Chapter 19 DANICA ''OMG! Bakla, paano nga kung buntis ka? Hayzzz.. paano na 'yan? Paano si Alp?'' sunod-sunod na tanong ni Julie Ann sa akin. "Kapag nagkataon, aalis ako sa trabaho ko. Paano naman si Ella?'' hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko sa ngayon. ''Pero malay mo baka hindi ka naman buntis, nadatnan ka na ba?'' '' "Yon na nga, eh! Apat na araw na akong delay,'' sabi ko kay Julie. ''Nako, bakla! Ang masaklap pa eh hindi mo alam kung sino ang naka-virgin sa 'yo.'' ''Julie, ano ang gagawin ko?'' wika k sa kaniya. ''Mabuti pa kumain na muna tayo saka mo na isipin 'yan kapag sigurado mo ng buntis ka,'' ani Julie. Sakto naman ang pagkatok ni Alp sa pintuan. ''Puwede bang pumasok?'' tanong ni Alp. ''Yes, Alp. Sige maiwan ko na muna kayo,'' ani Julie sabay talikod nito a

