Chapter 50 Danica Sapat ng marinig ko ang sinabi niyang iyon sa akin upang maging buo ang desisyon ko na makiipaghiwalay sa kaniya. ''Kung ayaw mo ibigay sa akin ang anak ko e 'di sa 'yo na! Dumating ako sa bahay na ito na mag-isa, kaya aalis akong mag-isa rin,'' madiin ko ring wika sa kaniya. ''E 'di, umalis ka! Tingnan ko kung matitiis mong iwan ang anak natin! Makasarili ka kung gano'n ang gagawin mo!'' galit nitong wika sa akin at umiyak naman ang bata. ''Sabihin mo na kung ano ang sabihin mo pero ayaw kong tumagal sa katulad mong manloloko!'' wika ko at tumalikod sa kaniya. Pumasok ako sa silid namin at kinuha ang bag ko at inilagay ang mahalagang gamit ko roon. Hindi na ako nag-isip sa ano mang puwedeng mangyari. Binitbit ko ang bag ko at lumabas sa silid. Nasalubong ko nam

