Chapter 7

1514 Words
           “Hello, neighbor!” bati sa kanya ni Chad. Napasimnagot kaagad siya. Naisip niya na anggaling ng timing ng daddy niya. napili pa talagang condo unit ay sa tabi mismo ni Chad. Ang hinihingi niya ay personal space pero dahil nandito si Chad ay mukhang malabo ng mangyari iyon. May ugali kasi si Chad na basta-basta na lang papasok sa isang kuwarto o unit basta close friend niya ito. “I will request kay daddy na ilipat niya ako,” sabi niya. Humagalpak naman ng tawa si Chad. “Pero kapag ginawa mo iyon, tatawag din sa akin ang daddy mo para kumuha ng unit. Ako din magde-decide kung saan kita ililipat,” sagot sa kanya. “What? Anong tatawag sa’yo?” tanong niya. Nagpakita ng ID si Chad na may nakalagay na Real Estate Agent. “Sideline ko, nagbebenta ng unit. Ako talaga pumili ng unit na ‘to. As in pagkapit-unit na tayo,” paliwanag sa kanya. Naiiling na lang siya. Binuksan na niy ang kanyang unit at nakita niyang maayos na ang lahat. Wala na siyang ibang dapat pang gawin. Kumpleto ang mga gamit niya, mula sa damit, sapatos, at bags. Maayos itong nakalagay sa isang walk-in closet. “You like it?” tanong ni Chad. Tumango siya. “Yeah,” simpleng sagot niya. “Oo nga pala. Ako ang nag-ayos ng wardrobe mo. ‘Yung mga undies mo ay inayos ko. Color coding pa ‘yan,” Sabi nito sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya at ramdam niya ang pag-iinit ng pisngi niya. “What?! Pinakialaman mo ang undies ko?! p*****t! Maniac!” sigaw niya. “Hoy grabe ka naman! ‘Di ko naman inamoy. Binulsa ko lang ang isa.” Sa inis niya at hinampas-hampas niya ang matigas nitong braso. “p*****t! p*****t!” “Teka lang! Masakit na! Nagbibiro lang eh!” sabi nito sa kanya. “Hindi ka mabiro. Hindi totoo ‘yun. May isang maid na pinadala ang daddy mo at siya na ang nag-ayos ng lahat. It just happened na nailip ko ang ginagawa niya.” “Nasilip? So nakita mo ang mga undies ko?!” Mabilis na tumango si Chad. “Yup. Lace panties pa nga eh. Ang hot mo siguro kapag suot mo ang mga iyon.” “Bastos!”            “O kumain ka na. Chinese food muna tayo ngayon,” sabi ni Chad. Nagpadeliver lang kasi muna sila ng kanilang dinner sa isang kilalang chinese restaurant. Chao ffan rice, dumplings, and spring rolls ang inorder nila. Nagdasal muna sila bago tuluyang kumain. “Nga pala, kumusta ang pasyente mo? Napasok ko na sa system ng Foundation ang details niya,” sabi nito sa kanya. “Bukas ang operation,” simpleng sagot niya. “Anong iniisip mo? The patient is 80 years old?” “Ganoon pa din naman. Tatanggalin ang tumor sa colon niya and sa rectum.” “All at once? Lahat iyon tatanggalin mo bukas?” Imbes na sumagot ay nagkibit-balikat lamang siya. “Ano nga? Wait, mukhang may plano ka.” “I will tell you everything kapag natapos na,” sagot niya. “How I wish na nandoon ako while you are performing. Tapos ire-record ko ang trabaho mo and I will upload it on my YV channel and boom! Dadagsaan ako ng mga views at pera na naman!” Tinitigan na ng husto si Chad at nakikita niyang nagkakaroon na ng peso sign ang mga mata nito. “Subukan mo lang gawin iyan, I will kill you instantly,” banta niya. Mabilis na natahimik si Chad. “Hindi ka talaga mabiro. Kaya nhanggang ngayon wala kang boyfriend eh.” “Hindi ko kailangan ng boyfriends. Their nuisance.” “Hoy grabe ka!”            “Good morning, Dr. Beron.” Napatigil siya sa paglalakad at nilingon ang nagsalita. Nakangiti sa kanya si Dr. Kent Alvarez at hindi niya mapigilan mapairap. Feeling close naman ang isang ito. “Morning,” sagot niya. “Aga ang taray ah. Kaya mainit sa’yo dugo ni Dr. Evelyn eh,” sabi sa kanya. Naiiling na lang siya. “Mainit dugo niya because I stepped on her ego,” sagot niya. “Anyway, ready ka na sa operation mamaya? This will be your first operation here in Froilandon,” sabi sa kanya. “I am always ready,” sagot niya.            Ang schedule ng operation ni Mr. Reyes ay alas kuwatro ng hapon. Alas tres y media palang ay nasa observation deck na ang sina Director Dr. Agot Faustino at si Deputy Director Dr. Geraldine Osla. Nandoon din sa deck ang Chief ng Surgery department at maging ng Internal Medicine Department. Halos lahat sila ay inaabangan ang operation na gagawin ng bago nilang miyembro. Quarter to four nang ipasok na si Mr. Reyes at binigyan na ng pampatulog. Saktong Alas kuwatro ng hapon ay pumasok na si Toneth. Nandoon na ang kanyang mga kasama ngayon sa team at si Dr. Kent Alvarez. “Our procedure will be Colorectal Cancer Removal via Laparoscopic Surgery.” Mabilis na ibinigay sa kanya ng isang nurse ang scalpel at inuna niyang hiniwa ang abdomen ng pasyente, sa may pusod nito. Nang mabutasan na niya ay inilagay na niya ang isang tubo lung saan ipapasok niya ang isang maliit na camera. Nang mala-coate na nila ang affected are ng colon ay muli siyang nagbutas pa ng dalawa pa at dito na niya ipinasok ang mga instrumento.            “She’s too fast,” sabi ni Dr. Geraldine—ang deputy director. Sumang-ayon ang mga doktor na kasama nila ngayon sa obervation deck. Hindi nila maipagkakaila na mabilis ang kilos ng mga kamay ni Dr. Antoneth Beron. Para bang alam na alam na nito ang gagawin. “Assitant, pull the mesentry,” utos niya habang nakatingin sa monitor. Dito niya tinitingnan ang kanilang ginagawa ngayon. “Yes, doc,” sagot ni Alvarez sa kanya. Nang mahila na ni Dr. Alvarez ang membrane ay mabilis niyang pinutol ang affected area at inilagay ito sa specimen bag. Hinila niya palabas ng pasyente ang bag at may laman na itong tumor. “Removal of the lymph node and intestine wall are now complete. Dr. Alvarez, ikaw ng bahala sa suture,” sabi niya. Nagtaka ang doktor sa kanya. “Ha? Isa palang ang natatanggal mo. Hindi ba’t tatlong tumor ang kailangan tanggalin? Isa palang iyan.” “Wala ng maraming satsat. I-suture mo na siya.” “Pero—” “Just do it. Tapos na ang operation,” sabi niya. “Dr. Beron!” Umalingawngaw ang boses ni Dr. Agot kaya lahat silang nasa operating room ay napatingin sa taas. Kita niya ang nangagaglaiting mukha ng kanilang director. “Hindi pa tapos! There are still 2 tumors!” Pinipigilan niyang matawa dahil halos maputol na ang litid nito sa leeg dahil sa pagsigaw. “I am the doctor. I know when it is finish or not,” sagot lang niya. “You! Conference now!” Mabilis na nagkulasan ang mga doktor na nasa observation deck. Siya naman ay chill lang na lumabas ng operating room. “Tingin nila sa’kin tanga? Duh alam kong isang tumor lang tinanggal ko. Anong gusto nila, tanggalin ko lahat? Ano ako? Patay gutom sa tumor?”            Nang makapag-ayos na siya ay nagtungo siya sa conference room. Halos siya na lang pala ang hinihintay ng mgaito. “Dr. Beron, you failed the operation. Hindi ba’t tatlo angkailangangtanggalin? Bakit isa lang?” sabi ni Dr. Agot. “Sabihin na lang kasi na hindi mo kayang tanggalin lahat. Ang yabang mo pa dito kahapon. Failed naman pala,” sabi ni Dr. Evelyn Juan. Nagkaroon tuloy ng mga bulungan at may iilang sumang-ayon sa doktor. “I don’t care kung ipinasok ka mismo ng CEO dito. Hindi ko alam kung anong koneksyon mayroon ka butI will not tolerate this kind of situation!” sabi ni Dr. Agot. “Can I speak?” tanong niya. “Explain yourself.” “I removed the tumor on his colon on purpose. Dahil sa edad ng pasyente, hindi kakayanin ng katawan nito kung pagsasabayin natin ang pagtanggal sa lahat ng mga tumors. Inuna ko ang pagtanggal sa colon tumor dahil nasa advance stage na ito,” paliwanag niya. “So, ang ibig mong sabihin ay hihintayin mo pang maging advance ang dalawang tumor na natitira?” tanong ni Dr. Evelyn. Hindi niya maiwasang mapairap. “The tumor on his colon has already spread sa lymph nodes niya and maaring mag-casue ng blockage kaya iyon ang una kong tinanggal. The remaining 2 tumors sa rectum ay nasa early stage palang naman and nakadikit ito sa mucosal layer. Pwedeng-pwedeng matanggal ang dalawa pang natitirang layer using colorectal ESD via colonoscopy. Matanda na pasyente, keep that in mind. It requires minimal surgery.” Ang colorectal ESD via colonoscopy ay isang procedure kung saan may ipinapasok na instrumento sa rectum at doon tinatanggal ang tumors. Natahimik ang lahat. Hindi sila makapaniwala na naisip ng isang baguhang doktor ang ganoong proseso. “I hope nasagot ko na ang mga tanong niyo,” sabi niya. Tumalikod na siya at lumabas ng conference room. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD