Kabanata 9

1116 Words
Damon's PoV Nakasunod pa din ako kay Serene. Nandito kami ngayon sa isang market dahil may bibilhin daw siya dito. Sumusunod lamang ako sa kanya hindi ko na ulit gagawin 'yong pag hiwalay ko sa kanya noon. "Ikaw mag bitbit nito." binigay sa akin ni Serene ang basket at sumunod naman ako sa kanya at hindi ko alam kung anong mga kinukuha niya. "Bibili ka din ba ng pagkain ko Serene?" tanong ko sa kanya. Binibilhan na din niya ako ng pagkain dahil ayaw niyang kumakain ako ng mga daga. Nasabi ko na din kasi sa kanya 'yon na iyon 'yong kinakain ko. "Oo marami ba bibilhin ko para sayo?" tanong niya sa akin at huminto siya sa harapan ng mga meat na tumigas at kumuha naman kaagad ako doon ng marami. "Oo gusto ko ng marami! Para busog ako!" sabi ko sa kanya at inilagay ko 'yon sa basket at narinig ko ang pag tawa niya kaya nahiya tuloy ako. Sumunod lamang ako sa kanya at dumiretso na kami sa counter at binayaran na niya 'yon lahat pero bigla akong napatingin sa presyo sa lahat kaya naman inilabas ko ang wallet ko. "Ako na mag babayad nito lahat." sabi ko sa kanya at nagulat naman siya sabay binigay ko sa babae ang credit card ko at ni swipe niya 'yon. "Salamat Damon, paano ko mabibigay kay mama 'yong pera na ibinigay niya sa akin?"tanong niya sa akin. "Kain tayo sa labas para magamit." sabi ko sa kanya at tumango na lamang siya at pag tapos kinuha ko na ang plastic na tatlo at lumabas na kami doon. "Mamasyal muna tayo sa mall." sabi niya sa akin at bumalik kami sa mall na pinuntahan namin at kaunting lakad lang ang ginawa namin at nakarating na kami doon. "Besh! Anong ginagawa niyo dito!"narinig ko ang boses ni Cherry ang kaibigan ni Serene. "Cherry! Mamasyal lang sana ikaw anong ginagawa mo dito?" tanong ni Serene kay Cherry. Nakikinig lamang ako sa kanilang dalawa para tuloy akong asungot. "Actually kasama ko si Venom. Nandito siya kaso may binili lang siya, o' siya baka nakakaistorbo ako." sabi ni Cherry at aalis na sana ito ng pigilan ito ni Serene. "Sumama ka na din sa amin namamasyal lang din kami ni Damon." sabi ni Serene at nakita kong ngumiti ito. "Talaga?! Wait lang tatawagin ko lang si Venom bumili kasi 'yon ng milk niya!" sabi ni Cherry at naiwan kaming dalawa ni Serene ulit. "Okay lang ba na kasama natin si Venom?" tanong ko sa kanya. "Oo okay lang as long na hindi ka niya ulit sasaktan okay lang sa akin." sabi niya sa akin at ngumiti siya sa akin. Maya maya nandiyan na ang dalawa at napatingin sa akin si Venom pero hindi na masama ang tingin nito. "Hi Venom." sabi ni Serene. "Hello." ngumiti si Venom parang pilit lang ang ngiti niya. Nararamdaman ko din na natatakot siya sa akin. Well wala naman siyang dapat ikatakot kung hindi niya sasaktan ulit si Serene. "Tara na." sabi ni Serene at nag lakad na kaming apat at nakasunod lamang ako sa likuran ni Serene at hindi ako umaalis doon. "Damon saan mo gusto pumunta?" tanong sa akin ni Serene. "Kahit saan naman." sabi ko sa kanya at nakasunod lamang ako sa kanya at nagulat naman ako ng biglang may umakbay sa akin at si Venom lang pala 'yon. "Bro may iba ka bang kaibigan? Para naman marami tayong lalaki." sabi sa akin ni Venom. "Wala na akong ibang kaibigan kundi si Serene lang." sabi ko sa kanya at napatango naman ito at pinatikim niya sa akin 'yong hawak niyang iniinom niya at nang matikman ko 'yon. Nakaramdam ako ng pag suka, teka may halong gatas 'yon?! Naramdaman ko ang pag sakit ng tiyan ko at sumasakit din ang ulo ko. Hindi pwede sa amin ang mga gatas. "Damon?" "Serene sumasakit 'yong tiyan ko." napaluhod ako at hindi ko makontrol ang kapangyarihan ko at biglang nag bago ang kulay ng balat ko. Ganito ako kapag nakakakain ako ng hindi pwede sa amin. Nagiging kulay itim ang mga balat namin tapos magiging pula ang mga mata namin. "Venom anong ginawa mo sa kanya?!" "Wala akong ginawa pinatikim ko lang sa kanya 'yong milktea ko." sabi ni Venom at napahiga naman ako dahil hindi ko maramdaman ang buong katawan ko. "Huminga ka ng malalim Damon tatawag lang ako ng tulong—" hinawakan ko ang kamay ni Serene at umiling iling ako. "Ako nalang ang aalis. Mauna na kayo susunod nalang ako." sabi ko sa kanya at napatingin ako sa dalawa niyang kaibigan. Hindi nila pwedeng malaman ang totoong anyo ko. "Saan ba dito may cr?" tanong ko at tinuro naman ni Venom kung saan at pinilit kong makatayo at pumunta ako doon. Pumasok ako sa loob at nakita kong mabilis na nag bago ng kulay ang balat ko pataas. "Hindi ko nasabi kay Serene na may bawal sa akin na pakainin at dapat sinabi ko kung ano dapat gagawin niya." bulong ko sa sarili ko. Pinag alala ko tuloy siya lalo, tinignan ko ang kamay ko na kulay itim na ang balat. Bumuo ako ng tubig sa kamay ko at ininom ko 'yon. Madami akong ininom at lahat 'yon inilabas ko at maya maya nawala na ang itim na kulay na balat. Lumabas na ako at nakita ko si Serene na nag aantay at hirap na hirap siyang bitbitin ang mga pinamili namin kaya naman agad akong lumapit sakanya at kinuha ko sakanya 'yon. "Nasaan na 'yong dalawa?" tanong ko sa kanya. "Nasa pizza hut sundan natin kakain na daw sila eh." sabi niya sa akin kaya naman sumunod ako sa kanya at kinuha ko ang mga bitbit niya. "Sorry kung pinag alala kita" "Dapat sinasabi mo sa akin kung ano 'yong bawal sayo. Alam mo naman na ako lang ang nakakaalam na ganito ka Damon hindi ba?" sabi ni Serene at hindi naman kami nakaimik at napahinto siya kaya napahinto din ako. "Ano?" "Oo sasabihin ko na sayo lahat." sabi ko sa kanya at agad naman siya pumasok sa kaninan at sumunod naman ako doon sa kanya at nandoon ang dalawa nakaupo na. Umupo naman ako sa may tabi ni Serene at may kinuha siyang parang libro at tumingin siya doon at parang namimili siya. "Lasagna saakin ikaw Damon ano sayo?" tanong niya sa akin. Masarap ba 'yong kakainin niya? "Kagaya sayo pwede ba 'yon?" tanong ko sa kanya at tumango naman siya at nag tawag na siya ng kung sino na lalaki teka ito ba 'yong tinuro niya saakin na tawag ay waiter? "Dalawang lasagna kayo Venom at Cherry nag order na kayo?" "Oo hinihintay nalang namin!" narinig kong sabi ni Cherry. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD