Part 1 - Prologue

2046 Words
“YOU’RE SO beautiful, Eve,” wika sa kanya ni Ramil sa tonong alam niyang puno ng sinseridad. She was wearing a silk indigo evening dress. Lampas tuhod ang haba niyon ay mayroong maikling slit sa magkabilang gilid. The neck was haltered. Litaw ang makinis niyang balikat at kalahati ng likod. She wore pearl stud earrings. Maliban doon ay wala na siyang iba pang alahas. Her dainty feet was clad in a strappy high-heeled sandals. Mayroon ding mumunting perlas na adorno at katerno ng evening bag na bitbit niya. Matamis siyang ngumiti—na halos ngisi. “Thank you.” At saka niya pinaikot ang mga mata. “Paano ba ko hindi mai-in love sa iyo? Alam na alam mong sabihin ang mga salitang gusto kong marinig,” nanunudyong dugtong niya. He smiled at kinabig siya palapit dito. “Alam mong hindi ako nambobola lang, sweetheart. You are beautiful. And looking at you right now, hindi ko mapigil ang sarili kong hilingin na ngayon na sana ang oras ng kasal natin.” Bumuntunghininga ito. “Ilang araw na lang pero parang lalo akong mamamatay sa suspense.” Itinulak niya ito at saka nginisihan. “Huwag ka ngang magsalita ng ganyan, Ramil. Ako ang dapat may dialogue niyan.” “Oh, well, I have to admit. Hindi lang pala babae ang nakakaramdam ng kakaiba kapag malapit nang ikasal. Ako rin, sweetheart. And this isn’t funny. Mas kakayanin ko ang pressure sa opisina kaysa ang pressure sa ganitong okasyon.” Itinaas niya ang kilay. “Huwag mong sabihing parang nagbabago ka ng isip tungkol sa kasal natin?” Naging seryoso ang tinig niya. Mabilis siya nitong dinampian ng halik. “Hell, why would I do that? Alam mong ako ang nangulit sa iyo nang husto para pumayag ka nang magpakasal tayo. I’m determined to have you as my wife. Hindi ko nga lang maintindihan kung bakit ganito ang kailangang maging pakiramdam. Excited na hindi mawari. Maybe, tama lang ang sinasabi ng mga matatanda na hindi isang madaling bagay ang pag-aasawa. I’m very much prepared for it pero iba pa rin pala ang pakiramdam kapag malapit na.” Umungol siya. “Bakit ako, relaxed lang? Hindi ako ninenerbyos, Ramil. Daig pa kita. And you know why? Desidido kasi ako. Alam ko ang ginagawa ako.” “Ako din naman, ah?” “Good. I love you, future husband.” “And I love you, too.” Niyakap siya nito at minsan pang hinalikan. “Tara na. Baka naiinip na sa atin sina Mama.” Like the gentleman he was, inalalayan pa siya nito sa pagsakay sa kotse. Nakalapat na siya ng upo roon nang mapansin niyang hindi pa agad sumakay si Ramil. Sinilip niya ito. “Sweetheart, sigarilyo na naman iyan,” kunwa ay galit siya pero nasa bukas naman ng mukha na gusto lang niyang patigilin ito. “Sandali lang ito. Hindi ko talaga matiis, eh,” katwiran nito. Bumaba siya ng kotse. Hinayaan niyang tapusin ni Ramil ang paghitit saka niya kinuha dito ang stick. “First, I’m concerned with your health. Second, mas kawawa daw kaming nakakalanghap ng usok niyan. Pangatlo, dagdag na polusyon iyan—” “Pang-apat, gastos lang iyan. Wala kang mapapala diyan kundi emphysema,” naiiling na agaw nito sa sasabihin niya. “Kabisado ko na po ang sasabihin ninyo, ma’am.” “Pero hindi mo naman pinapakinggan,” sumbat niya dito. “Ilang beses ka nang nangako sa akin na titigil ka na pero hanggang ngayon—” “Kapag kasal na tayo, titigil na ako. Alam ko namang wala na akong magagawa basta ikaw ang sumasaway sa akin.” Muli ay isinakay na siya nito sa kotse. “For the meantime, pagbigyan mo na muna ako, Eve. Baka ako ang magmukhang babae dahil sa nerbyos na nararamdaman ko.” “Let me remind you, Ramil, hindi lang sigarilyo ang ititigil mo kapag kasal na tayo. Magbabawas ka rin ng alcohol.” “Opo.” Umirap siya dito. “I’m serious.” “Serious din ako.” Pinaandar na nito ang kotse. “By the way, nanghihinayang ako at hindi nakarating nang mas maaga ang parents mo. Mas maganda sana kung naririto sila ngayon para magkakilala pa silang lalo ng mga parents ko.” “Hindi nila ganoon kadaling iwan ang negosyo nila doon. Alam mo naman ang grocery, mahirap ipagkatiwala sa mga katulong. Saka bago pa lang ang puwesto nilang iyon sa Baguio. Kahit sila mismo, medyo nangangapa pa. Hayaan mo na, narito naman sila noong engagement party natin. Sa bisperas ng kasal natin, tiniyak nilang darating sila.” “Kungsabagay, sina Mama lang naman ang mapilit na magkaroon pa ng party. Close friends and relatives lang daw ang inanyayahan niya dahil three days na lang naman at kasal na natin. But I doubt it. Si Mama, kapag sinabing tayo-tayo lang, mahigit singkuwenta na ang bisita.” “Hayaan mo na ang kaligayahan ni Mama,” wika niya na bakas sa tinig ang fondness sa magiging biyenan. “May magagawa pa ba ako?” kunwa ay resigned nang tugon nito. AT HOME na si Eve sa bahay nina Ramil pero nang makita niyang marami nang bisita sa bahay ng mga magulang ni Ramil ay medyo nailang din siya. Pero hindi siya nagpahalata. Inilagay niya sa mga labi ang ngiting kabisado na ng magiging in-laws niya. She was always cool. Hindi siya nababalino kahit kanino. “Napakaganda talaga ng mamanugangin ko,” puri sa kanya ni Mrs. Gracia Herrera. “Halika, hija, ipapakilala kita sa bisita.” Sa pamamagitan ng tingin ay nagpaalam siya kay Ramil at sumama na sa babae. “Kayo din, Mama. Blooming kayo ngayon. Mukhang in love na in love pa rin kayo sa Papa,” lapat ang loob na wika niya. Tumawa ang babae. “Ang papa ninyo ang in love na in love sa akin. Tara doon sa mga amiga ko. Hay naku! Kanina pa sila tanong nang tanong tungkol sa iyo.” “Mama, marami po yata ang mga bisita,” kaswal na wika niya. “I know, hija. Kung natatandaan mo, maraming nanghingi ng paumanhin nang hindi sila makarating sa engagement party. Nabalitaan nila ang munting party na ito so they called me at nagpasabing ngayon na lang sila babawi. Alam mong hindi ako makakahindi, Eve. Pagpasensyahan mo na.” “Mama, okay lang po sa akin iyon. Medyo nakakagulat lang po dahil parang sing-dami yata ng bisita natin noong engagement party ang mga bisita ngayon.” “They are nice people, Eve. Huwag kang mailang sa kanila.” “Sinabi ninyo po, eh. Pero para sa akin, pinaka-nice kayo.” Siya pa ang umakbay sa magiging biyenan. “Ibang-iba kang maglangis sa akin, Eve, kaya nga ba gustong-gusto kita paa sa anak ko, eh.” She chuckled. Hanggang ngayon, parang naninibago pa siya sa kalagayan ng buhay niya. Probinsyana siya. Sa Bontoc siya ipinanganak at nagkaisip. Kung hindi pa sa college scholarship na natanggap niya sa UP Diliman, malamang ay hindi siya naluwas ng Maynila upang doon pumirmi. After college graduation, dumagsa ang job offers sa kanya. Gusto sana niyang bumalik na lang sa Bontoc o dili kaya ay sa Baguio City upang tulungan ang mga magulang sa family business nila pero nanghinayang din siya sa oportunidad. Isa pa, nakilala na niya noon si Ramil. She was besotted to him at si Ramil ang pinakamalaking dahilan kung kaya’t nakalimutan na niyang bumalik sa bulubunduking probinsya. But she was still the promdi as she was. Iilan lang ang naging totoong kaibigan niya sa Maynila. Ang iba, umpisa pa lang ay alam na niyang out of novelty kaya siya kinakaibigan. Parang hinahanap sa kanya ang kultura at costume ng mga taga-bundok. Her skin was dark, isang katangian na natural sa mga kagaya niyang kalahati ng dugo ay talaga namang igorot. Ang konsolasyon lang niya, kulay lang naman ng igorot ang namana niya buhat sa ina niya na purong-igorot. Makinis ang kutis niya at lahat ng iba pang features ay namana na niya sa ama na Filipino-Italian. Puwede siyang ihilera kina Halle Berry at Tia Carrera dahil matangkad din naman siya ay may taglay na malakas na personalidad. Pero hindi iyon ang nakikita ng iba. Kahit ang talinong nagdala sa kanya upang makapagtapos ng c*m laude sa UP ay natatabunan ng pansin, ang higit na nakikita sa kanya ay ang pinanggalingan niya. Hindi miminsan na naranasan niyang siya ang gawing laughingstock. At nasasaktan siya. At dahil kikay ang personalidad niya, akala ng iba, kapag nakikitawa rin siya sa pagtatawa ng mga ito sa ka-tribu niya ay hindi siya nasasaktan. Alam na niyang novelty lang siya sa tingin ng iba kaya naging aloof siya na makipagkaibigan. Karamihan sa mga kaibigan niya ay mismong si Ramil ang mga may kaibigan. Pero minsan, dumarating pa rin sa kanya ang atake ng insekyuridad bilang isang probinsyana. Magalang siyang nagpasintabi sa grupo na huling ipinakilala sa kanya ng magiging biyenan niya. Totoo naman na walang halong kaplastikan ang pakita sa kanya ng mga naroroon pero gusto na niyang umiwas na makipag-usap. Nakakapagod na rin na ilitanya ang tungkol sa Baguio, Sagada at Benguet. Karaniwan na, kapag nalaman na sa lugar na iyon siya nanggaling, nagmumukha siyang tourism officer na nagsu-supply ng impormasyon sa mga ito. Lumigid siya sa bahagi ng bahay na hindi pinupuntahan ng mga bisita. Malaki ang bahay ng mga magulang ni Ramil. It was an old-style bungalow. Bakas sa istruktura niyon ang bunga ng pagsisikap ng pamilya ng kanyang mapapangasawa. Isang ngiti ang gumuhit sa mga labi niya. Ramil came from a respectable family. Parehong guro sa UP ang mga magulang nito. Bagaman hindi ubod ng yaman, mas mayaman pang maituturing ang dignidad ng pamilya nito kumpara sa iba na nakakalula ang hawak na salapi. At tinanggap siya ng pamilya ni Ramil bilang tao. Kahit sa pabirong paraan, hindi niya narinig sa pamilya nito na malalahian ang mga ito ng igorot kapag pinakasalan siya ni Ramil. Hindi iilang beses na nangyari iyon sa kanya. Noong nasa UP siya, isang anak din ng propesor ang nanligaw sa kanya. Nang malaman kung taga-saan siya, sukat sabihing ayaw daw malahian ng igorot ang pamilya nito! Nasaktan siya. Buhat noon, mas lalo niyang minahal ang pinanggalingang lahi. At isinumpa rin niya sa sarili na walang lalaking makakalapit sa kanya kung lalaitin rin lang ang lahing pinanggalingan niya. “Eve, anong ginagawa mo rito?” lapit sa kanya ni Ramil. “Malakas talaga ang pang-amoy mo sa akin. Alam na alam mo kung saan ako makikita,” tudyo niya nang lingunin ito. Kinawit ni Ramil ang bewang niya. “Alam mo namang hindi ako bumibitiw ng tingin sa inyo ni Mama. Nu’ng makita kong wala ka sa grupo niya, naisip kong wala ka namang ibang pupuntahan kung hindi ang lugar na ito. Why, sweetheart, napapagod ka nang makiharap sa mga bisita?” “Hindi naman sa ganoon…” “Kaya lang, ano? Nai-insecure ka na naman?” “Hindi, ah,” tanggi niya. “Bakit ako mai-insecure? Iyong ganda ko na ito, mai-insecure? Sige nga, sabihin mo sa akin kung sino sa mga nandiyan ang mas maganda sa akin?” At saka niya ito tinitigan nang matalim. “Huwag kang magkakamali ng sagot, Ramil! Kung hindi ikakasal kang mag-isa mo.” Aliw na tumawa ito. “Bakit nagtatanong ka pa? Inakbayan siya nito. “Saka kahit dumating pa lahat ng artista sa bansa, ikaw pa rin ang pinakamaganda sa akin,” bulong nito. Ngumiti siya nang maluwang. “Iyan, ganyan nga ang tamang pagsagot.” “Halika nga doon sa lawn. Dumating ang mga kaopisina ko. Ipapakilala kita sa kanila.” “Matagal ko na silang kilala,” papilosopong sabi niya. “Hindi ba, palagi mo naman akong dinadala sa office ninyo?” “Oo nga, ano? Anyway, hinahanap ka nila. At siyempre, sa isa pang pagkakataon gusto ko silang inggitin kung gaano ako kasuwerte sa mapapangasawa ko.” “Uh-huh?” Kinabig pa siya nito lalo. “Saka nagpasabi si Boss, darating din daw siya. Tamang-tama, magkakakilala na rin kayo sa wakas. And I’m feeling great, sweetheart. Ungos na ungos ako sa boss kong iyon kung hindi pera ang pag-uusapan. Aba, nasa akin yata ang greatest treasure. You.” Umirap siya. Pero ang totoo, sa loob niya ay nag-uumapaw ang kaligayahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD