Chapter 14

1167 Words
           Unti-unting iminulat ni Anika ang kanyang mga mata. Sa una ay malabo pa ang kanyang paningin. Gusto niyang magsalita ngunit tanging pag-ungol lang ang kanyang nagagawa. Pinilit niyang igalaw ang kanyang mga kamay ngunit isang hintuturop lamang niya ang klanyang naiangat. Ilang sandali pa at naging malinaw sa kanya ang lahat. Dinig na dinig na niya ang nakakabinging tunog ng kanyang heart monitor. “Anika?” Napatingin siya sa nagsalita at nakita niya ang kanyang ina na si Leni na nag-aalala sa kanya. “Sandali tatawag ako ng doktor,” sabi nito sa kanya. Nakita niya ang paglabas ng nanay siya ng kuwarto. Ilang sandali lang ay may pumasok na mga nurse at isang babaeng doktor. Tiningnan ang kanyang stats at tinanggal na ang oxygen mask na suot niya. “How are you feeling?” tanong ng babaeng doktor sa kanya. Tiningnan niya ito ng maiigi. Para bang napakataray nito. Nakakatkot ang mga mata nito. “O-okay naman po,” sagot niya. Ramdam niya ang paggasgas ng kanyang lalamunan. “Dalawang araw kang walang malay. Ano natatandaan mo mga nangyari bago ka nawalan ng malay?” Inisip niyang maiigi kung ano nga ba ang nangyari bago siya nawalan ng malay. “Ang natatandaan ko po nasa super market ako. Naggo-grocery para sa dinner namin nang makaramdamn ako ng paninikip ng dibdib ko. After that, hindi ko na alam. Hindi ko na matandaan kung ano ang mga sumunod na nangyari,” sagot niya. “I am Dr. Antoneth Beron. Call me Dr. Toneth. Fortunately, nasa likod lang kita kaya mabilis kitang nalapatan ng first aid. You have acute pericarditis and aneurysm.” “Ano pong ibig sabihin niyan, doc?” tanong ng ina niya. “Nagkaroon ng tubig sa paligid ng puso niya kaya nahirapan itong mag-pump. Aneurysm naman ang mapapaga ng artery niya. Also, may isa pa kaming nakitang sakit niya.” “Ano po iyon?” tanong niya. Huminga ng malalim si Dr. Toneth. “You have Stage 4B cancer in pancreas.” Nang marinig nila ito ay pakiramdam niya ay gumuho ang kanyang mundo. Stage 4b? Last stage na ba ng cancer iyon? A-anong gagawin ko? Ayoko pang mamatay. “Ano pong dapat gawin?” tanong ng kanyang ina. “Best way is operation. Kailangan tanggalin ang tumor ang pancreas niya,” sagot ng doktor. Nakita niya kung papaano naiyak ang kanyang ina. Parang sinasaksak ang kanyang puso nang makita ang pagtangis ng kanyang nanay. “Lilipat po kami ng government hospital. Hindi po namin kakayanin ang bayarin dito, doc,” sabi ng kanyang ina. “About that, ‘wag po kayong mag-alala. Ilalagay ko kayo sa Foundation. Isa iyang non-government organization. Sila na po ang bahala sa lahat ng gastusin, maging sa mga gamot ng pasyente.” “S-salamat po, doc,” sabi niya. Ngumiti ang doktor sa kanya at saka lumabas ng ward. Nang makalabas ang doktor ay napaupo na lang ang kanyang ina. Kita niya ang problemang iniisip nito. Alam niyang iniisip nito ang gastusin. Hindi naman talaga nila afford ang pagpapagamot dahil factory worker ang kanyang ina, siya naman ay vendor. Hindi talaga nila kakayanin ang ganitong problema. “Sorry mama,” sabi niya. Lumingon sa kanya si Leni at umiling. “Hindi mo naman ginustong magkasakit. Ako dapat ang humihingi ng tawad dahil pinabayaan kita. Dahil sa pagtatrabaho mo ay napabayaan mo na ang sarili mo.” “Kasalanan ko din. Panay kasi ang paninigarilyo ko noon. Sinisingil na ako ng katawan ko ngayon,” sagot niya. Wala na lang silang nagawa kung hindi ang yakapin ang isa’t isa. Silang dalawa lang ang magkasama sa buhay. Wala siyang ama na kinalakihan at wala na din naman siyang balak na makilala pa ito. Sapat na sa kanya na nasa tabi niya ang kanyang ina.            “Got it. Nalagay ko na sa list ang pangalan ng pasyente,” sagot ni Chad sa kanya. Ibinigay kasi niya details ng pasyenteng si Anika. “Salamat. Pag-aaralan ko pa ang case niya,” sabi niya. “Gusto mong tulungan kita? I can suggests some procedure.” Nadinig niya pa ang pagtipa nito sa keyboard. Mukhang mala-livestream na naman ang lalaki. “No need. Kaya ko na ito. Mag-livestream ka na diyan,” sabi niya. Natawa naman si Chad sa kanya. “Basta if you need help, ring me up, okay?” “Okay.” Walang pasabing pinutol niya ang linya ng kanilang tawag. “Dr. Toneth, kumusta?” Lumingon siya at nakita si Dr. Alvin na nakahawak sa batok nito. “Okay naman,” simpleng sagot niya. “Sorry pala at hindi ka namin nabantayan ni Kent. Nalasing ka tuloy.” Nagsalubong naman ang mga kilay niya sa sinabi nito. “Anong bantay? Anoa ko bata?” “Buti nga may tumawag sa’yo. Kasi sa totoo lang hindi namin alam kung papaano ka namin iuuwi.” “Kung ganoon ang nangyari, baka naiuwi ko siya sa apartment ko.” Sabay silang napalingon kay Kent. “Yeah, buti na lang. Kasi kung nagising ako sa apartment mo, bugbog sarado ka sa akin. Black belter ako sa taekwondo!” sagot niya.   “O tama na ‘yan. Pumunta na tayo sa conference room. Magsisimula na ang meeting,” sabi ni Alvin. Sabay silang tatlo na pumunta sa conference room.            Pagpasok nila sa loob ay nagtaka siya nang makitang bakante ang puwesto ng director. Nag-iisang nakaupo si Dr. Geraldine sa harapan at hinihintay silang mag-settle down. “Our first patient’s name is Anika Rondina, 28 years old.” Pinakita sa malaking screen ang larawan ng pasyente at nagulat sila nang biglang tumayo si Dr. Patricio Javier. Para bang gulat na gulat ito nang makita ang larawan. “Ano ang diagnosis sa kanya?” tanong ni Dr. Patricio. Napataas ang kilay niya nang makita kung papaano ang nagiging reaksyon ng head doctor ng surgery department. “She was diagnosed with Pancreas cancer, stage 4B. The tumor cell on the distal pancreas is 5 cm and it invades near the abdominal artery. She was hospitalized first due to acute pericarditis at mayroon siyang abdominal aneurysm. Dahil sa aneurysm, hindi pwede tanggalin ang tumor. Also, the tumor invades the nerves and the vessels,” sabi ng kanilang speaker na si Dr. Monton. “Kung ganoon, chemotherapy will be the answer. I will let the internal medicine handle this,” sabi ni Dr. Geraldine. “I object!” sigaw niya. Tumayo siya at nilapitan ang kanilang deputy-director. “Kaya kong tanggalin ang tumor,” sabi niya. Dito na sumalungat sa kanya si Dr. Patricio. “Dr. Toneth, hindi na pwedeng tanggalin ang tumor. Kumalat na ito sa vessels.” “Kaya kong tanggalin ito. I can use the procedure Distal Pancreatectomy,” sagot niya. Umiling si Patricio sa kanya. “That will be impossible. Papaano mo matatanggal ang tumor? Papaano ang kanyang aneurysm? It can raptured during the surgery and the patient may die,” sabi nito sa kanya. Hindi na siya sumagot. Tinitigan lang niya ng masama ang kanilang head doctor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD