Chapter 11

1120 Words
Naiiling na lang si Toneth nang malaman ang sitwasyon ng kanyang Ninong Vani. Alam nilang lahat na delikado kapag kumalat sa SMA ang tumor dahil ang SMA ay isa sa mga major artery ng katawan. Kapag nadamage ito ay maaring ikamatay ito ng pasyente. Pagpasok niya ay agad siyang naglinis ng kanyang mga kamay. Tinulungan na din siya ng dalawang nurse na magbihis ng surgical gown niya. Mabilis din siyang sinuotan ng gloves. Pagpasok niya sa loob ay kita niya ang tila magkanerbiyos ni Alvin kaya mabilis niya itong nilapitan. “Relax. ‘Wag kabahan,” sabi niya. “Pero Dr. Toneth—” “Tabi muna,” sabi niya. Umalis sa tabi ng psyente si Alvin at siya ang pumalit sa puwesto nito. Pinagmasdan niya ang kalagayan ng Ninong Vani niya. Kung tutuusin nga ay hindi na maililigtas ang pasyente dahil sa kumapit na ang tumor sa SMA. Tama si Alvin, inoperable na pero hindi dapat siya sumuko. Think, Toneth. Think! Hindi pwedeng pabayaan lang ito! “Dr. Toneth?” Napatingin siya sa itaas at nakita sina Director Agot at Deputy-director Geraldine. “Kaya mo ba?” tanong ni Dr. Geraldine. Huminga siya ng malalim at tumango. “I will modify the surgical area. We will re-connect the SMA in other arteries,” sagot niya na ikinabigla ng lahat. “Toneth! We cannot touch the SMA!” sabi ni Kent. “Hindi rin pwede mamatay ang pasyente,” sagot niya. “This is too risky!” sigaw na ni Alvin. “Alvin, sterilized the thigh area,” utos niya. Hindi pa din gumagalaw si Alvin kaya pinanlakihan na niya ito ng mga mata niya. “Just fcking do it!” sigaw niya. Kahit kinakabahan ay walang nagawa si Alvin kung hindi ang sundin ang utos niya. Tumingin si Toneth sa kanilang anesthesiologist at inutos na maglagay ng anesthesia right leg ng pasyente. “We will conduct anastomosis. I need 7-0 nylon,” sabi niya. “Add, 10cc of lidocaine to epidural,” utos niya. Ang lidocaine ay isang uri ng anesthesia na itinutusok sa spine ng pasyente. Mabuti na lang at sinusunod siya ng mga kasama niya sa operating room. Naalala niya bigla tuloy na minsan na siyang iniwanan ng mga kasama niya sa gitna ng operation dahil sa takot na madamay kung sakaling magkamali siya. Huminga siya ng malalim. Kahit iwan nila ako dito, hindi ako titigil na hind imaging successful ang operation na ito. “Dr. Kent, perform an en bloc resection of the pancreatic head including the SMA.” “Copy,” sagot ni Dr. Alvin. Kumuha si Toneth ng 6 cm graft sa Great Saphenous Vein o GSV sa legs nito para ito ang gagamiting pag-resect sa arteries. “Dr. Kent, Dr. Alvin, I need your help. We need to resect the pancreatic head, SMA, and portal vein at the same time,” sabi niya. Tumango ang dalawa at mabuti na lang at nakikipag-cooperate ang dalawa sa kanya. Matapos na mai-resect ang lahat ng dapat i-resect ay ni-reconstruct ni Toneth ang vascular transplant. “Dr. Alvin, suture the blood vessels. Watch out for the bleeding,” sabi niya. Umalis siya sa kinatatayuan niya at si Alvin na ang tumapos ng kanilang trabaho. Napangiti si Dr. Geraldine nang makitang matagumpay ang operasyong isinagawa ni Dr. Antoneth. Napatingin siya kay Dr. Agot at kita niya ang pagkainis sa mukha nito. Mukhang nasaktan na naman ang pride nito. “Ang galing ni Dr. Toneth,” sabi ni Dr. Patricio—ang director of surgery department. “Honestly, hindi sumagi sa isip ko na gawin iyan. I was so afraid that the patient may die,” dagdag pa nito. “Let’s thank the Lord na matagumpay ang operasyon dahil kung hindi, madadamay ang buong ospital at departments kung sakali. I am still not in favor of doing risky procedures,” sagot ni Dr. Agot. “Come on Dr. Agot, bakit hindi ka na lang maging masaya? Let’s accept that Dr. Toneth is a marvelous doctor. Dalawang beses na niya akong pinahahanga,” sabi ni Dr. Geraldine. Umismid sa kanya ang director. “Are you plotting something against me, Dr. Osla?” tanong nito. Napataas ang kilay niya. “Ikaw lang ang nag-iisip niyan,” sagot niya. Tumayo na siya at lumbas ng observation deck. Nakasalubong niya ni Dr. Toneth na pabalik na sa surgeon’s office. Ngumiti siya. “Congratulations, Dr. Toneth,” sabi niya. “Patuloy mo sana akong mapahanga.” “Why? Bakit hinayaan mo akong gumawa ng procedure na iyon? Dr. Agot obviously disagree with you,” sabi nito sa kanya. “Si Agot lang ba ang boses sa ospital na ito? I need to exercise also my authority. Besides, I am amaze by your skills. Good luck to your future operations,” sabi niya. Nilagpasan na niya ang doktor pero muli siyang napatigil sa paglalakad nang magsalita si Toneth sa kanya. “Hindi ako clown to give you an entertainment.” Napangiti siya at muling naglakad. “Gagawin pa kong clown ng doktor na ‘yun,” bulong niya. Napasimangot siya at naglakad na patungo sa office nila. Pagpasok niya ay sinalubong siya ng mga kasama niya. “Congratulations, Dr. Toneth,” sabi ni Dr. Patricio sa kanya. Tinitigan lang niya ito ng maiigi. “Thanks, coward,” sagot niya. Biglang natahimik ang paligid. Napatikhim na lang si Alvin sa kanilang sitwasyon. “’Wag niyo kaming kalimutan. Tatlo kaya kami!” sabi ni Kent. Muling nag-ingay ang paligid. Nagulat siya nang bigla siyang akbayan ni Kent. Mabilis niyang tinanggal ang braso nitong nakapulupot sa leeg niya. “Toneth, let’s have dinner. Tayong tatlo. Tapos shot na din!” sabi nito sa kanya. “Bawal tumanggi.” “Uuwi agad ako,” sabi niya. “Oopps! Bawal!” sabi ni Alvin sa kanya. Naiiling na lang siya. “Cheers!” sigaw nina Alvin at Kent. Itinaas nila ang hawak nilang mga mug at halos inisang tungga nila ang alak. “Ipakita mo naman nag-eenjoy ka sa amin, Toneth!” sabi ni Kent. Binangga-bangga pa nito ang balikat niya. “Paano ako mag-eenjoy? Halos kaladkarin niyo ako dito,” reklamo niya. “Ikaw naman. Ito na ang unang step sa ating pagkakaibigan!” sabi pa nito. Muling tinungga ang beer na iniinom nito. “Pero sa totoo lang Dr. Toneth, manghang-mangha ako sa’yo. You took the risk,” sabi ni Alvin. “We are doctors, we need to take the risks,” sabi niya. Kumuha siya ng isang calamares at mabilis na sinawsaw sa suka at kinain. Napapadyak pa siya dahil sa sarap na hatid nito. “Thank you, Toneth,” sabi ni Alvin. Ngumiti ito sa kanya at bigla na lang siyang napatigil dahil sa ngiting iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD