Fixing her Chapter 41 LAHAT NG puyat at pagod ko nawawala sa tuwing nakikita ko kung gaano kapayapang natutulog ang mag-iina ko. Napapangiti na lang ako habang nakatitig sa kanilang ang himbing ng tulog. "Dati pangarap ko lang sila, pero ngayon kasama ko na sila sa iisang bahay." Napalingon ako sa tabi ko, nakaupo na si Jolene sa sahig habang nakatitig siya sa crib kung saan nakahiga ang bunso namin. It's been four months since she gave birth. At ngayon lang siya nagsalit mula noon and she speak like she's normal. Don't get me wrong, hindi ko tinitignan ang asawa ko na hindi normal. Kaya lang alam naman siguro nating lahat ang problema niya sa pag-iisip. Kung titignan mo siya para siyang normal naman talaga. Huwag mo lang kakausapin o kaya naman ay hintayin mo siyang kumilos.

