Napabuntong-hininga na naman ako habang tinitiklop ang mga damit ko sa ibabaw ng kama. I really can’t believe it—pauwi na kami agad. Parang kailan lang nung dumating kami rito, pero pagkatapos ng intense na pag-uusap at mga nangyari kanina, pinaalalahanan na ako ni Dave na mag-empake. Sabi niya, be ready dahil lilipad na kami pabalik ng Manila tonight. Pagkasabi nun, umalis na siya agad dahil may importante raw siyang tawag na kailangang sagutin. To be honest, I am so thankful na nakita ko ulit ang Central Park. Oddly enough, feeling ko medyo gumaan ang pakiramdam ko. Parang iyong mga lugar na binisita namin ay unti-unting naggamot sa burdening pain na matagal ko nang dala-dala sa puso ko. Pero reality hits hard—kailangan ko nang bumalik sa trabaho bukas ng umaga. At si Dave Balmiller

