Chapter 4
Magkunware
“Akala ni Garreth na ako yung nagluto, maid.” umismid si frida sa kaniya habang nakahalukipkip.
Kasalukuyan kaming nasa entranda ng mansyon. Nadatnan ako nito na naglilinis. Ngayon pa ako kinausap nito simula nung tumira muna ito sa nobyo nitong si Garreth.
“Paniwalang paniwala siya sa akin.” ngumisi ito at parang nababaliw na tumawa. Napalunok na lamang ako sa inasta nito.
Iniisip kong kawawa si Garreth pag nagkataon na magkatuluyan talaga sila.
“Anyway I hate cooking.” umikot ang mata nito saka napataas ang kilay na tinignan ako.
“Hindi ka ba magsasalita diyan?.” iniwas ko ang tingin rito. Hindi ko alam kung ano nga ba sasabihin ko.
“Ano po ang sasabihin ko?.” ngumiwi ako.
“Stupid.” bitaw niyang salita.
“Ikaw ang magluluto sa birthday ni Garreth, and I'll make sure na ako pa rin ang kunwareng nagluto.” irap niya. Tumango ako.
“Wala pong problema.” madali naman akong kausap.
“At gusto kong hindi ka pa rin nakikita non, kapag nakita ka ay malalagot ka sa akin.” banta pa niya.
Ano nga ba ang rason kung bakit ayaw nilang makita ko si Garreth?. Wala naman akong masamang gagawin sa taong iyon.
“Wala naman siguro siyang pakialam pag nakita niya ko.” sabi ko pa.
“Bakit imbitado ka ba talaga sa birthday niya?.”taas kilay niyang sabi.
Umiling ako at medyo napahiya.
“H-hindi po.”
“Oh hindi Di ba? Di ka nga kilala nun eh. Tapos malamang ayaw ng trespasser iyon at kapag hindi niya kilala, he'll make sure that their Bodyguard will drag you out. Kaya ipupuslit na kita roon. Iyung hindi niya makikita.” paliwanag niya at bumigat ang loob ko dahil dun.
“A-akala ko po kase dito na lang sa mansion niyo lulutuin.” akala ko nung una.
“Stupid ka talaga. Sa mansion ng soon to be boyfriend ko syempre.” Matigas niyang mura sa akin.
“Okay po, pero pwede naman sana dito, baka maari niya kong makita pag nagkataon at malalaman---.”
“Tss... Alright I'll make the right decision. Kunware lang na kaibigan kita, this is gross but we will have to pretend. At ikaw Mismo kunware tutulong sa akin.” putol niya. Diring diri na kung ituturing ako ay isang putik lamang.
“Mas maayos po iyan. At tuturuan ko na rin kayo.” nanghihina kong sabi.
Tumawa siya ng sarkastiko.
“Don't teach me maid, you're just an assistant. Make sure you will help me cooking at ang gusto ko iyung ako ang gumagawa para makita at mas lalong magugustuhan ni garreth sa tuwing mapapanood ako.” humalukipkip nitong paliwanag.
“Masusunod mam.” naitugon ko na lang at nagyuko ng ulo. “Pero pagkatapos po sana niyon ay kailangan ko ng pera.” desperada na ako dahil para sa Nanay kong nangangailangan.
“Sige pagkatapos isasaksak ko sa baga mo.” Inis nitong sabi. Napalunok ako.
Hindi na ako nagsalita. Napayuko akong nag iwas ng tingin.
“Tsk! Napasubo tuloy ako! Ikaw kase pabidabida ka.” binangga ako nito sa balikat at bahagyang akong napaatras.
Mabigat akong bumuntong hininga. Mas pinabubuti ko naman ang pagluluto ko para magustuhan nila pero bakit mas lalo akong pinag iinitan nila.
Hindi naman para sa akin ang ginagawa ko. Utos nila sa akin na Pagbubutihin ang pagluluto. Ginawa ko naman pero hindi ata sapat, siguro nadala lang ako sa mga binigay nilang pang iinsulto sa akin.
Hindi ko na lang siya pinansin.
Napatrapo na lang ako ng pawis sa noo bago nagpatuloy. Kaya siguro na paibig si Garreth dito dahil maganda, ngunit hindi alam ang tunay na ugali sana nga ay magbago na si frida.
“Agora!.” suminghap ako nang naririnig ko ang boses ni Nanay sa labas.
“Agora! Nandito ako sa labas ng Gate!.”
Ito na nga ba ang sinasabi ko. “Aba ay lumabas ka riyan at Magpakita sa akin!.”
Takbo lakad akong lumabas saka sinalubong ang galit na itsura ni nanay. Malamang natalo na naman ito sa sugal kaya, manghihingi na naman ng pera.
“M-ma...”
Umismid siya saka nanlilisik ang mata. “Ano po ang ginagawa niyo dito.” hindi ko pa natanggap ang sweldo, at alam niyang mahigpit ang amo ko.
“Ang husay mo nga rin ano! Hindi ka na Nagpakita sa bahay para hindi ka na mahuthutan? Pwes! Ngayon ako na mismo ang pumunta rito para kunin yung sweldo mo.” bulyaw niya.
“Huminahon po kayo, ma. Baka galitan ako ng amo ko at iniisip na nag eskandalo ka dito--.” parang naiiyak kong sabi.
“Wala akong pakialam. Ano hindi mo ako bibigyan?” asik niya at nambabantang mag eskandalo.
“S-sandali lang po, ma.” dinukot ko sa aking blusa ng uniporme and two hundred. Tinipid ko pa ito para sa personal kong pangangailangan.
“At hindi mo man lang ba ako papasukin?.” taas kilay siyang pumameywang.
Panay ang lingon ko sa mansion.
“Ma, baka magalit po ang amo ko. Hindi niyo gusto ang ugali non--.”
“Bilisan mo! Kunin mo na yung pera. Kainis.” Inabot ko sa kaniya ang pera ngunit ang akala ko ay sapat na iyon pero sarkastiko siyang natawa.
“Ito lang?.” sumakit ang lalamunan ko sa pagpigil ng iyak.
Gusto ko sanang sabihin sa kaniya na, hindi ako ayos dito sa pinapasukan ko, palagi akong sinasaktan kapag may pagkakataon sila.
At hindi nila alam na inabuso ako nang mga lalakeng pinsan ni frida. Lahat sila ay mamayaman, may koneksyon. May kapit sila, may itsura ang mga iyon, ngunit adik. Hayok sa laman at kung minsan ako ay pinagtripan.
Gusto ko sanang magsumbong pero, pakiramdam ko hindi niya ako tutulungan o kaawaan man lang.
Hindi ako nagsalita. Nanlabo ang mga mata ko.
“Walang kwenta ka talagang bata ka.” Inabot pa nito ang buhok ko ngunit nakaiwas na ako.
“Itinabi ko kase yung iba ma.” pag aamin ko sa kaniya. Kailangan ko iyon lalo na at pag may emergency ako.
Itinuro ako nito habang napapailing.
“Ito ang tatandaan mo, agora. Hwag ka ng bumalik sa bahay kung ganiyan ka rin naman kadamot!.” tumalikod ito saka hindi na ako nilingon pa.
“M-ma.” naibulong ko. Hindi ko alam kung ina ko nga ba talaga.
“Sino yung sumigaw, maid?.” nagpunas ako ng luha saka hinarap si frida.
“Kapit bahay lang po mam.” pinasigla ko ang aking boses saka tumikhim.
Naiirita itong bumuntong hininga.
“Disturbo ng tulog iyon. Maglinis ka nga ng maigi. Bakit ka tumatayo lang diyan?.”
“Maglilinis na po.”
-*-
Kinaumagahan ay napag-utusan ako ng amo ko na bumili ng groceries. Sa pagmamadali ko na lumabas ay may nasagi ako at nabangga ang pinamali sa dinadala ring pinamali nito.
Napasinghap ako, mabuti na lang ay hindi tuluyang nasira ang paper bag. Bumagsak lang ito, kaya dali dali kong pinulot. Napansin ko din na may tumulong sa akin. Hindi na ako tumingin dahil abala ako sa ginawa ko.
“I'm sorry. Let me help you.”
Kilala ko ang boses na iyon.
Wala sa sarili akong tumango. Bahagyang nanginginig ang mga kinikilos.
“Salamat.” bahagyang utal kong sabi. Napahigpit ang hawak sa paper bag nang mariin akong tinignan nito na tila sinusuri.
Nakita ko yung ID picture niya. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako nang Garreth Cua ang pangalan na nakalagay don. Hindi ako tumingin sa Mukha nito, napayuko lang ako at hindi ko alam kung bakit ganito ang inakto ko, samantalang hindi ako nito kilala.
“At Pasensya na rin.” pahinging paumanhin ko sa kaniya. Bakit kaya naghuhumirintado ang puso ko?.
Mali, ang eratikong pagpintig ng puso ko.
Dahil may gusto ako sa taong ito?.
Hindi ko makayanan ang titig nito, dahil nangingig ang kaya mabalis akong tumalikod.
Hindi ko pinakinggan ang pagtawag pa sana nito sakin. Ano naman sadya nito sa'kin?. Nakita niya na kaya ako?. Makailang beses akong lumunok.
Natatamaan ka na talaga sa boyfriend ni ma'am frida!. May nobya na iyon, agora hwag kang Malandi!. Saway ko sa sarili.
“Si Garreth lang yon, agora!. Bakit ka kinakabahan diyan?.” asik ko na, lamang habang nakasakay na sa tricycle.