Walang ibang maririnig sa loob ng opisina Ni Cassandra kung hindi ang pagtuktok ng pen na hawak niya dito sa glass table. She should be working right now dahil this weekend nga ay aalis sila ni Daryl papunta sa Isla Cassandra ngunit hindi niya magawang makapag-trabaho dahil tila hindi siya mapakali. Iniikot niya ang swivel chair na kinauupuan upang mapaharap sa Metro Manila skyline. As usual, busy street na naman. Dapat nagpapaka-busy na rin siya but her mind isn't functioning! If it's because of excitement dahil sa napipintong trip nila ni Daryl or dahil exhausted lang siya, hindi niya matukoy. Paano naman siya mapapagod kung wala pa nga siyang nasisimulang trabaho para sa araw na ito. Halos dalawang oras na siyang nakaupo dito pero wala pa siyang natatapos kahit isang trabaho. Sinubuka

