Synopsis

212 Words
Sa edad kong 35, ngayon ay never been kiss and never been touch pa ako. Ako kasi ang tipong babae na pihikan pagdating sa isang lalaki. Marami naman ang nanliligaw sa akin noon pero sadyang mapili lamang talaga ako. Paano ba naman? Kung hindi lasingero ay babaero naman. Kaya 'di bali na lang na wala akong boyfriend kung gano'n naman ang magiging boyfriend ko ay h'wag na lang. Namamasukan ako bilang casher sa Maynila sa isang grocery store. At dahil nami-miss ko na sina Inang at Itay ay nagbakasyon ako rito sa Capiz. Nag-leave ako sa trabaho ko ng sampong araw. Syempre pati ang mga kaibigan ko na nag-asawa na ay kasama na rin sila sa mga dinalaw ko. Dahil sa malapit na naman ako bumalik sa Maynila ay niyaya ako ng kaibigan ko na si Shiela na uminom. Kahit hindi naman talaga ako umiinom ay sinubukan ko pa rin. Sa maniwala kayo at hindi ay unang beses ko uminom ng alak dahil sa panunudyo nila ay sinubakan ko rin. Sabagay, 35 years na ako sa mundo. Bakit hindi ko subukan ang mga bagay na nasubukan na nila? Isa pa, iba na rin ang panahon ngayon. Kaya wala naman sigurong masama kung subukan ko iyon. Nasa tamang edad na rin naman ako. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD