong walang ilaw sa buong bahay namin. Alam ko naman na nasa bahay lang ang mag-ina ko, at isa pa hindi naman umaalis ng bahay ang asawa ko. “Jolene, Violet!” tawag ko sa mag-ina ko. Pero walang sumagot sa akin, nang binuksan ko ang ilaw siyang sigaw ni Violet. Nagulat akong makita siya na nakasiksik sa ilalim ng center table namin sa sala. “Why are you there anak?” nag-aalalang tanong ko sa kaniya. Hilam ng luha ang mga mata niya at pisngi niya. Mukhang kanina pa siya umiiyak at wala pumapansin sa kaniya. Kasi sarado rin ang buong bahay at walang ilaw. Nasaan ang asawa ko? “Where’s

