Fauna Mendoza’s POV "s**t!" Napamura na lang ako nang malakas dahil sa sunod-sunod na contraction habang namimilipit ako sa sakit dito sa kama. Alas-diyes pa lang ng umaga. Pagkakain ko ng breakfast, bumalik agad ako sa paghiga dahil sa sobrang hapdi. Lintik na dysmenorrhea 'to. Ito na yata ang sumpa sa aming mga babaeng hindi regular ang cycle. Random kung dumating ang period ko, at laging kasama ang parusang ito na tumatagal ng dalawa hanggang tatlong araw. Minsan, torture talaga sa sakit kaya napipilitan akong uminom ng painkiller kapag hindi ko na kaya. Kadalasan naman, kaya pang idaan sa tulog, pero sa pagkakataong ito, parang level 1,000 ang sakit—sagad sa buto. Kahit nalaman ko nang kahapon pa na dumating na ang dalaw ko, tinuloy ko pa rin ang mga tutorials ko at tinapos lahat b

