Part 17

1278 Words
SA HARAP ng almusal, pilitin man ni Eve na maging kaswal ang kilos ay hindi pa rin niya maiwasang mailang. Maliban sa karaniwang pleasantries ay walang nagbubukas ng ibang paksa sa hapag-kainan. Pero dama rin naman niyang halos ituon na ng mga kaharap niya ng buong pansin sa singsing na suot niya. “All right, mukhang walang mangyayari kung hihintayin natin ang announcement ni Ryan,” wika ni Romeo na bakas ang approval sa tinig. Ngumiti pa ito nang mas matamis nang luminga sa kanya. “I see he finally gave you my wife’s engagement ring.” Napatango lang siya at bahagyang nakadama ng hiya nang sumulyap kay Amelia. Riva was also looking at her at malaking kabawasan sa pagkailang na nararamdaman niya ang sinseridad na nasisinag niya sa likod ng ngiti nito. “Paano, hija, gusto mo bang makapag-double wedding sa amin?” may pag-asam na tanong sa kanya ni Amelia. Tumikhim si Ryan. “Ma, siguro ay mauna na kayo. We still want to enjoy our engagement period.” Magkatabi sila ni Ryan kaya mabilis nitong naabot ang kanyang kamay at banayad iyong pinisil. “Saka pumayag naman na itong honey ko na magpakasal kami, maligaya na ako. Ayoko siyang apurahin sa pagpapakasal. Ngayong natututo pa lang akong manligaw, gusto kong gawin sa kanya ang lahat ng style na naiisip ko.” Tumawa nang malamyos si Riva. “Style? Baka kung anong style ang nasa isip mo, Kuya,” may halong panunukso na sabi nito. At alam ni Eve na pinamulahan siya ng mukha lalo at pinikitan pa siya ng mata ng babae. “Oo nga pala,” ani Ryan na kunwa ay hindi narinig ang kantiyaw ni Riva. “We’ll go to Boracay today. Baka ilang araw kami doon.” At mabilis na bumaling sa kanya ang binata. “I promised you I’d bring you there, di ba?” Napatango na lang siya. “Kuya, siguruhin mo lang na uuwi pa kayo, ha? Baka naman makalimutan mong may misyon din dito si future sis-in-law. May mga detalye pa kaming hindi napag-uusapan tungkol sa anniversary nina Mama’t Papa.” “I won’t forget that,” aniyang pinangunahan na si Ryan sa pagsagot. NILAGPASAN nila ni Ryan ang hilera ng iba’t ibang resort sa Boracay. Pagbaba nila ng bangka ay tinunton nila ang eskinitang patungo sa main road ng isla. Hindi iyon ang unang pagtuntong ni Eve doon pero kagaya ng ibang turista, iba ang panghalinang taglay ng Boracay. Hindi iilang beses na napahinto siya sa mga souvenir shops at inusyoso ang display doon. “We’ll have time shopping, honey,” wika sa kanya ni Ryan. “Pero gusto kong dalhin muna kita sa bahay. You see, hindi masarap mag-shopping na bitbit pa natin ang traveling bag na ito.” Napangiti na lang siya. Iisang bag lang naman ang dala nila at si Ryan siyempre pa ang may bitbit niyon. Magkasama na roon ang damit nila. Kanina, habang inaayos niya ang gamit niya ay kumatok sa kanya si Ryan. Naglambing ito na isama na sa gamit niya ang ilang pirasong damit nito upang wala nang marami pang bitbitin. Pumayag naman siya. Inilalagay na niya iyon sa bag nang matigilan siya. It hinted something like intimacy. And it brought a certain warmth in her chest. Hindi niya alam kung aling bahagi ng isla ang tinutunton ng tricycle na sinasakyan nila. May direksyon sinabi si Ryan pero hindi naman niya gaanong narinig. Nang pumara ang tricycle at bumaba si Ryan at sumunod lang siya. “We’ll go this way,” wika nito sa kanya at inabot pa ang kamay niya. Isang payak na cottage ang pinasok nila. Nag-iisa lang iyong nakatirik sa isang nababakuranang lupa. Nakapaharap iyon sa beach na maigsi kung ikumpara sa haba ng baybaying nadaanan nila nang umibis sila ng bangka. Pero walang pagtatalo kung alin ang mas maganda. Tila nga mas maganda pa ang lugar na iyon sapagkat tahimik ang paligid. Walang naglisaw na turista. Maging ang alon ay banayad na tila nahihiyang gumawa ng ingay na babasag sa katahimikan ng kapaligiran. “Welcome to my piece of heaven in this paradise,” nakangiting sabi sa kanya ni Ryan. “Private beach ito,” magaang komento niya. He made a low laugh. “May private beach ba? Few meters from the shoreline is public property.” “Oo nga. Pero, Ryan, parang mahirap isiping nasa Boracay tayo. I mean, karaniwan nang puno ng turista at—” “Kaya nga gusto ko ang lugar na ito. I have the feeling of being in the world-class island and then I’m having my own privacy.” Hinapit siya nito sa bewang at kinabig para ilapat sa mismong katawan nito. “And now, we’ll enjoy that privacy for the two of us alone.” “Ryan,” she whispered. Nasa mga mata niya ang pagtatanong at pag-aalinlangan na hindi niya alam kung paano isasatinig. He kissed her. The kind of kiss that was telling her he loved her and also urging her to respond to that kiss. At ganoon nga ang ginawa niya. Pero hindi pa man niya nagagawa ang paraan ng halik na nasa isip niya ay inilayo na ni Ryan ang sarili nitong mga labi. Kumunot ang noo niya. Tiningnan siya nito saka paungol na nagsalita. “Kung hindi tayo titigil, hindi malayong mauwi sa honeymoon ang bakasyon ito,” he said lightly. “God, Eve! You seemed to melt my bones every time you kiss me back!” tila daing nito. Napabuka ang kanyang mga labi. “Every time?” tila nagtataka pang wika niya. She was just kissing him back on instinct. Hindi pa nga niya ginagawa dito ang seduction performance na pinlano niya! “Every time,” he confirmed na para bang gustong magalit dahil itinanong pa niya iyon. Then he lingered his eyes on her. “But then, kung papayag ka naman, bakit nga ba hindi pa tayo mag-advance honeymoon?” prangkang sabi nito. Nagsukatan sila ng tingin. Nasa mga mata ni Ryan ang pagnanais na magkaroon ng katuparan ang tinuran nito at nababasa rin niya doon ang pakikiusap sa kanya. Umiwas siya ng tingin at piniling ngumiti na lang. “Saan ko ba dadalhin dito ang gamit natin?” Napailing na lang si Ryan pero nakangiti rin. “Iisa lang ang kuwarto ng cottage na ito. And I guess I have to worm my way para naman hindi mo ako itaboy matulog sa malamok na sala.” “Iaayos ko lang ang gamit natin sa closet,” sa halip ay sagot niya. HALATA ang regular maintenance ng cottage. Kahit nga manipis na alikabok ay wala siyang napuna sa bureau. Nasa loob siya ng silid at nanonood sa maliit na TV na naroroon. Si Ryan ang maysabi na magpirmi lang siya doon. Nagpaalam ito sa kanya na may bibilhin lang sandali. Gusto sana niyang sumama subalit sa itsura ni Ryan ay mayroon itong binabalak. At ayaw naman niyang sirain ang plano nitong iyon. Nagpirmi nga siya sa kuwarto. Pero hindi pa man nagtatagal ang panonood niya ay nakadama na siya ng antok. Kunsabagay, sino ba naman ang hindi aantukin sa preskong paligid? At idagdag pa roon na kapos siya ng tulog sa nagdaang gabi. After she agreed to his proposal, ilang oras pa yata silang naglambingan ni Ryan sa veranda. They made some kisses and heated embraces. Ang totoo, kung iginiit ni Ryan na lagpasan pa ang ginagawa nilang iyon ay hindi malayong pumayag siya. Pero tila pinagkasya lang ni Ryan ang sarili sa kung ano ang ginagawa nila. At hindi niya alam kung matutuwa o madidismaya. Pinatay niya ang TV at ipinikit ang mga mata. Mabuti pang matulog na lang siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD