Damon's PoV Nabasa ko 'yong nasa isipan ni Serene kanina. Ngayon nakauwi na kami at nandito ako sa kwarto niya at natutulog na siya. Napatitig ako sa kanya at unti unti kong inangat ang kamay ko. "Do you really meant it?" bulong ko at hinawakan ko ang pisngi niya at agad din naman akong napabitaw dahil gumalaw siya at napangiti naman ako. Sarap ng tulog niya. Kinabukasan ginising ko siya ng maaga dahil may pasok na siya. Nag hintay lamang ako sa labas dahil alam kong kakain pa siya ng breakfast niya at maya maya lumabas na siya. "Tara na! kumain ka na ba ng breakfast?" tanong niya sa akin. "Mamaya kakain po ako." sabi ko sa kanya. "Bakit bigla ka 'yatang gumalang ngayon?" sabi niya sa akin at hinawakan ko naman ang kamay niya at bigla siyang napabitaw at umatras ng kaunti.

