Chapter.10 The temptation

2589 Words
Chapter.10 The temptation "Alejandro Sebastian POV" "Even to myself I am confused by what I do for isabelle,Subalit hindi ko siya kayang iwasan,kapag hindi ko siya nakikita ay hinahanap-hanap ko ang maganda niyang mukha. "Pero bakit..?..katabi ko ngayon si claire sa aking kinahihigaang kama.ngunit iba ang nasa isip ko at mukhang niya ang aking nakikita. "Umupo ako at sumandal sa headboard ng kama,kasunod ng paglagay ng dalawa kong kamay sa aking mukha.Pinipilit ko siyang alisin sa isipan ko ngunit hindi siya mawala-wala para akong baliw na hinahanap ang malambot niyang labi.gustuhin ko man higitan pa ang pagkakahalik sa kanya pero hindi ko kaya. .kapag nakikita ko ang mga nagbabadya niyang luha at mga matang nakikiusap. Napabalikwas ako sa aking kinauupuan at pagiisip ng marinig ko ang tinig ni claire,habang kinukusot niya ang kanyang mga mata. "Babe...gising kana pala...its too early in the morning..pero bakit ang lalim ng iniisip mo,may problema ka ba ...ahmmm...kasabay nang pagkakayakap sa kanya ni claire ng mahigpit..habang hinahalik-halikan nito ang bawat gilid ng leeg nito.hanggang sa bumaba na ito mula sa dibdib ni sebastian. Claire ....stop..please..sambit ni sebastian na halos magulat si claire sa malakas na tinig ng boses nito. Ano bang ..problema mo? ilang gabi na tayong magkasama pero hanggang ngayon wala pang nangyayari sa atin ...hindi ka naman ganito nuon ...saad ni claire sa malakas niyang boses... "babe...please tell me...ahmmm...alam kong may bumabagabag sa isipan mo ..maari mo naman sabihin sa akin kung ano yun?baka makatulong ako...sa mga investors ba...sa site ba ng hotel na pinagagawa niyo ni lance... "please babe...ayokong nakikita-kitang ganito. habang hawak ni claire ang magkabilang pisngi ni sebastian at kasunod ng paghaplos sa mga labi nito. mahal na mahal kita ,babe...alam mo 'yan..at sabik niya itong hinalikan sa labi.pero ang isipan ni sebastian ay hindi maalis habang hinahalikan ni claire ang kanyang labi..isipan na itinatanong niya sa kanyang sarili. Nasa harapan ko ngayon ang babaeng pinangakuan ko ng kasal na habang buhay ay siya lang,pero parang ang hirap maalis sa isip ko ang babaeng kailan ko lamang nakilala at nakita...sambit ni sebastian habang paulit-ulit niyang binibigkas ang pangalan ni isabelle..sa kanyang isipan.. Tumayo na lamang ako at mabilis na nagtungo sa bathroom upang maligo,alam kong nagulat si claire sa aking ginawang pagpigil sa kanyang mga halik pero mas hindi ko kakayanin kung pilit na sumisiksik sa isipan ko ang mukha ng babaeng ayokong maalala lalo na't kasama ko ang babaeng pinaka-mamahal ko. Binuksan ko ang shower at kasabay ng pagpatak ng tubig nito sa aking mukha patungo sa bawat parte ng aking katawan.matapos kong maligo ay dali-dali kong tinungo palabas ang bathroom,subalit wala na si claire sa aking kwarto pati na ang mga gamit niya.hangang sa mapansin ko ang maliit na papel sa ibabaw ng maliit na table katabi ng aking kama. "I'm sorry babe..kinakailangang kong umalis ngayon patungong spain..I know you won't let me, but this is my dream, I still love you, and I will promise that I will come back..I will marry you ... loves...Claire Avida. "After reading claire's letter I can't believe she left me and she chose to be a model in spain. I know she will come back but how long will I wait, ... so that's when I just felt how important she is to me. I love her that's all I know. I quickly walked out of my house, because I hoped I could catch up with her. I had a few calls and text messages but she didn't answer. So I decided to contact my security to chase her and stop her from leaving. . please...claire dont leave me...saad ni sebastian kasunod ng mahigpit niyang hawak sa manubela ng kanyang sasakyan. "ilang minuto pa ay nakatanggap ito ng tawag mula sa mga inutusan niyang tao,para pigilan ang fiance niya... subalit hindi nila ito naabutan kaya't ganun na lamang ang pagkainis at galit nito sa kanyang sarili...walang patid ang pagsuntok ni sebastian sa manubela nito. Claire.... why did you leave me ..? mahal kita claire mahal kita...!!! pero bakit...si isabelle ang nakikita ko at hindi ikaw...!!!!claire.... Kaya naman mabilis niya uling pinaharurot ng takbo ang kanyang sasakyan ,kasunod ng pagtungo ulit nito sa Bar kung saan pagmamay-ari niya. ilang bote na nang alak ang kanyang naiinom,ngunit walang kahit na text message or tawag ang kanyang natatanggap galing kay claire,.I'm sorry ...babe....I'm sorry.... paulit-ulit niyang saad habang nagsasalin ulit ito ng white wine..sa kanyang baso. "Napapalibutan naman siya ng mga babaeng nagsasayawan suot ang maiikli damit na halos makita na ang maseselang parte ng katawan. Pabagsak niyang ibinaba ang baso sa mga babae sa harapan niya,kaya naman pagkagulat ang namutawi sa mga ito at mabilis na iniwan siya kasunod ng matatalas na tingin ang iginawad niya sa mga babaeng halos mag-unahang umalis. "Isabelle Clavio" POV Previous....... Napatulala na lamang ako sa aking kinatatayuan ng sabihin niyang sa kanya lamang ako.Pero bakit...? hindi niya ba ganun ka mahal ang fiance niya kaya nasasabi ni sebastian ang ganun salita. "Matapos namin kumain ay nagtungo na ako sa aking silid,pero akmang papasok na ako ng hawakan ni Mr.Lance sebastian ang aking kamay.pero mabilis ko naman itong inilayo at kaagad na nagpaalam sa kanya ng maayos.alam kong nakatitig pa din si sebastian sa akin na halos gumuguhit sa mga mata ko ang masama niyang tingin. Natigil na lamang ako ng magsalita si aling mel sa aming harapan. Oh..aalis na ba kayo..ayaw niyo bang dito na din kayo maghapunan...tugon ni aling mel sa kanilang dalawa,pero isang salita ang namutawi kay sebastian kaya naman laking pasasalamat ko ng magpasya siyang umalis na lamang. I'm sorry aling mel..but i have a lot of work in my company... ah ..ganun ba ..oh sige hindi ko na kayo pipilitin pa.basta't magiingat kayo pauwi ha...lalo kana Lance..balita ko madalas sa Bar ka nagiinom..huwag mo gawing tubig ang alak..anak.. hindi pa nga ako nagkaka-apo sa inyong dalawa...hehehehe...kasunod ng masayang ngiti ni aling mel. "dont worry po malapit na mangyari yun..kasunod ng nakakalokong ngiti naman ang iginawad sa akin ni lance kaya naman mabilis kong iniiwas ang aking mga mata sa kanya..habang napabaling naman ako sa matatalas na tingin sa akin ni sebastian. "Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin...lalo na sa mga titig pa lamang niya sa akin..kaya naman minabuti ko na lang ang pumasok sa aking silid kasabay ng paghiga ko sa malambot kong kama.naramdaman ko na lamang ang pananakit ng aking mga mata at pagbuka ng aking bibig kasabay ng malalim na paghinga at pagbuga nito sa hangin.habang unti-unti na akong nakatulog sa aking pagkakahiga. "Halos gabi na ng magising si isabelle.sa kanyang silid.ngunit marahan siyang napabangon dahil sa hanging nagmumula sa labas ng kanyang balkonahe..kaagad siyang nagtungo at ang .tanging hampas ng malamig na hangin ang kanyang naramdaman at pagtingala niya sa kalangitan na halos mapuno ng napakaraming bituin. "gaano..po ba kahirap ang magmahal,kahit na alam mong may minamahal na siyang iba...bakit may bahagi ng puso ko..na nasasaktan ako..? Nasasaktan ako sa mga ipinakikita niya...hindi ko alam kung hangang kailan ko pa ito kayang tiisin...gusto kong gawin pero natatakot ako....Natatakot ako na baka ang isang katulad ko ay magiging laruan lang sa mapanukso niyang damdamin...umiiyak ako...sa walang kadahilanan...bakit ako nasasaktan...bakit.!!!!..bakit...!!!! ...bakit ayaw mo akong tigilan...bakit nagseselos ako kapag kasama mo siya ...kahit na nilalabanan ko ang sarili kong..lumayo sayo...pero ikaw....Alejandro...ang pumapasok sa isipan ko...isipan na hindi ko mabura-bura..ito ba ang pakiramdam na sinasabi sa akin ni aling mel... "ito ba yun ha....!!!! Malakas na bigkas ni isabelle habang paulit-ulit niyang itinuturo ang kalangitan...at walang humpay na pagpatak ng kanyang mga luha. "bakit sebastian ...bakit mo ako...pinahihirapan...bakit ..pinipilit mo...ako ..sa mga bagay na walang kasiguraduhan... Ngunit walang tigil pa din sa pagiyak si isabelle.habang nakaupo siya sa balkonahe at ang mga kamay nito ay nakatakip sa kanyang mukha. Narinig niya ang pagtunog ng kanyang telepono sa loob ng kanyang silid.kaya't dali-dali niya itong kinuha mula sa ibabaw ng kama. "hi...bessy...pasensya kana...ha...kung ngayon lang uli ako napatawag..sayo..saad ni ellaine sa kabilang telepono pero si isabelle ay nakikinig lang sa sinasabi nito sa kanya. "Hoy...ano hindi ka ba magsasalita...ha isabelle...bakit nanahimik ka dyan...? pagka- inis na saad ni ellain sa kanya..sa telepono nito. i'm sorry...ellain..sumakit lang ang ulo ko...sa dami ng trabaho ginawa ko sa kumpanya.. "ah...sus..isabelle sabihin mo sumakit ang ulo mo sa pagiging workaholic mo.bakit ba ayaw mong bigyan ng atensyon magsaya,hindi yung palagi ka na lamang nasa trabaho. kailangang kong makaipon at kumita ng pera.alam mo naman yun di ba.. "sabihin na natin alam ko yun...isabelle pero dapat ini-enjoy mo din ang life...mo .. "at isa pa kaya ako..napatawag sayo ay para isama kita ngayon,meron kasing party na gaganapin sa isang sikat na bar kung saan mga mayayaman ang nandun...ehhehehe malay mo may makilala ka dun. alam mo naman na wala akong hilig sa mga party ellain ...bakit isasama mo pa ako....wala sa ayos niyang saad sa kanyang kaibigan kahit alam naman niya sa sarili nito na napipilitan lang, ayaw na kasi niyang maulit pa ang mga nangyari sa kanya noon..muntikan na kasi siyang pagsamantalahan ng hindi naman niya kilalang lalaki.sinuwerte lamang siya dahil sa pagkakaligtas sa kanya ni Mr.Alejandro Sebastian. basta....pupuntahan kita sa bahay ni aling mel..ako nang bahala sa susuotin mo ...wag mo akong biguin ha...isabelle..dont worry kasama mo naman ako... "ok bye..see you.... Matapos ang pagtatagpo namin ni elaine ay mabilis kaming nagtungo sa isang sikat na bar..may kalapitan din ito sa aking pinag-trabaho kaya naman natatanaw ko ang mataas na building sa aking kinatatayuan. Maganda ang pagkakaayos ng bar..malaki at talagang Mamamangha ka sa ganda nito...halos nagiikli ang suot ang iyong makikita sa mga babaeng nasa loob ng bar na ito.kahit mga upuan ay mapapalingon ka. Ang pinaka-napansin ko sa lahat ay ang glass wall nito na halos matatanaw mo ang gandan ng kapaligiran..mga nagkikislapang mga ilaw na nagmumula sa ibat-ibang building..hindi ako makapaniwala na nakapasok ako sa ganitong mamahaling bar na halos sa mga commercial ko lamang nakikita. Nagulat ako ng may lumapit sa aking lalaki nakasuot sya ng itim na blazer sa ibabaw at ang pangilalim nito ay ang puting polo na tinernuhan ng itim na pantalon at sapatos.. lalo na ang itim na ribbon sa bandang leeg nito Isang ngiti ang iginawad niya sa akin habang nakapatong sa mga kamay niya ang bilog na tray na may nakalagay na baso sa ibabaw nito nasa pagkakaalam ko isang wined or alak ito. Iniabot niya ito sa akin at mabilis din siyang umalis...tatawagin ko pa sana ang lalaki ngunit nakalayo na ito sa aking kinatatayuan.ayoko naman sumigaw dahil nakakahiya kung gagawin ko yun... hindi ko na napansin pa sila ellaine,matapos niya akong iwanan ...kahit na pinipilit niya akong isama sa isang corner na halos mga babaeng wala ng maitago sa kanilang katawan. Suot ko ang simpleng long dress na halos bumakat naman sa hubok ng aking katawan.habang nakalugay ng mahaba ang aking buhok na may pagkakulot sa laylayan nito at simpleng pagkaayos sa aking mukha. "Ayoko pa sana itong isuot pero nagpumilit si ellaine dahil bagay raw ito sa akin.sa kabilang side na hita ng dress ko ay makikita ang pagkahiwa nitong kulay TAN kaya't ganun na lamang ito nangibabaw sa maputi kong balat. Madilim Sa loob ng bar at tanging nagkikislapang mga ilaw lang ang nakikita ni isabelle .minabuti na lamang niya ang umupo sa isang maliit na upuan at katabi nito ang bilog na lamesa,dahil hindi din naman siya mag-enjoy kumuha na lamang ito ng isa pang wine hangang sa naubos niya.ibat-ibang alak ang kanyang tinitikman ....kahit tequila ay nainom na din ni isabelle. "hay anong lasa nito..? napaka-pait naman eeww...napa-angat na lang ang labi ni isabelle sa pait ng lasa na kanyang natikman. "Hangang sa maramdaman na lamang niya ang kanyang pagkahilo.at kakaibang sensasyon sa kanyang sarili. "bakit ang init ng pakiramdam ko,Na saan na ba si ellain..?..kahit kailan talaga,ini-iwan niya na lamang akong mag-isa . kasunod ng pagsapo niya sa kanyang ulo na halos mahilo na siya sa mga alak na kanyang nainom. Gustuhin man ni isabelle ang tumayo pero pagbaligtad ng kanyang sikmura ang naramdaman niya.dahan-dahan niyang tinatahak ang daan kahit wala siya gaaanong makita dahil sa dilim at tanging liwanag lang na ibat-ibang kulay ang kanyang nakikita.hinawakan niya ng mahigpit ang pintig ng sakit ng tiyan niya..kasunod ng paghawak niya sa kabilang bahagi ng naghaharang na glass wall sa gilid nito. Isang pangyayari ang hindi niya inaasahan dahil sa pagkahilo at sakit ng sikmura niya ay bigla na lamang nito,natabig ang isang baso na kanyang nahawakan.ngunit nagpatak ito at nabasag dahil sa lakas ng tunog sa loob ng bar ay wala man lang nakarinig ng pagkalaglag nito. Mabilis na dinampot ni isabelle ang baso na nagkapira-piraso,subalit nasugatan ang daliri niya at unti-unting tumagas ang dugo nito. "ang malas naman oh....ano nang gagawin ko sa mga basag na 'to..? saad ni isabelle sa kanyang sarili. Ngunit isang hindi niya maaninag na lalaki ang biglang humanggit ng kanyang kamay.at kasunod ng pamilyar na baritonong boses ang kanyang narinig.. next time don’t go to this place ,kung hindi mo naman kayang dalhin ang sarili mo. madiin at halos mag-igting ang panga nito sa pagkakasabi nito kay isabelle. "ahmmm...bakit ...? Sino ka ba ha...? para pag-sabihan mo ako..kilala ba kita,basta-basta mo na lang akong hinihila ...samantalang hindi naman kita kilala..kaya pwede ba!!!!! bitawan mo ako...!!!! nasasaktan ako...!!!!..habang hindi magkaintindihan si isabelle sa pag-alis nito sa pagkakahawak sa kanya ng lalaki..wala siyang ibang nararamdaman kundi ang pagikot ng kanyang paligid,at pag-igting ng hawak nito sa kanya na halos kaladkarin siya palabas ng Bar. "if you don't listen..to me...makikita mo talaga ang hinahanap mo. sa akin .....isabelle... "sandali nga ha...!!!!papaano mo naman nalaman ang pangalan ko ha...!!!! stoker ka ba..!!!!! sumagot ka...!!!! ..sambit ni isabelle kasabay ng mapupungay niyang mga mata dahil sa kalasingan nito.at pagpupumiglas nito sa lalaki. Kaagad naman siyang binuhat nito at mabilis na isinakay sa loob ng itim na kotse at pagharurot ng sasakyan. "hoy saan tayo pupunta..!!!!.saan mo ako dadalhin ibaba mo nga ako...!!!!ano ba..!!!!! walang ginawa kundi ang paghahampasin si sebastian sa loob ng kotse nito. Isabelle..please stop..gusto mo bang mamatay tayo pareho...madiin na saad nito...sa kanya... "mamatay...ahmmmm mas mabuti nga yun nang mawala na ang paghihirap ko..sa lalaking yun.alam mo kung saan dito sa puso ko.. "hirap na hirap na akong intindihin ang paguugali ng antipatikong lalaking yun...alam mo ba..!!!wala siyang ibang ginawa sa akin..kundi halikan ako.. ng paulit -ulit na hindi ko naman alam kung bakit niya yun ginagawa sa akin...!!!!!! Halos patuloy pa din niyang paghampas kay sebastian..sa loob ng sasakyan...at kasunod ng pagtigil nito sa tapat ng malaking bahay. Mabilis naman bumaba si sebastian at pagikot nito sa kabilang gilid ng pinto kasabay ng pagbukas ng pintuan ng kanyang kotse.hinila niya ito palabas at binuhat niya ito na parang sako...kaya naman nagpupumiglas si isabelle at suntok ang iginagawad nito kay sebastian sa likod ng katawan nito. "sh*t....pwede ba huwag kang malikot kung ayaw mong mahulog..sunod na pagtapik nito sa matambok niyang p*w*t. "bw*s*t ka talaga..napaka-bastos mo...!!!!galit na saad ni isabelle... shssss....huwag kang maingay baka magising ang mga maid dito.birong saad ni sebastian kasabay ng pagngiti nito sa kanyang labi. Matapos marating ni sebastian ang kanyang silid ay pabalibag niya itong inihiga sa kanyang kama..kasunod ng pagbuhay ng ilaw kaya naman liwanag ang nanalaytay kay isabelle at pagtakip sa mga mata niyang nasisilaw dahil sa liwanag ng silid.. Nagulat na lamang si isabelle ng mabungaran niya ang lalaking kaharap sa dulo ng paanan ng kama niya habang nakahiga siya sa kama nito. Mr.alejandro sebastian..sambit ni isabelle sa malakas niyang tinig. Bigla na lamang siyang natulala dahil sa unti-unti nitong paghuhubad sa kanyang harapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD