Chapter 44

2002 Words
AFTER their meeting, Cassandra went out from the board room and goes straight to her private office. Pabagsak siyang naupo sa swivel chair at pumikit. "Ma'am?" Dagling napamulat si Cassandra nang marinig ang boses ng kaniyang assistant at kasalukuyang nakasungaw ang ulo mula sa pinto na wari’y nanghihingi ng permiso na pumasok sa loob. Tinanguan ito ni Cassandra at umayos siya ng pagkaka-upo. "Ma'am Cass, you have a lunch meeting with Prime Holders Corporation in Hyatt Hotel." hawak nito ang daily planner. Dyan nakatala ang listahan ng mga meetings, appointments, and activities ni Cassandra kapag nasa AGC siya. "Then at 3PM, finalization of our MRR project. After that, bidding for the land of Guazon's---" Pinutol niya na ang sinasabi ng kaniyang assistant. "Guanzon?" napakunot-noo si Cassandra. Hindi niya maalala ang pangalang nabanggit. Sa dami na rin siguro ng mini-meet niya bawat araw at sa bawat isang kompanya na hawak niya, hindi na halos rumerehistro sa isipan niya ang mga pangalan ng mga ito, lalo na kung irrelevant naman sa kinabibilangang kompaniya nito. Minsan feeling ni Cassandra she’s being abused. Ni pahinga minsan hindi na niya magawa. ‘Yun bang makalanghap man lang siya ng sariwang hangin habang umiinom ng isang masarap na brewed coffee. Ang dinami-dami niyang pera na pwedeng gastusin para makapag bakasyon pero ni hindi niya magawang makapag-relax man lang. Kahit yata magbakasyon siya habang buhay sa iba't ibang bansa makakaya ng pera niya na tustusan pa rin ang mga gastusin at luho. But look at her, still driving herself so hard para kumita pa ng pera. How ironic life is. "The land owner in Lopez Province." pagkarinig ni Cassandra sa impormasyon ukol sa Guanzon, naalala na niya. Bidding mamaya dahil maraming developers ang interesado sa lupang iyon at kailangan na makuha ng AGC para sa pina-plano niyang pagde-develop dito. "Is that would be all?" impatient niyang tanong. Sumasakit ang ulo ni Cassandra dahil ang dami niyang talagang gagawin ngayon. "Yes, Ma'am Cass." bahagyang yumuko ito at lumabas na ng opisina niya. Sumandal na muli si Cassandra at huminga ng malalim. Ang daming papeles na kasalukuyang nakapatong sa mesa niya. Puno na rin ang lagayan niya ng mga in's. At ang out? Bakante at aalog-alog. Sinimulan ni Cassandra ang mga naghihintay ng pirma niya at approval para sa ilang nakabiting projects nang gambalain na naman siya ng katok. "Yes?" tanong niya nang maramdamang bumukas ang pinto, nanatiling nakaungo sa mga papales at hindi nag-abala na mag-taas ng tingin. "A certain Mr. Dela Rosa wants to see you, Ma'am." napatuwid siya ng pagkaka-upo ng marinig ang sinabi nito. "Send him in." Tumayo si Cassandra at inayos ang bahagyang nalukot na damit. "Good morning, Miss Aragon." Tumango siya at naglakad patungo sa kabilang side ng silid kung saan naroon ang receiving area. Gusto niyang mas makapag-usap sila ng maayos ng kaniyang bisita. "Any developments?" wala ng ligoy na tanong ni Cassandra nang kapwa makaupo sila ng magkatapat at may pagitan na maliit na table. "Yes" inilabas ng kaniyang panauhin mula sa folder ang ilang papeles at iniabot sa kaniya. "Your accusations are indeed true." Matamang binasa ni Cassandra ang mga hawak na papel, agad na napakunot-noo siya nang maintindihan ang nilalaman ng mga ito. They own several mansions here in the country, five to be exact. Na ng kwentahin ang halaga ng bawat isa mula lupa, cost ng mismong bahay at laman nito, ay aabot ng humigit kumulang na 50 million ang bawat isa. Bukod pa sa tatlong luxury cars na 10 million ang presyo bawat isa. Ang higit na nakapag-painit ng ulo niya ay ng makita ang kopya ng assets and liabilities ng mga ito, 125 million pesos worth of assets. Where the hell did they get this big amount of money?! "Miss Neliza Valdez got those assets from this company. She manipulated the accounts of the investors, doubled the stated amount of every properties the company acquired. In short, dinoktor niya ang lahat. And the latest information I got, ang isla na sinasabi nito ay ang original price lang ay one hundred million dollars." What? One hundred?! Napakuyom ang kamay ni Cassandra at mas naglapat ang mga labi niya. Gustong-gusto na niyang sugurin ang babaeng iyon at ipaalam na buking na ang anomalyang ginagawa nito sa kompanya. Ngunit nagpigil si Cassandra. She has decided to plan for something big before telling to everybody about her dirty little secret. Sisiguraduhin ni Cassandra, Neliza will get what she truly deserve. "How come pinabayaan lang ni Leandro ang lahat ng ito?" tanong ni Cassandra. "He knew nothing. He trusted Neliza like his own. Hinayaan niya na si Neliza ang mag-review sa mga assets na nais makuha ng AGC. Kapag sinabi ni Neliza na this said property is worth buying for, Mr. Aragon will agree so does the board members. Alam naman ng lahat na kapag pumayag ang iyong ama, karamihan sa mga board members ay sasang-ayunan ang kaniyang desisyon. Ganoong sila katiwala sa iyong Papa." Mas nakaramdam si Cassandra ng galit sa nalaman . She thought sobrang galing ni Leandro pagdating sa negosyo ngunit nagawa pa rin itong lokohin at paikutin ng utak dilis na Neliza na iyon. Pwes, everything will come to an end. And now that she’s here, this will be Neliza's ending. Tutuldukan niya ang lahat ng kalokohang pinaggaga-gawa ni Neliza. Sisiguraduhin niyang jail will be her new home instead of those extravagant mansions. At wala itong makukuha ni isang kusing mula sa mga dinispalkong pera mula sa kompanya nila. She came in her family poor, aalis itong walang-wala rin. Ang kapal rin talaga ng mukha ng Neliza na ito, matapos kupkupin ni Leandro at ituring na sariling anal na higit pa sa pag-turing na kaniyang naranasan ay ito pa ang igaganti nito? Napaka walang kwenta. Maari rin na may alam sa kawalangyaang ginagawa nito ang sariling ina na si Elizabeth. Saan pa nga ba matututo at magmamana ang anak nito, malamang ay sa equally basurang ina nito. Hintayin ng dalawang nito ang magiging ganti niya. Come hell or high water, hinding-hindi na maipag-papatuloy ng mag-ina ang masamang gawain sa AGC. Ngayon ay pa-planuhin ni Cassandra kung paano niya isisiwalat sa lahat ang kawalangyaan ni Neliza. Kailangan ay mas marami pa siyang makalap na impormasyon hinggil dito upang wala na talagang kawala si Neliza. Matapos ang pag-uusap nila ng private detective na kinuha niya ay nag-resume na si Cassandra sa mga kailangan niya pang tapusin. At pagdating ng seven PM, nagpahatid na siya sa isang hotel para sa bidding ng property ng mga Guanzon. She came alone and on time. On time because the event has just started. Pinili ni Cassandrang maupo sa bandang dulo kung saan nakapalibot sa gitna ang isang projector at ipinapakita ang lupang maraming investors and buyers ang interesado. The property is ideal for her next project in mind, kaya naman sisiguraduhin niyang she will bag the property. Makaraan ang mahigit dalawang oras, lumabas na si Cassandra sa venue ng may malawak na ngiti. Nagtagumpay siya sa isinadya sa lugar na ito. That was pretty easy. What did she do? She just simply used her s*x appeal. "Miss Aragon!" Humahabol na wika ng isang lalaki. "Yes?" She slightly raise an eyebrow when she saw it's Mr. Guanzon. "Do you have anything to do tonight?" Lihim na napalatak si Cassandra. "Why, Mr. Guanzon?" "Oh, " natawa ito. "Drop the formalities, Cassandra. Just call me Tom." he gave her his most flirtatious smile. "Okay, Tom. Yeah, I have some things to do. So bye!" "Wait." hinawakan nito ang braso ni Cassandra upang mapigilan siya mula sa paglayo. "A cup of coffee wouldn't hurt, right? Besides, I have a business proposal for you." Ilang sandaling nag-isip si Cassandra at napag-pasyahan na pagbigyan ito. It's still business after all. Hindi naman siya nagmamadaling umuwi dahil kanina nang tumawag si Daryl sa kaniya ay sinabi nito na may dinner meeting ito at alam ni Daryl na may bidding pa siyang papuntahan. "So, what is it?” Beating around the bush is not her thing. I always get straight to the point. But this man took his time in sipping his coffee before he could finally answer her question. "You're also managing MV Advertising right?" She nods her head and lean back on her seat. "So?" "As you all know, my family is into clothing line. How good does it sound if we get your company to be our official advertiser?" Tuluyan na nitong nakuha ang atensyon ni Cassandra. 'Suits You' are famous not just her in the Philippines but all over Asia. Kung makukuha nila ang account na ito, paniguradong mas iingay ang kompanya nila sa corporate world and maybe, just maybe, it could potentially attract more clients to get MVAA for the campaigns. "Hmm... What happened to Z?" Zamora Advertising Company, the number one competitor of MVAA and Guanzon’s official advertiser. He holds his chin as if nag-iisip ito, but she know better. Hindi ito nag-iisip, bagkus ay ibinibitin lang talaga ang nais isagot. "Sabihin na lang natin na ayoko ng service nila." Tumaas ang kilay ni Cassandra. "Besides, tapos na ang five-year contract namin sa Zamora Advertising. Currently, I am really looking for another company. I heard a lot of positive feedbacks about MVAA." Kumindat pa sa direksyon ni Cassandra si Mr. Guanzon. Hindi niya pinansin ang paglalandi niya sa kaniya. For heaven’s sake, she’s a married woman now! Kaya pasensya na lang kay Mr. Guanzon ngunit hindi na siya interesado sa ganitong mga bagay. Tumango-tango na lang si Cassandra at sinulyapan ang relong suot. "Okay, Mr. Guanzon. I'll prepare the necessary documents then I'll tell my secretary to have an appointment with you." She’s aware it sounds conceited. Patas lang, conceited rin naman ang lalaking ito. Kilala ni Cassandra ang likaw ng bituka ng karamihan sa nasa itaas ng corporate world, kahit hindi naman ito mga nakakasama. Research help her to somehow get-to-know these people. But most of time, she know one when she see one. Ilang taon na rin naman siya sa industriyang ito, kahit papaano alam na niya ang kalakaran at mga nakakasalamuha. "It's getting late. Gotta go." tumayo na si Cassandra at akmang iiwan na ang kaharap. "Hey! not so fast, lady." pagpigil ni Mr. Guanzon sa braso ni Cassandra ng aktong dadamputin na niya ang kaniyang bag na nasa katabing upuan. Tinignan niya lang ito ng may pagtatanong ang mga mata. "Hatid na kita hanggang sa kotse mo." tumango na lang si Cassandra upang wala ng mahaba pang usapan. Tahimik lang siyang nagsimulang maglakad at hindi niya iniintindi ang mga sinasabi ng kaagapay niyang maglakad. Sa isang kadahilanan lang na wala siyang makapang pagka-interes dito. All she want is to get in to her car and drive home fast. Pagod na pagod siya mula sa maghapong ito. At sa sobrang absorbed ni Cassandra sa mga iniisip, idagdag pa na hindi niya alam kung nasaan si Daryl dahil hindi na ito ulit tumawag, hindi napansin ni Cassandra na elevated pala ang nilalakaran dito sa may back door ng hotel palabas ng parking lot. Nagulat na lang si Cassandra nang maramdamang natapilok siya at handa na sanang mapadapa sa daan nang may sumalo sa may baywang niya upang mapigilan ang tuluyang pagbagsak sa malamig na kalsada. Paglingon niya sa sumagip, sobrang lapit na nila sa isa't isa ni Tom. halos isang dangkal na lang ang layo ng mga mukha nilang dalawa. Langhap na rin ni Cassandra ang hihinga nito na parang bagong mumog ng mint-flavored mouthwash. Napalunok siya. Sinasabi ng isip ni Cassandra na mali ang nangyayari ngunit tila naestatwa siya sa kasalukuyang posisyon. Lalo nang hindi nakahuma si Cassandra nang unti-unting bumaba ang labi ni Mr. Guanzon sa kaniya. Hindi naman siya ignorante para hindi malaman na hahalikan siya nito. At nang konti-konti na lang ay maglalapat na ang labi ang kanilang mga labi, napansin ni Cassandra ang lalaking nakatayo sa bandang likuran ni Mr. Guanzon. Si Daryl, ang asawa niya. At kitang-kita ni Cassandra sa mga mata nito ang hindi maikakailang galit sa nasaksihan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD