“Welcome back, Dr. Celso Paterno,” bati sa kanya ni Chairman Geronimo. Katulad ng huli niyang kita ay may hawak pa din itiong baston. Mas dumami ang puting buhok kumpara noong huling kita niya dito. “Thank you so much, chairman,” sabi niya. Hawak niya ang kanyang luggage at isang sling bag. Marami ang napapalingon sa kanya dahil sa kagwapuhang taglay niya. Hindi makakaila na maganda ang lahi niya. Siya ay half-American and half-Filipino at nakatira talaga siya sa Ohio. Three days ago ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Chairman Geronimo—ang may-ari ng isang pharmaceutical company at sinabing may trabahong naghihintay sa kanya sa Froilandon. “I want you to work at Froilandon,” sabi sa kanya ng chairman. Pinanunuod niya itong hiwain ang steak at kita niya ang pagiging metikuloso sa baw