TWO YEARS AGO, SICILY, ITALY PARADISO HOTEL “O-oy! Teka lang!” sigaw ni Celso. Nagulat siya nang bigla na lamang yumakap ang babaeng doktor sa kanyang braso. Napalunok pa siya dahil nararamdaman niya ang dibdib nito. Hindi niya mapigilang mag-init ang mukha niya. Alam niyang namumula na ang kanyang mukha. Halos kaladkarin na niya si Toneth nang tumunog ang elevator at bumukas ng nasa fifth floor na sila. Ayaw ng bumitaw sa kanya si Toneth. Dinaig pa nito ang koala sa pagkakakapit sa kanya. Mabilis naman niyang nakita ang room ni Toneth at agad na ginamit ang hotel key nito. Pagpasok nila ay isinara niya ang pinto at inihiga si Toneth sa kama. “Matulog ka na. Lasing na lasing ka na,” sabi niya. Aalis na sana siya nang biglang hinatak ni Toneth ang kanyang necktie at nanlaki ang mga mat

