Chapter three
Pahiga na ako ng marinig ko ang doorbell but wait,Kumatok pa ito ng malakas,tinignan ko naman sa monitor ng cctv at nakita ko si matt with albert
"Ano ba natatae ka ba?!! inis na bungad ko pagkabukas ng pinto .
"Sorry Ses!mahigpit na yakap ang sinalubong sa akin ni matt.
"How are you?"dagdag pa nito, na tinignan ako mula ulo hanggang paa
"I'm good matt sagot ko dito pero Yung pinto siguro Hindi,"Hi Albert, baling ko sa likod niya ."Hindi mo kami pa papasukin bakla?masungit na sabi nito."Tara sa loob,walang buhay Kong sabi.
Tumungo kami sa sala at nagkwentuhan,Ang bakla tinawagan pala siya ni kuya galit na galit daw ito dahil nawawala ako, kaya no choice siya kung di sabihin ang lahat nang nalalaman niya, at forda alala ang ferson kaya umuwi agad siya ng pilipinas.
Inikutan ko ng mata si matt at natawa naman si albert.
By the way Matt and Albert had relationship si Albert ay isang hairstylist at sa edad na bente singko ay masasabing matagumpay na ito sa larangan niya.
Nang makaramdam kami ng gutom sa pag ma marites ay napag isipan namin lumabas at humanap ng makakain .At eto na nga, Nakatayo kami Ngayon sa harap ng Isang gusali. "Cool heaven" Basa ko sa pangalan ng isang high end restobar tanging mga mayayaman at celebrities ang pwedeng pumasok,at aabot ng Ilang buwan Bago ka makapag pa book.
Dumeretso kami sa isang Vip room malapit sa dance floor at doon umupo." Huy buti pinapasok tayo??tanong ni matt kay albert,"Syempre I'm a vip card holder no need to book ,"mayabang na sagot ni Albert. "So lagi ka dito?"walang buhay na sabi ni matt.
"Syempre hindi,dahil si Orion ang owner nito,malambing niyang sabi habang hawak ang kamay ni matt.
"Ano to?Sabi nyo kakain bakit para akong na nunood nga telenovela?sabat ko sa dalawa.
Pasintabi po sa single, natatawang sabi ni matt.
"tss!!Gusto ko ng rice,lechon kawali na may suka at sili sabi ko nalang.
"Okey sige cy,perks of being vip may pinindot lang siya sa tablet sa harap namin at pagkalipas ng Ilang minuto dumating na ang order namin,
Napapalakpak kami ni matt ng makita ang pagkain pataray ko siyang tinignan ng masama kasi nakatingin siya sa ulam ko.
At Hindi nga nagtagal ay parang nagmukbang nga kaming tatlo may crispy pata at lumpiangprito pa.
Nang matapos na ako ay nagpaalam na mag comport room lang , pinag ingat naman ako ni Albert dahil baka daw maraming lasing, nag offer pa ito na samahan ako ngunit tumanggi ako,naka rubber shoes naman ako .jacket na may hood at jeans kaya wala naman magkakainteres sa akin lalo na sa lugar na ito.Palabas na sana ako ng banyo ng may humila sa akin at ipinasok ako sa isang cubicle,Ano ba,bitiwan mo ako,pagpupumiglas ko,Binitawan Niya Naman ako ng mailock Niya ang pinto,Lalo akong kinabahan ng maamoy ko ang pamilyar na pabango,tiningala ko siya at ganoon na lamang ang gulat ko ng makita ko ang pamilyar na mukha ng lalaki.
"Got you"sabi niya na naka ngisi pa.
"Anong- hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng yakapin Niya ko ng mahigpit at sabihing,"Hindi mo ako matatakasan"! may diin sa mga salita niya ngunit nakangiti pa din ito.
Hindi ako makagalaw at parang mabibingi sa t***k ng puso ko,Ano ba to ??
Nang bitawan niya ako ay tinigan ako ng asul niyang mga mata na para bang nangungusap...
"Did you missed me lucy?? malumanay niyang tanong..
Itinulak ko siya at sinabing " Bakit kita mamimiss ?? walang buhay kong sagot.
Napalunok siya at tinignan lamang ako, kinuha ko naman ang pagkakataong iyon para makalabas na at tumakbo patungo kung nasaan si Albert at Matt.
"Okey ka lang,bakit parang namumutla ka?nag alalang tanong ni matt,"Yeah, nasobrahan ata ako ng kain pagdadahilan ko,Pwede na ba tayong umuwi?natatawang tanong ko.
"Oo naman,tara na alalang sabi naman ni Albert,"Napakatakaw mo kasi! sabat naman ni matt.Gusto mo daan tayo ng clinic?dagdag pa nito
Nahh,gusto ko matulog natatawang sagot ko ulit.Pag ka hatid sa akin ng dalawa ay nagpaalam na mga ito.
2hourslater...
"I can't sleep!! naiinis kong sabi.Naiisip ko Yung mukha Niya kanina ng sinabi kong Hindi ko Siya namiss.Nasaktan ba Siya ?? wah !!baliw na ata ako.
flashback...
"Good morning sesh! bati ko kay Matt.
"Good morning,sino yung kausap mo kagabi ??tanong niya sa akin
"Ah Sky daw pangalan niya ,Iniligtas niya ko kagabi sa mga gustong mambastos sa akin.sabi ko habang ngumunguya ng tinapay
"What ?Ses ibo-book na kita ng flight today,Uwi kana sorry ,gusto ko sana mamayang gabi na sunod-sunod na Sabi ni matt
"What l? hell no!Ayoko pa matt dito muna ko , mabilis kong sabi .
"May fashion show ang LuciMarie ,sama ka ??within this week at kailangan Kong lumipad pa Paris mamayang hapon , malungkot nitong Sabi.
" No, I stay here .I can manage matt Hindi nako bata don't worry about me Sabi ko sakanya, please dagdag ko pa ..
Pero kagabi Sabi mo - Hindi ko na siya pinatapos at Tumayo ako at umikot pa "Look at me okey lang ako".
Bumuntong hinga ang bakla bilang pagsuko.
Papasamahan kita kay nanay Linda at Kay Patrick na care taker sa Bahay na ito , Wag ka nang lumabas pag gabi kung gusto mo mag walwal kompleto ang liquor sa bar counter, if Meron ka Naman gustong kainin at puntahan magpatulong ka kina nanay Linda okey ?? papatayin ako ng pamilya mo pag may nangyari sayo.
And lastly don't talk with the strangers kahit Bata alam yon !
"Seriously?Dito munako?? Tumango naman siya kaya nagulat ako na serious nga ang bakla.
Copy all that boss ! mabilis kong Sabi .
Tumayo Siya at niyakap ako, Mag iingat ka bessy ha sabi nito.
Kinahaponan ay sumama ako Kay nay Linda sa Bahay nila sa bayan kukuha kasi Siya ng gamit para mag stay Kasama ko sa beach house ng Ilang araw. Nang mapadaan ako sa palengki ay bumaba ako ng sasakyan at dadaanan nalang ako Nina nanay pagbalik nila , ayaw nga nila kaso mapilit talaga ako.
Agad akong nakihalo sa Maraming tao sa palengke , tinungo ko ang nag bebenta ng fishball .
"Manong fishball po kwekkwek at kikiam, balot ho mga ito at ito Naman po ay ibabaso ko.
"Okay po ma'am sagot Naman ng manong na nagbebenta ng fishball.
Paalis na ko ng may mamang bumangga sa akin, "Ouch !! Sabi ko natapon pa pati Yung fishball na nakabasong hawak ko .
"Nak ng teteng Naman bulag ka ba ? Sabi ng mamang may ka edarang natapunan ko ng sauce dahil sa pag bangga Niya sa akin.
" Sorry ho kasi kayo po binangga nyo po ako kaya natapunan ko kayo ng sauce ,mahinahon Kong Sabi
" Aba't walang modo!! so sinasabi mong ako ang may kasalanan dito ?? Tanong niya.
"Hindi naman po sa ganun ,. Sabi ko pa dumami na din ang mga taong nagkiki-usyoso .
Pasensya napo talaga . Akmang aalis na ako ng may Isang babaeng humila sa braso ko , Aba't ganoon nalang iyon ?? galing ka siguro sa mayamang pamilya at ganyan ka nalang Maka asta Sabi nito .
Sa tantiya ko ay nasa mid forties ito at may katabaan pero Yung Tatay ay nasa senior age na siguro.
"Ano po bang gusto ninyong Mangyari ?? Tanong ko " I video nyo I pa viral natin sabi pa ng Isang usyoso. "
Bigla akong kinabahan , Hindi pwede yon, dahil malaking problema pag Nakita Nina daddy at mommy. kaya tinakpan ko ang mukha ko habang naglalakad na Sana pero hinaharangan Naman ng tao kaya di ako makaalis .
Dumukot ako ng tatlong lilibuhin sa wallet ko at ini aabot na Sana sa matanda ng may biglang pumigil sa kamay ko, sinuotan Niya ko ng sumbrebro at pinatalikod .
"Sky' ??
binalingan Niya ko at kinindatan lamang at humarap sa mga tao.
"Ganito ba ang inyong sinasalibong sa mga dayuhang pumapasyal sa probinsya natin ?? Ganito ba dapat ?? Ano po ba ang problema dito ? Tanong niya
"Binastos Niya ang itay gayong Siya Naman ang bumangga sa matanda.
Sabi ng babae
" Ganoon ho ba ? ipapa kuha ko ho ang kuha ng CCTV na nasa gawing kanan niyo para ibedensya sa inaakusa ninyo sa magandang dilag. Sabi pa nito.
"Biglang namutla ang mag ama sa sinabi ni Sky, Hindi na ho aalis nalang kami malalabhan Naman po ang damit ng itay , biglang cool down na sabi ng babae.
Paalis na sila ng ihabol ko ang hawak Kong Pera Kasama ng pinamili ko sa palengke , pasensya na po ulit kayo sa inyo na po ito makakatulong po ito sa inyo, Sabi ko at tumalikod na habang Hila Hila ko ang kamay ni Sky.
Nang makalayo na kami ay doon ko lang napansin na magkahawak parin ang kamay namin ,"Ay sorry pagbitaw ko ng kamay niya, Salamat ulit Iniligtas mo nanaman ako..
Hmm,Okay lang ipinanganak ata ako para protektahan ka, Sabi niya .
Ha ? natawa ako sakanya .. "bumabanat ka ba ", tumatawa na Sabi ko.
Korni no ? Sabi pa Niya na nakangiti din.
Medyo Sabi ko Naman ng natanaw ko na si nanay Linda ay binilisan ko ng konti ang lakad ko , sheet ang tagal ko na atang nawala.
"Nay ?? tawag ko Kay nay Linda
" Susmaryosep kang Bata ka San ka ba nag punta naiiyak na sabi ni nanay Akala namin ni Patrick ay na kidnap kana Iyak ni nanay papatayin kami Nina madam.
Hindi nako nag aksaya pa ng Oras at tinawagan na si Tita misty na mommy ni matt , "Yes Auntie I'm so sorry po. pag talikod ko ay bumaba Naman ng sasakyan si tito Raul .
"Opo auntie nandito napo si tito.. Sorry po talaga. bye po auntie.
Namumula ang mukha Kong humarap Kay tito Raul.
" Tito wag niyo napong pagagalitan sina nay Linda ako pong may kasalanan . I'm sorry po .
"Iha Isipin mo paano kung may mangyaring masama saiyo ? Hindi na natin maibabalik.
"Opo tito I'm really sorry po talaga.
Ayaw mo ba talagang sa Bahay na mag stay ? Tanong ni tito.
Bago po ako umuwi ng syudad ay gagawi ho ako sainyo , Salamat po tito sa lahat , Mag iingat ka iha nag paalam na si tito.
Lumapit ako Kay nanay Linda at niyakap Siya . Patawad po nay kasalanan ko po.
Bumaling si Nanay Kay Sky .. " Maraming Salamat Sayo iho.
Walang ano man po nay magalang na sagot ni Sky
"Tara sa bahay kana mag dinner"?
Tanong ko sakanya .
Talaga ba ?? Tanong niya Ayaw mo ?? sagot ko .
Gusto syempre natawa Naman si Patrick sa Amin , Tara nat magluluto pa ako sabi ni nanay.
Simula noon ay sinasamahan na ako ni sky sa lahat ng tourist spot sa kanilang probinsya, katulad Ngayon ay nasa Isang talon kami sa may bundok .
" You know what ?? kung bakit nandito ako ?? tumingin ako kay sky habang sinasabi ito .
"Vacation? or Hinahanap mo talaga ako ?? sagot niya habang naka ngiti.
Napahagikgik ako at sabay hampas sa braso niya.
"Grabe ka ! I smiled ,Tama ka vacation at pag move move on. Nagmahal ako ng hindi worth it na tao , Pagkasabi ko doon ay agad na tumulo ang luha ko,Para kasing bumabalik lahat ng nangyari lang a week ago.
Minahal ko siya ng sobra pero sinaktan Niya lang ako ,niloko Niya ko sky .. Engaged na Siya at ikakasal na sa iba, I sob and cried ..
"Sssshhh , baby ..
Pinaharap niya ko sakanya at sinapo ng dalawa niyang kamay ang mga pisngi ko, Nagulat ako ng Bigla Niya akong halikan,Dahil sa pagkabigla ay hindi agad ako nakagalaw pero ng malunod nako sa mga halik niya ay di ko na napigilang tugonin ang mainit niyang halik, parehas kaming kapos sa hangin ng maghiwalay ang aming mga labi."Lucy?I think i-- you, Ha ? tanong ko kasi biglang kumulog.
end of flashback