Serene's PoV "Saan kaya nag punta 'yong lalaking iyon?" tanong ko sa sarili ko habang kumakain ako dito ng cookies na binili sa 7/11. "Kapag umuwi talaga siya bubungangaan ko siya." bulong ko ulit sa sarili ko at susubo na sana ako ng biglang may kumalabog malapit sa bintana kaya napatingin ako doon. Nakita ko si Damon na kakatayo lang at napatingin siya sa akin at ako naman nakatulala at hindi ko pa din nasusubo 'yong cookies na hawak hawak ko. "Ano 'yang kinakain mo? Masarap ba 'yan?" tanong niya sa akin at agad naman siyang lumapit sa akin at kumuha siya ng sa kanya at kinain niya kaagad 'yon. "Masarap nga." sabi nito. "Saan ka galing?" tanong ko sa kanya at nag poker face naman ako sa kanya habang siya tuwang tuwa pang kumakain ng cookies. "Diyan lang." maikling sagot ni

