THIRD PERSON's POINT of VIEW "Marami po ang nag-aabalang sa wakas ng 'Extraordinary Love'. Pwede niyo po ba kaming bigyan ng kaunting detalye sa mangyayari ngayong gabi?" tanong ng isang reporter kina Rasheeqa. Maraming blogger at reporter ngayon ang nagcocover ng press conference sa proyekto nila Rasheeqa na matagumpay na magtatapos. Sa totoo lang matagal nang natapos ang shooting sa palabas nila sa telebisyon pero dahil ngayong gabi ang huling 'airing' ng Extraordinary Love, kaya sila nagpatawag ng press conference. "Siguro medyo malungkot na masaya ang magiging wakas ng kwento. Dito po natin matutunghayan kung hanggang saan nga ba tutungo ang relasyon nila Samantha at Kian sa kabila ng mga pagsubok na kanilang kinakaharap. Kaya sa mga mahal naming manonood, huwag niyo pong papalagpas

