“Are you ready?” tanong ng kanyang coach. Kasama din niya sa kuwarto ang kanyang pamilya. Ngumiti siya at tumango. “Yes. I need this surgery. Ayokong matapos kaagad ang career ko bilang boxer,” sagot niya. Lumapit ang kanyang ina at niyakap siya ng mahigpiy. “Lakasan mo ang loob mo ah. Huwag kalimutang magdasal,” sabi nito sa kanya. Hawak ng kanyang ina ang isang rosaryo at hindi kailanman binitawan mula nang dumating ito sa ospital. “Yes, ma. Gabayan sana ako ng Panginoon,” sabi niya. Itinulak na ang kanyang kama patungong operating room. “Ready?” tanong ni Toneth kay Kent. Tumango si Kent sa kanya at ngumiti. “Yes,” simpleng sagot nito. Pagpasok nila sa operating room ay naka-ready na ang kanilang pasyente. “Vitals please,” sabi niya. “Vitals: BP is 105 over 74. Pulse is 65

