Chapter One

1342 Words
MAYUMI POV Nagising ako dahil sa naramdaman ko na tila may humahaplos sa hita ko. Bigla akong napabangon para makita iyon. Nagulat ako ng makita si Yohan. Ang boyfriend ng Kapatid ko. Bigla akong lumayo sa kanya. Nakatitig ito sa akin at tila wala sa sarili. Naamoy ko mula dito ang hininga niya na sa tingin ko ay nakainom siya. Tumayo ako. Gusto ko syang takasan pero bago ko pa magawa iyon ng Mahina syang natawa at naglakad palapit sa akin. Mapupungay ang kanyang mga mata. Nagulat ako sa sunod nyang ginawa. Sinira niya ang suot kong pantulog. Hindi pa ako nakahuma sa ginawa niya ng halikan niya ako ng mapusok. Hiniga niya ako sa kama at sinimulang halik-halikan ang leeg ko. Tinutulak ko siya pero walang epekto. Nanghina agad ako dahil sa kanya. Hinayaan ko siya sa gusto nyang gawin sa akin. Nang matapos nyang pag-sawaan ang katawan ko. Tumalikod ako sa kanya at mahinang umiyak. Wala man lang ako nagawa para sa sarili ko. Hinayaan ko syang angkinin ang katawan ko ng ganung kadali. Kinabukasan maaga ako nagising. Umalis na ako sa kuwarto ko bago niya pa ako makita. Siguradong magugulat siya kapag nakita niya ako at malaman nyang may nangyari sa amin. Naabutan ko ang parents ko sa sofa at naglalambingan. Gusto ko sanang matuwa pero sumagi sa isip ko ang lahat ng ginawa nila sa akin. "Aalis na po ako." Paalam ko sa kanila. Hindi nila ako tinapunan ng tingin. I'm used to it. Wala silang pakialam sa akin. Kahit ganun mahal ko pa din sila dahil pamilya kami. Umalis na ako sa bahay. Apat na taon na ako hindi bumibisita sa kanila pagkagraduate ko ng high school. Ninais ko na bukod na. May isip naman ako at kaya ko ang sarili. Umalis ako sa poder nila at bihira lang ako kung umuwi. Kung uuwi man ako parang wala lang. Hindi nila ako kinakausap o kamustahin man lang. Nakatapos ako ng pag-aaral sa sarili kong pag-sisikap. Wala akong nakuhang tulong sa pamilya ko. Kahit ganun naipakita ko sa kanila na kaya ko mamuhay na wala sila. "OH MY GOD GIRL. What happend to you?" Gulat na tanong sa akin ng kaibigan kong si Gail. Nagmumug muna ako at hinarap siya. Nang hihina ako sa mga oras na ito. Wala naman akong nakaing ikakasama ng t'yan ko. Inalalayan niya ako paupo sa sofa. Nakapameywang sa harap ko si Gail. Napatingin ako sa calendar wall. Biglang nanlaki ang mata ko ng may mapagtanto. "Are you pregnant?" Gail asked. Oh god this can't be. Nagmamadali akong nagpunta sa kuwarto ko at nagbihis. "Where are you going?" Saglit kong tinapunan ng tingin si Gail. "May dapat lang akong kausapin." Hindi ko na nagawa pang-magpaalam sa kanya dahil sa kakamadali. "CONGRATS MISIS. You are Four weeks pregnant." Masayang saad ng doktor. May binigay siya sa aking vitamins na dapat kong itake everyday para kay baby. Magkatapos ng check up ko. Sumakay agad ako ng taxi. Habang binabaybay namin ang daan pauwi. Naisip ko bigla si Yohan. Dapat nyang malaman na buntis ako at siya ang ama. After ng may nangyari samin hindi na ako umuwi sa bahay at isang buwan rin ang nakalilipas. Hindi pwedeng ako lang ang susuporta sa batang ito. Anak din naman niya ito. Nakaisip ako ng idea. Sinabi ko sa taxi driver ang lugar na pupuntahan ko. Kailangan kong makausap si Yohan. Pagkarating namin sa bahay nila Yohan bumaba ako ng taxi at nagbayad. Tumingala ako para tignan ang kabuohan ng bahay.. sobrang laki. Mas malaki pa ito kaysa sa bahay ng magulang ko. Talagang galing siya sa mayamang pamilya. Kaya pala gustong-gusto siya ng parents ko para sa kapatid ko. Naglakad na ako para magdoorbell. Ilang sandali lang ay may lumabas na maid. Kinakabahan ako sa kalalabasan nito. "Good afternoon. Nand'yan ba si Yohan? Kailangan ko kasi syang makausap." Sabi ko sa maid. Ngumiti ang babae sa akin. "Sorry po ma'am wala ho si sir yohan. Ang alam ko po. Bibisitahin niya ang fiancée niya." Nanlumo ako sa narinig. Malamang magkasama ang kapatid ko pati na rin si Yohan. Umalis na ako ng sandaling iyon. Bahala na.. ang mahalaga masabi ko sa kanya na buntis ako. "What are you doing here?" Gulat na tanong ni mom. Huminga ako ng malalim. "Nasan si Yohan?" Balik tanong ko. Umarko pataas ang isang kilay niya. "Bakit mo hinahanap si Yohan?" Bumaba mula sa second floor ang kapatid ko. "Kailangan nyang malaman na buntis ako." Napanganga ang mag-ina. Biglang sumama ang tingin sa akin ni Blair. "Anong sinasabi mo? Panong nabuntis ka gayung wala kang boyfriend. " Gulat na sabi ni mom. Nag-uulap ang paningin ko. "May nangyari sa inyo?!" hindi ko napigilan ang pagdapo ng kamay ni blair sa pisngi ko. "Malandi ka!" Bigla niya akong sinabunutan. Pilit kong inaalis ang kamay ni blair pero ayaw nyang pakawalan ang buhok ko. Umiiyak na lang ako dahil wala akong magawa. Sa tulong ni mommy, nailayo niya sa akin si blair na masama ang tingin sa akin. Napahawak ako sa kabilang pisngi ko ng sampalin din ako ni mom.. "Wala akong anak na malandi! Bakit ka nagpabuntis sa boyfriend ng kapatid mo? Ipalaglag mo ang batang iyan. Hindi pwedeng malaman ni yohan ang tungkol dito." Aniya. Pinahid ko ang luha at tumingin sa kanila. Dumating si dad ang naguguluhan sa nangyayari. "I'm sorry mom pero hindi ko susundin ang sinasabi mo. Hindi ako malandi kung iyon ang sa tingin niyo. Maniwala ka mom. Hindi ko ginusto ito. Lasing siya at hindi ko siya kayang pigilan." Paliwanag ko. "Buntis ka mayumi?" Gulat na tanong ni dad. "Yes dad.. at si yohan ang ama." Pag-amin ko. Hindi makapaniwalang napatitig siya sa akin. "Ipalaglag mo ang bata." sinamaan ko ng tingin si Blair. "Hilingin mo na ang lahat blair. Pero huwag ang baby ko. Bubuhayin ko to ng mag-isa. Huwag ko mag-alala. Hindi malalaman ni yohan na nabuntis niya ako. Lalayo ako kung kinakailangan." Aalis na sana ako ng sabunutan ulit ako ni blair. "You need to abort that baby." Galit na galit si blair pero hindi ako pwedeng magpatalo. "Baby ko to. Ako ang mag-didisisyon kung ipapalaglag ko ba o hindi. Bubuhayin ko ang bata at wala na kayong magagawa doon." Lahat gagawin ko para sa baby ko. Blessings sa akin to ni god. "Anak.." napatingin ako kay dad. "Makinig ka na lang sa kapatid mo." Aniya. Hindi makapaniwalang tumitig ako kay dad. "Pati ba naman ikaw dad." "Sige na anak para sa kapatid mo. Buntis din siya at kailangan niya si yohan. Kung malaman ni yohan na buntis ka. Siguradong makikihati ang anak mo sa atensyon ni yohan na dapat lang sa kapatid mo." Bigla ako pinaghinaan ng loob. Buntis din pala siya.. nakakatawa dahil lahat sila hindi pabor sa akin. Hindi matigil sa pagbuhos ang luha ko. "Bakit ba lagi na lang si blair? Anak niyo din naman ako." May hinanakit sa mga binitawan kong salita. "Sana naman suportahan niyo ako kahit ngayun lang. Anak ko to mom, dad. Apo niyo na gusto nyong mawala sa mundong ito kahit hindi pa siya nailuluwal. Ang sama niyo. Bakit naging magulang ko pa kayo. Wala kayong ibang ginawa kundi si blair na lang ang pinagtutuonan niyo ng pansin." Hindi ko pinahid ang luha sa mukha ko. Sobrang wasak na wasak ako. "Dad princess mo ako di ba? Bakit hindi na ngayun?" Tanong ko. Hindi siya makatingin sa akin. "Sa akin niyo ba sinisisi ang pagkawala ni blair? Wala akong alam sa mga sinasabi niya. Hindi ko ginusto na mawala siya sa pamilya natin. Magmula ng bumalik siya. Nawala na sa akin ang atensyon niyo. Pinabayaan niyo ako.. ganyan ba kayong magulang? Sana hindi ko na lang kayo naging magulang!" Galit na saad ko. Ako na lang lagi ang mali sa pamilyang ito. Kahit kailan hindi ko naramdamang mahal nila ako. Parang wala lang ako sa kanila. Umalis na ako sa bahay. Ayoko ng makita pa ang mga pagmumukha nila. Magmula ngayun hindi ko na sila pamilya. Tutal si blair lang naman ang kinikilala nilang anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD