♞♟♜♚ Sa mga oras na iyon, pakiramdam ni Reo ay nagkamali siya ng galaw. Para siyang binuhusan nang malamig ng tubig para magising siya sa katotohanan at sa mga ginagawa niya na dulot ng kaniyang emosyon. Ngunit na papatanong siya sa kaniyang sarili, ano nga ba 'tong emosyon na dumadaloy sa kaniya ngayon? Pakiramdam niya ay wala na siyang pakialam sa kung sino man ang kaniyang mapatay o masaktan. Ngunit natauhan siya nang makita niya ang pagtakbo ni RU sa kaniyang harapan upang sanggain ang atakeng kaniyang binitawan, sandali siyang natulala habang kitang-kita sa mga mata niya ang pagkabigla sa ginawang aksyon ng dalaga. 'Bakit mo ililigtas ang lalaking iyan?' Iyon na lang ang natanong niya sa sarili at mabilis na tumakbo sa kinaroroonan ni RU, nakikipag-unahan sa atakeng kaNiyang pina

