HALOS takot naman ang bumalot sa katawan ni Isabelle ng aksidenteng masira ang lift nito habang binabagtas niya pababa ang kumpanya na kaniyang pinapasukan. Subalit ang mas nakaka-bahala sa kaniya ay ang halik ng isang lalaking hindi man lang niya malimutan.
"Mabilis akong umalis papalayo sa taong halos hindi ko naman talaga kilala,lalo na iyong maglapat ang mga labi namin sa isa't isa. Pakiramdam ko kakaibang sensasyon ang bumalot sa aking katauhan na halos ngayon ko lamang naramdaman.at isang Halik na unang beses ko pa lamang natikman. Ngunit
bakit gano'n na lamang ang nararamdaman ko parang kuryenteng dumadaloy sa buong pagkatao ko,” tanging bulong ni Isabelle sa kaniyang sarili. Kasunod nang pagbukas niya ng pinto at pagpasok nito sa isang silid.
"First day of my work,” wika ni Isabelle. Naku! Alin ba dito ang uunahin ko?
Sa susunod hindi na talaga ako sasakay sa elevator na 'yon,” tugon niya sa kanyang sarili habang tambak ang mga sine-xeroz niyang papers work. Iniisa-isa niya ang mga papel na halos magulo na ito lahat dahil sa pagkakalaglag. Napa-buntong hininga na lang siya sa kaniyang sarili.
"Kaya ko ito makakaipon din ako. Mabuti nalang talaga at mabait si Mr.Lance Sebastian, kung hindi wala ako ngayong trabaho.”
Isang tawag naman ang natanggap ni Isabelle mula sa kanyang kaibigan, kaya't mabilis niya itong sinagot.
"Hello, Ellaine. Bakit napatawag ka?”
"Naku! Isabelle ini-invite ka ni Daddy dito sa bahay. Birthday celebration kasi ni mommy ngayon. Sandali na saan ka ba para mapasundo na kita?”
"Mamaya pa ako makakauwi. Maraming nakabinbin na trabaho ako ngayon.”
“Anong trabaho? Hindi ba't ka darating mo pa lang dito. May trabaho ka na kaagad. Ang bilis naman. Ha! Talagang bilib na ako sa kagandahan mo Isabelle,” ngiting wika nito sa kaniya.
"Hindi ko naman ginamit ang ganda ko. Ini-recommend lang ako ni Aling Mel sa kakilala niya.”
"Gano'n ba! Akala ko ginamitan mo na ng iyong kagandahan. oh! Basta ipasusundo na lang kita kay Manong Driver. Aasahan kita Isabelle. I-message mo na lang
ako kapag out ka na sa work mo or else kung saan kita maaaring sunduin.”
"Okay, sige Ellaine. Marami pa akong gagawin.” Kasabay nang pagbaba niya ng telepono.
Ilang sandali ay isang tawag mula sa kaniyang likuran ang kaniyang narinig. Hudya't na para simulan ang kaniyang nakausong na trabaho. Kailangan niya ito para matustusan man lang ang kaniyang pangangailangan. Matupad ang mga pangarap na kaniyang hinahangad.
"Ms.Clavio!” Pagtawag sa kaniya ng isang babae. “Natapos mo na ba ang lahat ng pinagagawa ko sayo,” tanging wika ng isa sa mga kasama rin niyang empleyado.
"A-ah, matatapos na!” mautal-utal na untag niya .
"Pausap pabilis nang kilos, dahil kailangan ng ma-finalize bago pa dumating si Mr.Alejandro Sebastian.” Mataray itong tumalikod sa kaniya. Matapos ipaalala ang mga kailangan niyang gawin. Ngunit tila napabaling muli ito sa kaniya nang magsalita ulit ito sa harapan niya.
"By the way, pakidala na lang ng folder sa kaniya sa office ni Mr. Sebastian. Okay, dont forget Ms.Clavio.” Paalala nito sa kaniya. Kasabay nang pag-abot nito ng mahahalagang dokumento.
Tanging pagsang-ayon na lamang ang kaniyang naisagot. Kahit na hindi niya alam kung sino ang Sebastian ang tinutukoy nito. Matapos kasi niyang marinig ang pangalan ni Mr.Alejandro Sebastian, ay tila sumasagi sa isipan niya ang taong tumulong sa kaniya upang makapasok sa kumpanya.
"Sino si Mr.Lance Sebastian? Naku! Siguro magkapatid sila,” tanging tanong na lang niya sa kaniyang isipan.
Mag-aala sais (6:30pm) pasado na ng gabi ng siya ay nakatapos sa kaniyang ginagawa. Habang napaupo siya sa sahig at iniunat ang magkabilang braso niya pataas.
"Oh my god! Sobrang sakit talaga ng balikat ko!”
Napabalikwas na lamang siya sa kaniyang kinauupuan nang maalala niya ang folder na kailangan niyang dalhin sa office ni Mr.Sebastian.
"Naku! Paktay na! Bakit sa dinarami-rami na malilimutan ko iyon pa ang talaga!”
Dali-dali niyang tinakbo ang opisina ng lalaki at mabilis binuksan ni Isabelle ang pinto nito. Ngunit akmang papasok na siya sa loob nito nang biglang magbukas ang pintuan sa kaniyang harapan. Ang dilim ng opisina sa loob ay nasilayan ng kaniyang mga mata.
“Kabayo ka!” tanging bigkas na lumabas sa kaniyang bibig. Nang siya ay matalisod sa pintuan nito.
“Nakkaainis naman! Bakit ang dilim-dilim naman dito? Wala ba itong ilaw?”
Mabilis rin niyang napindot ang bottom ng switch sa gilid ng pintuan. Tila pagkagulat naman ni Isabelle muli ang kaniyang nasilayan sa kaniyang harapan. Halos mamula ang kaniyang mukha sa kaniyang nakita.
“Naku! Maykabayo talaga!” sigaw ni Isabelle.
Halos naantala ang ginagawa ng mga ito. Nang mabuksan ni Isabelle ang ilaw. Nagulat rin ang mga ito sa hindi pamilyar na babaeng walang pag-aalinlangan nagbukas ng ilaw sa loob ng opisina.
“f**k!” galit na tugon ng lalaki. Kasabay nang pagbaling nito kay Isabelle.
“Don't you know how to knock on the door before you enter my office!”
“I'm sorry, Mr. S-Sebastian. Hindi na mauulit,” mautal-utal na wika ni Isabelle. Kasunod nang pagtungo ng ulo niya sa harapan nito. Habang nakaupo sa ibabaw ng lalaki ang babaeng halos makita na ang kabuuan ng katawan nito.
“What do you need?!” baling nito sa kaniyang harapan. Kasunod nang pagtitig nito sa kaniyang mukha.
“G-Gusto ko lang na ibigay ang folder na ito Mr.Sebastian. Pinabibigay k-kasi ni—” mautal-utal niyang wika at hindi pa natatapos ang kaniyang sasabihin nang biglang magsalita ang babae sa kaniyang harapan na tila ba hindi maalis-alis ang pagkakayakap nito sa lalaki.
"Get out! At kung maaari. paki-lock na lang ng pinto ng walang katulad mo ang basta-basta na pumapasok dito! Do you understand?” Mataray at may halong pagkainis sa mukha nito.
Minabuti ni Isabelle na isarado ang pintuan. Kaysa naman masaksihan niya ang hindi kaaya-aya na kaniyang nakikita. Hindi kasi siya sanay sa mga ganoong eksena. Kalimitan kasi nang nakikita niya ay mga napapanood lang sa kung ano-anong palabas na movie. At hindi sa aktuwal na pangyayari.
"Sandali nga lang, kasalanan ko ba kung gumagawa sila ng kababalaghan.” Pag-irap ng kaniyang mga mata. Akmang aalis na siya nang biglang may isang baritonong boses ang kaniyang narinig sa labas ng pintuan ng office nito.
“Next time, tumawag ka na lang sa office ko kung may kailangan ka para hindi ka nagugulat kung sakaling punasok ka sa office ko. Naririnig mo ba Ms.Clavio?” seryosong untag ni Sebastian. At pag-angat ng gilid ng panga nito habang hindi mawala-wala ang pagkakatitig sa mukha ng dalaga.
“Naririnig ko Mr. Lance Sebastian.”
“ Mr.Lance Sebastian,”ngiti nito mula sa babae. By the way, I'm not Lance Sebastian. I am Mr.Alejandro Sebastian.”
“I-I'm sorry, Mr. A-Alejandro Sebastian,” mahiya-hiya niyang wika. Humihingi ako ng pasesnya, Mr. Alejandro Sebastian. Hindi ko sinasadya na makita ang—” Napaatigil na lamang siya nang biglang magsalita ito.
"It's okay, don't even think about what happened Ms.Clavio.”
Ngunit naputol ang usapan nila nang lumabas sa loob ang kaninang babaeng halos ayaw nang bumitaw sa pagkakapit nito sa lalaki. Suot nito ang above the knee na dress na talagang bumabagay sa pagka-slim nitong katawan at ang mataas na heels nito na lalong nagpatangkad sa babae. Unang tingin pa lang ni Isabelle ay namangha na siya sa taglay nitong ganda. Ang suot nitong damit ay tila masasabi niyang nabibilang ito sa mayamang pamilya. Matangkad at halos bumagay ang sopistikada nitong mukha.
"Babe lets go, its already late. Baka hindi natin maabutan ang celebration ni tita Fe. Ayokong magalit sa akin si Mommy.” Kasabay nang mataray nitong tingin nito kay Isabelle. na halos tila kakainin siya ng buhay sa pagkakatitig nito sa kaniya.
Huminga na lang siya ng malalim nang umalis ito sa kaniyang harapan. At napagpasiyahan na pumasok sa loob ng lift. Pakiramdam niya ay ang katulad ng babae iyon ang hindi niya magugustuhan. Tila ba kayang-kaya siya nitong maliitin. Ibinaling na lang niya ang kaniyang atensyon sa ibang gawain sa loob ng kumpanya. Lahat ng mga iniuutos sa kaniya ay sinusunod niya. Ayaw kasi niyang may nasasabi sa kaniyang trabaho. Nagpapasalamat ito dahil kung hindi kay Aling Mel ay baka hindi pa siya nakakahanap ng trabaho. Makalipas ang buong maghapon ay minabuti niyang tawagan si Ellaine. May usapan kasi silang magkikita. Gusto man niyang tumanggi ngunit hindi niya magawa. Kaibigan niya ito at ayaw niyang nagtatampo ito sa kaniya. Mabait si Ellaine lahat kaya nitong gawin para sa kaibigan. Kaya naman ay hindi niya ito mapahindian kapag may kailangan. Iyon lang kasi ang magagawa niyang malasakit para sa kaibigan kaya napaka-s'werte niya kung tutuusin. Isang kaibigan na handa siyang tulungan anomang oras. Lumabas siya ng kumpanya at naglakad kung saan siya susunduin ng private driver ni Ellaine.
Ngunit ilang oras na rin siyang naghihintay ng sundo pero hangang ngayon ay wala pa rin ito. Kaya naman nagpadala siya ng voice mail para sa kaibigan.
"Hello, Ellain. Please text me, if ever na ma-recieve mo ang voice mail ko. narito lang ako sa labas ng building na pinagtatrabahuhan ko. Pakisundo mo na lang ako sa private driver mo.”
Nagpaikot-ikot na lamang siya sa lugar na iyon, habang hinihintay niya ang sundo nito pero magaalas-dyes na (10:00pm) ng gabi ay wala pa rin na sasakyan ang dumarating.
"Ano ba'ng nangyari? Bakit ang tagal naman ng driver niya?” pagtatanong niya kaniyang sarili.
Nag-decide na lamang siyang umuwi ng bahay dahil maaga pa ang gising niya kinabukasan lalo na at may trabaho pa siya. Pagod na rin ang kaniyang katawan dahil sa maraming paper works na kaniyang ginawa. Ngunit tila kahit taxi ay walang dumaraan sa kaniyang harapan. Malapit na rin ma-low battery ang kaniyang cellphone. Kaya naman hindi na rin siya makatawag kay Aling Mel.
"Malas na nga kanina. Hangang ngayon malas pa rin. Unang pasok ko pa lang sa trabaho pero parang puro kamalasan ang araw ko ngayon.”
Pansin niya ang pamamaga ng kaniyang mga paa dahil sa taas ng sapatos na kaniyang naisuot. Kahit hindi naman siya sanay sa gano'n na suot ay kailangan niyang magtiis dahil lahat ng mga ka-workmate niya ay nakaheels. Naupo na lamang siya sa isang gilid ng shade habang nag-aabang ng taxi. Subalit isang malakas na hangin ang dumadampi sa kaniyang pisngi. Kasabay nang mahinang bugso ng ulan nito. Habang yakap niya ang bag na nagsisilbing harang sa malamig na hanging kaniyang nararamdaman.
Makalipas ang ilang segundo ay isang magara at itim na sasakyan ang tumigil sa kaniyang harapan. Bumungad sa kaniya ang lalaking unang tingin pa lang ay mamangha ka na sa kaniyang kakisigan. Na halos bumakat naman sa dibdib nito ang white long sleeve nitong suot. Napatulala siya ng ito'y kaniyang makita.
"Are you waiting for someone? It's already late at night. Bakit hanggan ngayon hindi ka pa nakakauwi?” Sunod-sunod na tanong nito sa kaniya.
"Mr.Alejandro Sebastian,” tanging bangit niya sa pangalan nito. “ Naghihintay lang ako ng taxi para makauwi,”malambing niyang wika sa lalaking walang humpay siyang pinakatitigan. Kasunod nang pagbaling ng tingin ng lalaki sa kaniyang mga paa.
“What happened to your feet? At bakit hindi mo suot ang sapatos mo? The weather is too cold, you should not take off your shoes in this cold and rainy place,” pag-aalalang tanong nito kay Isabelle.
"Masakit kasi itong paa ko. Kaya't hinubad ko muna pansamantala.”
Marahan ang binuksan ni Sebastian ang gilid ng pinto ng kaniyang sasakyan. Nagpasya kasi itong lumabas dahil sa pag-aalala sa babae. Walang pag-aalinlangan niya itong binuhat. Na halos ikagulat ng dalaga. Tila ba isang bagong kasal nang siya ay buhatin. Gusto niyang kumawala sa pagkakahawak buhat nito sa kaniya. Ngunit tila hindi niya magawa. Mabilis siya nitong isinakay sa itim na sasakyan habang bitbit naman ng lalaki ang sapatos niya at kasunod nang paglagay nito sa kaniyang mga paa.
"Don't ever do that again! Kung ayaw mong mawalan ka ng dalawang paa.” Pagkabigla naman kay Isabelle ang ginawa nito sa kaniya.
"Dont ever do that again kung ayaw kong mawalan ng dalawang paa. Sandali may balak ba siya putulin ang paa ko. At bakit concern na concern siya sa akin. Samantalang halos ngayon lang kami nagkakilala at nagkita. Ano ba ito? Baka iniisip niya na bayaran akong babae na madaling ikama.”
Pagkatakot ang nangibabaw sa kaniyang isipan kaya't bubuksan na niya sana ang harap ng pinto ng sasakyan. Nang biglang umupo na ito sa driver seat sa kaniyang tabihan. Ini-start nito ang sasakyan at paghawak sa manubela. Ang ma-muscle nitong braso ang mas lalong nagbigay ng kaba kay Isabelle. Gusto na niyang lumabas pero isang baritonong boses ang kaniyang narinig mula sa lalaki.
“Just stay, I'll take you home,” wika nito sa kaniyang harapan na halos hindi maalis ang pagkakatitig ng mga mata nito sa kaniya.
Walang anuman ang nangibabaw na kahit na anong salita mula kay Isabelle. Subalit ang takot na kanina pa ni Isabelle nararamdaman ay napalitan ng halo-halong emosyon. Tila t***k ng pusong halos ayaw na nitong tumigil sa kaniyang dibdib. Nabaling na lamang ang pagkatitig niya sa braso nito habang hawak nito ang manibela.
"Are you done staring at me?” wika nito kay isabelle. Kasabay nang mabilis na pag-iwas nito ng tingin sa lalaki.
Tumugil na lamang ang sasakyan hudyat na nakarating na sila sa kaniyang tinutuluyang bahay. Kaagad naman bumaba si Sebastián patungo sa kabilang pinto nito, para siya ay pagbuksan. Na halos hindi naman magkaintindihan si Isabelle sa pagtanggal niya ng kaniyang seatbelt.
"Ano ba ito? Bakit ayaw matangal?” bulong niya sa sarili. Akmang hihigitin niya ito ng si Sebastian ang tumanggal ng kaniyang seatbelt. Halos maamoy niya ang pamilyar na pabango nito, kaya't kaagad niyang iniangat ang ulo niya at sa hindi sa sinasadyang pagkakataon. Nagtama ang mga labi nila sa isa't isa.
"Hindi ko alam kung anong mayroon sa'yo. Ngunit sigurado akong kakabahan ang aking puso. Sa tuwing makikita kita.”
Bagay na sumasagi sa isipan ni Isabelle.