Fixing her Chapter 48 JOLENE WOKE up already, pero parang hindi rin siya nagising. Nakatulala Lang siya na kahit na anong kausap namin hindi niya kami sinasagot. "Babe, this is your favorite. Kain ka na," dinalhan ko na siya ng pagkain sa kuwarto namin. Naiuwi ko rin siya, hindi naman siya umangal man Lang. Siguro kasi hindi naman niya Pa naiintindihan ang paligid niya. Nasa bahay ng mga magulang ko ang mga anak namin. Samantalang kasama namin sa bahay ang mother-in-law ko para tulungan akong alagaan ang asawa ko. Kahit Pa sinasabi ko naman na Kaya Kong alagaan si Jolene. "Leo, uuwi Lang ako sandali. Titignan ko Lang ang bahay at lilinisin na rin. Babalik na Lang ako bukas," paalam ng biyanan ko. "Ma, sabi ko naman po sa inyo kaya ko naman pong alagaan si

