Chapter eleven

1856 Words
Chapter Eleven 🌼 -- "You what ??" Tanong ko ulit "I said - tinitigan ako nito sa mata at parang may pwersang humihila sa akin sa mga tingin nito,palapit ng palapit ang mukha nito at Ilang pulgada nalang ay makakadikit na ang aming mga labi.. "Boss!!!! boses ni Harold ang nagpabalik ng aking wisyo kaya bigla akong nagpatalikod kay sky. "What?! sigaw nito kay Harold" "Ah,Eh kasi boss .. na uutal nitong sabi. Natatawa tuloy ako sa itsura ni Harold na parang na tatae na ."Siguraduhin mong importante yan! madiin pang sabi ni sky. "Eh boss may urgent meeting po kasi ang mga share holders" Sabi nito. Nawala ang emosyon sa mukha ni sky,at binalingan ako. "Pasok kana bukas ha,Susunduin kita.Sabi nito at hinalikan ako sa sintido na ikinabigla ko. Pagkaalis ng sasakyan nila ay pumasok na ako sa apartment. Lumakad ako hanggang sofa,at di ko mapigilang mapatili sa kilig. "I like you"... pagbabalik tanaw ko sa sinabi ni sky at hinawakan ko ang sentido ko. Ahh!! impit na tili ko, "Ano ba itong nadarama oh sheet ito ba'y pag ibig na ,napakanta pa ako . "Erase Erase!! ano kaba self kalma !! baka mali na naman ang pagkakaintindi mo. kastigo ng utak ko . Nababaliw na ba ako ??? sabi ku pa. Kinabukasan.. Isang magarang sasakyan ang tumigil sa harap ng apartment ko, It was sky, kaya lumapit na ako. bumaba pa ito para pag buksan ako ng pinto.. Pagka -upo ko sa kotse ay pumasok na din ito at inayos pa ang seatbelt ko. "Good morning Sabi nito at may inabot sa back seat ng sasakyan, "Flowers for my beautiful passenger" malambing nitong sabi. Nag-init ang pisngi ko sa ginagawa ng lalaking ito.Napakasweet nakakainesss kilig na litanya ng utak ko . "Good morning sir, balik kong sabi bakit may pa flowers maang na tanong ko". "Guess sabi pa nito.." habang nakangiti. "Ano nga ,pasungit kong sagot". Tumawa ito at sinabing "Alam mo bang napaka cute mo pag nagsusungit ka !" "shesh'! Ene be !! mahina kong sabi at inipit pa sa tenga ko ang nakalugay kong buhok, nakalimutan ko na tuloy iyong masasakit na salitang sinabi niya sakin. "Haa ?? natatawa nitong sabi. "Wala ! pagsusungit ko kunwari ,pero ang totoo ma iihi nako sa kilig ,charotss natatawa ako sa Iniisip ko promise . Bago pa kami makarating sa office ay nag drive thru pa kami , omorder siya ng burger at fries na may kasamang coffee . Nang makarating kami ay dumeretso ito sa parking lot,sumakay kami sa private elevator habang bitbit ko ang 24 pcs white roses na bigay nito,Siya naman ay ang take out food namin. Nang makarating kami sa opisina ay niyaya ako nito sa couch na may maliit na center table . Hinawakan nito ang kamay ko at sinabing "Lucy I'm sorry" "Ha? para saan ? Tanong ko. "Para sa lahat? para dun sa last time na inaway kita, aniya . I make you cry,tapos wala man ako ng inaway ka ng Ilang empleyado. "I fired them all,wala na sila kaya wag ka nang mag alala Hindi na mauulit iyon" pagsisigurado nito. "Okey, sabi ko. Kaya ba binigyan mo ako ng bulaklak ?? tanong ko. Ngumiti ito sa akin at sinabing "Nililigawan kita ang manhid mo". Nagulantang ang lahat ng nerves ko sa katawan,Hindi ako makasagot nakatingin lang ako sakanya habang naka awang ang bibig. "Hey,don't tell me Hindi ka pa naka move on sa pangit na Jaime na iyon,Sabi nito habang naka pout . He's cute para siyang Batang nang aasar ng kalaro,Di ko akalaing ang ruthless business man na si Mister Falcon ay may ganitong side. "Hindi na noh,Sabi ko sakanya. "Edi sagutin mo na ko ?? Sabi nito habang hinawakan ang kamay ko at idinampi sa mga labi nito. "Hoy! Hindi pa kita sinasagot may pahalik-halik ka na ,bawi ko sa kamay ko. "Eh di mo naman ako matitiis baby, Sabi nito at kumuha ng burger para isubo sa akin. Kumagat ako sa burger,at uminom ng coffee muntik pa ko mabilaukan sa pag tawag Niya ng baby sakin , nagkwentuhan kami at nag asaran na parang katulad ng ginagawa namin nung magkasama pa kami. "Goodmorning lovers",bati ni harold sa amin. "Kaya pala napaka daming langgam at kanina pa ako kumakatok eh walang sumasagot ". dagdag pa nito. "Goodmorning Harold" sabi ko naman "correction hindi pa kami lovers dagdag ko pa. Tinignan ni sky ng masama si Harold dahilan para magpaalam na ito. "Napaka rude mo Kay Harold "Sabi ko Kay sky. "Ang galing kasing manira ng moment naiinis nitong sabi." "Huy mag trabaho na tayo Sabi ko dito." "Okey fine, Sabi nito at hinalikan ako sa likod ng palad ko bago mag tungo sa working table nito. Niligpit ko ang mga pinagkainan namin,at nagsimula na din akong mag trabaho dahil on leave ang senior ko na si miss Connie . ----- "Hay ang sakit ng likod ko pati daliri ko ,huhuhu mahina kong reklamo sa sarili at sabay yumukyok sa mesa ko,Wala Ngayon ang aking boss dahil may outdoor meeting ito sa Ilang kliyente. May narinig akong katok mula sa pinto at iniluwa nito si Harold na may dalang chiffon cake at may kasamang coffee na galing sa sikat na coffeeshop. "Special delivery, Harold said at inilapag nito sa mesa ang dala nito. "Galing kay boss,mag out na daw po kayo miss Lucy baka Hindi na makabalik si boss nasa meeting pa po ito." "Ah , Salamat dito ha,sabi ko nalang. "Miss Lucy, alam nyo po bang Ikaw palang po ang babaeng naging special kay boss kaya siguro nagalit iyon nung nakaraan ay dahil Nakita Niya kayo ni doc Villanueva na magkayakap, kwento nito. "Nakita niya kami ?? tanong ko. "Oo miss ,Kaya nga napaka-init ng ulo ni boss nung umalis kami hanggang Maka alis kami sa meeting.Alam nyo po ba na nagmadali pa kaming bumalik dito at maging sa apartment nyo ay hinanap namin kayo dahil kinuyog nga daw ho kayo ng mga babaeng may sira ata ang ulo, kwento pa nito. Wala akong masabi Kay Harold dahil natulala ako sa nalaman ko. "On the spot po na tinanggal sila ni boss at pinapabura sana ni boss Yung video sa internet kaso ang nakapagtataka e burado na po iyon at ang masakit ay napalitan ng s*xvideo ng tatlong iyon na nambubudol ng matandang mayayaman para kumita ng pera. dagdag pa nito . "Talaga?? kawawa naman sila. Really? naawa ka pa sakanila? Ay naku miss Lucy aalis na ako,babye ani nito. "Gumanti nga si Alex" bulalas ko sa hangin and the fact na nag aalala si sky sa akin and he's freaking jealous omg! kinikilig Kong Sabi , wait self ano to ?? s**t !!! don't tell me... I'm falling I love with him ??? -- Sinipat ko ang orasan ko it's pass 7 o'clock in the evening. Halos wala ng empleyado sa hallway dahil late na din siguro , ngumiti pa si Manong guard sa akin Bago makalabas ng building,ang problema ay kailangan ko pang maglakad Bago makarating sa daanan ng sasakyan. Malapit na ako sa may para dahan ng taxi ng may sasakyang huminto sa king harapan mula doon ay may tatlong kalalakihan ang bumaba at Bigla akong hinawakan sa dalawang braso dahilan para mahulog ang bulaklak na bigay sa akin ni sky sa akin kaninang Umaga , "Sino kayo, bitawan nyo ko pagmamatigas ko sa dalawang lalaking naka sumbrero at face mask , agad nilang tinakpan ang aking bibig at mabilis na pinasakay sa kotse, tinakpan din nila ang ilong ko ng panyo mula doon ay nagdilim na ang paningin ko. -- Hindi ko alam kung gaano katagal ang inilakbay namin subalit Nagising ako sa dahil sa malakas na sampal na tumama sa aking kanang pisngi . Iminulat ko ang mga mata ko Subalit kadiliman parin ang aking nakikita ,May piring aking mata at naka tali patalikod ang magkabilang kamay sa upuang aking kinalalagyan, halos mabingi ako sa lakas ng pagkakasampal sa akin. "Gising ka na ba babae ?? boses ng isang lalake. "Sino kayo Ano kailangan nyo ? nanginginig na Sabi ko kahit magkano ibibigay ko pakawalan nyo lang ako .. Nagtawanan ang lahat Kasama ng Isang boses babae, "Ano ka sinuswerte?? Nakalimutan mu na ba ang ginawa mo sa akin ha ?? Pati ang negosyo ng aking pamilya ay idinamay nyo!! Kaya ngayon Ikaw Naman ang pahihirapan ko kasabay ng halakhak na nakakatindig balahibo. "Wala akong ginawang masama kanino man! Sabi ko dito Pakawalan nyo na ko !! sigaw ko habang naiiyak na . "Hmm pag iisipan ko mu na ?? kung Ibenta kaya kita at ikalat din ang s*x video katulad ng ginawa nyo sa akin Sabi nito habang hawak nito ang baba ko,makinis ka pa naman sigurado kikita ako ,Tama iyon ang aking gagawin bago kita patayin , pagkatapos ay yabag palayo ang aking narinig. "Bantayan nyo ng maayos yan !!" sigaw pa nito. Hindi ako naka imik sa sinabi niya, "Eto na ba ang katapusan mo ko naalala ko ang pamilya ko at si Sky .. "Skyy kuyaa I'm sorry..... umiiyak kong bulong sa sarili ko .. Makalipas ang Ilang Oras ay May lumapit sa akin at hinawakan ang baba ko ,"Abat may itsura ito pare,tikman kaya muna natin Bago Ibenta ni boss Sabi ng lalaking mapaos paos ang boses biglang kumabog ang dibdib ko at inilayo ang mukha ko dito. Tinapangan ko ang sarili ko at kinausap ko ito. "Gusto nyo ba?? sabi ko sa maharot na boses, tanggalin mo muna ang takip ng aking mata para makita ko ang angkin mong kakisigan. "Abat !! Game pala ito pare !! may pares ng paa akong narinig na lumapit sa akin at tinanggalan ako ng piring at pagkakatali . "ipinikit ko ang mata ko matapos masilaw sa liwanag ang at tinanggal na din nila ang tali ko sa kamay , bumungad sa akin ang medyo payat na lalaking walang buhok ,Kasama nito ang Isang matabang matanda na sa tantiya ko ay mga pa senior na. Kinabahan ako ng hawakan ng matanda ang manggas ng long sleeve ko... Akmang hahawakan na nito ang dalawang dibdib ko ng makarinig kami ng putok ng baril..Mula doon ay itinulak ko ang mga ito at tumakbo ako. Nasa abandonadong Bahay pala kami , na may malawak na lupaing may mayayabong na damo, "God help me "mahina Kong dasal habang tumatakbo ako sa matataas na damo. Hindi ko na alintana ang mga matatalim na bagay na humahalik sa aking balat. Napadapa ako ng marinig ko ang baril na pumutok malapit sa akin. Mula sa aking braso ay sumirit ang pulang likido.May tama ako umiiyak kong sabi patuloy padin ako sa pag takbo Hanggang narinig ko ang boses ng aking kuya Eliot na tinatawag ako. Magkakasunod sunod padin ang putukang aking naririnig... Tumigil ako ng may malamig na bagay ang naramdaman ko sa likod ko . "Wag kang gagalaw o mamatay ka Sabi nito ,itinaas ko ang dalawang kamay ko at kumuha ng tyempo para maagaw ang baril na nakatutok sa akin,Subalit nabigo ako at napasalampak sa lupa itinutok nito ang baril sa aking ulo ,Isang putok ang umalingawngaw at nagdilim na ang paningin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD