Chaptee 30 DANICA Nang makatapos akong kumain ng ube ay sinamantala ko naman na may ginagawa si Lola. Dali-dali akong lumabas ng condo kahit medyo nahihilo pa ako at sumakay sa elevator. Pagdating ko ground floor ay dali-dali akong lumabas sa building at pumara ng taxi. Agad akong sumakay at nagpahatid sa bahay ni Tita, dito lang din naman sa Laspinasa ang bahay nila Tita. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na agad ako sa bahay ni Tita. Binayaran ko ang taxi driver at bumaba na sa taxi. Agad akong nagtungo sa pintuan ng bahay at pumasok. Nang makita ako ni Tita ay nagtataka ito kung bakit narito ako. "Oh, sino ang kasama mo? Akala ko ba Roon ka muna sa condo ng nobyo mo?'' tanong ni Tita at dumaretso na ako sa sala at naupo sa mahabang sofa. "Hindi ko po nobyo ang lalaking iyo

