“SO BABE, close deal na ba iyong lupang nais bilhin ng Clover Primeholdings sa Norzagaray?” Prenteng nakaupo si Charina sa single sofa sa ikalawang sala ng kanilang mansion. Her long and flawless legs were crossed, and her arms were leaning on the sofa arm. “Nakausap ko na ‘yung surveyor nila, and they seemed interested dahil wala pang isang buwan ay positive agad iyong sagot nila—” Inabot ni Lester ang isang beer mug sa mesa at nagsalin ng malamig na beer mula sa bote. “—pero nagdadalawang-isip ako. That property is one of my mom’s favourite. Pinagpaplanuhan niya iyong pagtayuan ng amusement park dati dahil iyon ang isa sa pangarap ni Mia noong bata pa siya. She said that property was for keeps.” “Pangarap ni Mia na pagtayuan ng amusement park?” Salubong na kilay na sabi ni Charina. “An

