Serene's PoV "Gusto mo bang dalhin kita ng saglit sa mundo namin?" tanong sa akin ni Damon at napatingin naman ako sa kanya. Ang tanong pwede ba ako doon? "Pwede ba ako doon? Hindi ba puro demonyo lang ang nandoon?" tanong ko sa kanya at tumango naman siya. Puro pala demonyo doon tsaka bakit niya pa ako dadalhin doon? "Gusto ko lang makita mo kung saan ako galing." sabi niya sa akin pero teka ipapakilala ba niya ako sa mga magulang niya?! Hala hindi ako handa kung ipapakilala niya na ako. "Nabasa ko iniisip mo. Wala na akong mga magulang nag iisa nalang ako sa buhay ko." sabi niya sa akin at bigla naman gumaan ang loob ko at nakahinga ako ng maayos. "Akala ko may mga magulang ka pa. Paano tayo makakapunta pala doon anong ipapaalam ko kay mama?" tanong ko sa kanya. "Ako ng b

